Darren Espanto, nakalikom ng P526K sa online birthday concert

by PEP Troika
May 25, 2020
Nasa Canada man si Darren Espanto, todo-suporta sa kanya ang solid Darrenatics na nanood ng kanyang online concert. Umabot sa 11,300 ang viewers ng kanyang live streaming kagabi, May 24 (Manila time).
PHOTO/S: @patrickpimentel20 via @darrenespanto Instagram

JERRY OLEA

Umabot sa PHP526,000 ang nalikom ni Darren Espanto sa kanyang 19th birthday concert nitong Mayo 24, Linggo ng gabi (Manila time).

Nasa Calgary, Alberta, sa Canada si Darren, at nag-peak sa 11,300 ang viewers sa Facebook live concert niya.

Ang proceeds ay para sa "Pantawid Ng Pag-Ibig" campaign ng ABS-CBN upang makapagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan ngayong COVID-19 crisis.

Todo-support ang Darrenatics sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo na ang mga kamag-anak at kababayan ng singer sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Maayos ang daloy ng palabas, kung saan guests sina Gary Valenciano at Moira dela Torre.

Malinaw ang tunog, at may pa-background pa ng pangalan ni Darren.

Kita rin ang cakes na iniregalo sa kanya, pati na ang Beautederm products na pampakinis ng kanyang kutis.

Nakakakilig ang pagbati ni Kyline Alcantara.

Nawa’y panoorin ni Darren ang "Bayanihan Musikahan" concert ni Kyline mamayang 7:30-8:00 P.M.

At any rate, nag-greet din kay Darren si Kyle Echarri na five years na niyang kaibigan.

Continue reading below ↓

May birthday greeting din sina Robi Domingo, Mavy Legaspi, at kung sinu-sino pang hindi ko kilala. Sana, may chargen!

Siyempre pa, nanawagan si Darren na sana bumalik na sa ere ang pinagtatrabahuhan niyang ABS-CBN Network.

Teka! Kumusta na si Lyca Gairanod na tumalo kay Darren sa first season ng The Voice Kids (2014)?

Ang third placer na si Juan Karlos “JK” Labajo, ilang buwan pa kaya bago mapatawad nang lubos ni D?


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Apektado agad si Darren noong nagsimula pa lang kumalat ang COVID-19.

May mga na-cancel na siyang shows abroad, pati ang guesting sa anniversary concert ni Gary Valenciano.

Nang huli namin siyang nakatsikahan, umaasa raw siyang matapos na agad ang pandemyang ito para makabalik na tayo sa trabaho.

Pero matatagalan pa ito, kaya nasa Canada na muna siya.

At mabuti na hindi pa rin siya pinababayaan ng supporters niya.

Happy birthday kay Darren!

At ngayong 19 years old na siya, siya na kaya mismo ang haharap sa kaso laban kay JK Labajo na isinampa ng kanyang ina?

May kinalaman ito sa word war nina Darren at JK noong 2018, na nagsimula dahil sa tweet diumano ni JK na "gayness at its finest" patungkol kay Darren.

NOEL FERRER

Sinorpresa ni Catriona Gray ng matamis na birthday wish si Sam Milby noong Mayo 22, Biyernes.

Akala ko kagabi, May 24, may mambubulaga rin kay Darren na either Jayda Avanzado or Cassy Legaspi.

Continue reading below ↓

After that exciting and teasing interview with the press about his love life, kailan kaya lalantad ang tunay na nagpapatibok ng puso ni birthday boy Darren Espanto?

JERRY OLEA

Ang 19-anyos na si Darren ang nag-concert kagabi habang nasa Canada.

Nitong 10:00 A.M. ng Lunes, May 25, nagpasiklab naman sa "Bayanihan Musikahan" ang 61-anyos na si Fe de los Reyes na nasa California, USA.

Nakakahingal ang pagtatanghal ni Fe.

Kung ang karamihan ng singers na nag-online concert ay nakaupo lang, itong si Fe ay kandirit nang kandirit.

Todo liyad, meron pang pa-belly dancing! Inaaya niya ang audience na sabayan siya sa pagkanta, pagsigaw, at pagsayaw.

Ang harut-harot! Kerengkeng!

Ang galing-galing ni Lo La Land, Amerikana Made in the Philippines!

Sa mahigit 150 concerts ng "Bayanihan Musikahan," ang payanig ni Fe ang isa sa pinaka-enjoyable.

At huwag ninyong isnabin ang nalikom niyang pondo sa loob ng isang oras at 23 minuto—US$1,168 mula sa 25 donors.

Continue reading below ↓

Lumalabas na PHP23,370.16 ito base sa PHP50.84 kada $1 exchange rate.

Panoorin ninyo sa Facebook page ng "Bayanihan Musikahan" ang bonggang paandar ni Fe, at kung puwede, mag-donate kayo.

Siyangapala, apat na Kapuso pa ang tampok ngayong Lunes sa "Bayanihan Musikahan."

Tampok sina Golden Cañedo (6:00-6:30 P.M.), Kristoffer Martin (6:30-7:00 P.M.), Garrett Bolden (7:00-7:30 P.M.), at Kyline Alcantara (7:30-8:00 P.M.).

Continue reading below ↓

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa Canada man si Darren Espanto, todo-suporta sa kanya ang solid Darrenatics na nanood ng kanyang online concert. Umabot sa 11,300 ang viewers ng kanyang live streaming kagabi, May 24 (Manila time).
PHOTO/S: @patrickpimentel20 via @darrenespanto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results