JERRY OLEA
“Trash Song of the Year.”
Pag-aampalaya iyan ng isang basher/troll sa balita ni Kim Chiu nitong Mayo 25, Lunes, sa Facebook, nang ang kanta ni Kim, ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" ay agad pumasok sa Top 50 ng iTunes PH.
On its first day of release today!
Post ni Classmate Kim sa FB ngayong Monday afternoon, ang nasabing kanta ay “the TOP OPM song on iTunes PH and the ONLY OPM song on Top 50 on its first day of release.”
Nanawagan si Chinita Princess na patuloy na suportahan ng classmates niya ang "Bawal Lumabas: The Classroom Song” sa iba’t ibang digital platforms — iTunes, Apple Music, Spotify, Youtube, Deezer, at Amazon.
“Never thought that this fiasco could turn into an official song. Yes! Sounds funny, but yeah!” sabi pa ni Classmate Kim, na nagpasalamat nang paulit-ulit.
Dagdag ni Kim, “Hihinto man sandali pero tuluy-tuloy lang ang andar ng buhay. Every day is a learning experience.
“Sabi nga sa lyrics... Ang Buhay ay parang isang malaking silid aralan.”
Ipinaliwanag ni Classmate Kim kung bakit napili niyang cover photo ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" iyong picture na nakapikit siya habang nakahiga sa kama.
Aniya, “To be reminded that it is not how many times you fall; it is how you stand up after that fall.
“Life doesn’t stop in a specific honest mistake. Life is a cycle of Ups and Downs; it is a matter of how well we ride through that smooth and bumpy road.
“Kapit lang!!! Some say, ‘proud ka sa kabobohan mo.’
“I don't care. Kailangan lang ng acceptance.
“It just shows that we are all the same; we make mistakes; we are human, and as a Filipino, tinatawanan lang din natin ang pagkakamali natin lalo na pag nalampasan mo na ang problema at alam mo sa sarili mo na walang kang inapakang tao.
“Looking back, ang sarap nang pagtawanan at nasabi mo sa sarili mo, ‘Salamat, hindi ka sumuko.’
“Salamat sa inyo sa leksyong hatid nito sa buhay ko...”
GORGY RULA
Noong nag-trending at nag-viral ang iba’t ibang covers at remixes ng “Law ng Classroom,” nagsabi si DJ Loonyo na ayaw niyang maki-ride on at gumawa ng choreography nito bilang respeto kay Kim Chiu.
E, nag-collab si Kim with DJ Squammy at singer-songwriter Adrian Crisanto para mabuo ang "Bawal Lumabas (The Classroom)."
Ang latest, nag-reach out si Kim kay DJ Loonyo at ang sabi, “Gawin natin yung ano... yung steps...”
Game na ba si DJ Loonyo?
Abangan sa YouTube channel ni Kim Chiu ngayong Lunes ng 8:00 P.M.!
NOEL FERRER
Okey naman yung ginawa ni Kim na lampasan ang pagkakamali, at pagtawanan at gawing productive sa pamamamagitan ng kanta.
Bukod sa hindi pagpatol sa bashers at pagpapakumbaba sa pagkakamali, nawa’y magsilbi ring aral itong nangyari kay Kim, na hindi magpadalus-dalos sa pagsabak sa isyu (and go public) nang hindi gaanong gagap ang mga punto.
Bukas, May 26, magsisimula na ang hearing ng ABS-CBN franchise renewal sa Kongreso.
Susubaybayan natin iyan.
At punto por punto, mamarkahan ang mga magsasalita, kaya dapat maging alisto lahat!
Hindi na puwedeng daanin sa kanta iyan kung sakali.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)