Mystica, binuweltahan si Arnell Ignacio; Arnell, basta pro-Duterte pa rin 

by PEP Troika
May 27, 2020
Arnell Ignacio (kaliwa), tumangging sagutin ang mensahe sa kanya ni Mystica: "May na-file ako na kaso. Kung mali ako, e, di sabihin lang ng fiscal na ibasura na lang ‘yan." Di naman ina-address ni Arnell ang realidad na mas nakakalamang siya dahil nasa poder siya ng gobyerno.
PHOTO/S: Arnell Ignacio Facebook / Mystica Youtube

GORGY RULA

Hindi ako sure kung tinanggal na ni Mystica sa kanyang vlog ang mahabang hanash niya kay Arnell Ignacio.

Nagsampa si Arnell ng tatlong legal complaints laban kay Mystica dahil sa pagmumura nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang mga alegasyong cyber libel, inciting to sedition, at paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act.

Hindi ko kasi nakita iyong hanash ni Mystica sa Facebook, pero na-pick up ito ng ilang vloggers at influencers.

Ilan sa mga banat ni Mystica: “Arnell, bago ka gumawa ng kagaguhan, ng kayabangan, ng kaepalan mo, tingnan mo muna, pati yung description.

“Basahin mo, and obviously you didn’t. Obviously you didn’t listen to the whole f*ck*ng video.

“Doon ka lang nakatutok sa bandang huli ng video na kung saan doon ako nakapagmura at nakapagsentimiyento.

“Ikaw, hindi ka nakapagmura sa mga videos mo?

"Meron akong video na meron kang minura. Kung ano yung sinabi ko, ganun din ikaw.”

Continue reading below ↓

Napangiti si Arnell matapos mapanood ang mga sinabi ni Mystica.

Sabi ni Arnell sa DZRH radio program namin nitong Mayo 26, Martes ng gabi, hindi raw maaaring "walang limit" ang freedom of expression.

"Hindi ako galit sa kanya. Ang sa akin lang, padadalhan naman siya ng ano, e.

"Siyempre, narinig ko talaga yung mga sinabi niya. Hindi naman yun ang reason kung bakit merong case.

"Ang sa akin lang kasi, sa gitna ng lahat na mga nangyayari sa gulo, hindi tayo puwedeng ganyan na sabihin mo, sa freedom mo, without even checking kung ano ang magiging resulta nito."

Tingin ni Arnell, dumarami ang bashers na naglipana sa social media.

"Napansin niyo, biglang nagkasunud-sunod, ang daming taong putak lang nang putak. Kung anu-ano ang mga ipinu-post.

"Ang ibinibigay nating mensahe, because of this freedom that we enjoy, wala siyang limit, walang parameters.

"Sabihin mo kung ano ang gusto mong sabihin, and somebody should put a stop to this. Hindi lang kasi ganoon ang isyu, e."

Continue reading below ↓

Dedma si Arnell sa pagmumura sa kanya ni Mystica sa Facebook video nito.

"Hindi naman ako nagugulat na magsisigaw siya at insultuhin ako. Doon na lang niya sabihin yun,” pahayag ni Arnell.

Umalma naman si Mystica sa double standard na pagdedemanda sa ordinaryong netizen tulad niya nang dahil lamang sa pagmumura.

Gayong si mismong Pangulong Duterte ay kilala sa malutong at walang prenong pagmumura sa public speeches nito.

Depensa ni Mystica: "Ang presidente na ilang milyones na siyang nakapagmura… ako, nakapagmura ako sa huli dahil sa sentimiyento ko na bakit hindi ako mabigyan ng equality.

"Hindi ako mabigyan ng equal na treatment.

"Pare-pareho lang kaming gutom. Pare-pareho lang kaming walang trabaho. Pareho lang kaming nawalan ng hanapbuhay."

Maraming punto si Mystica. Pero basta tumangging sumagot ni Arnell.

Magkita na lang daw sila ni Mystica sa piskalya at doon na raw ito magpaliwanag.

"May na-file ako na kaso. Kung mali ako, e, di sabihin lang ng fiscal na ibasura na lang ‘yan.

Continue reading below ↓

"May nakita akong hindi tama. Kaya I have to file a case.

"Wala pa naman sa korte yun, e. Titingnan pa ng fiscal yun."

May oportunidad naman daw si Mystica na magsumite ng sinumpaang salaysay nito sa Prosecutor's Office ng Imus, Cavite.

Dagdag ni Arnell: "Kapag nasa preliminary investigation na tama siya sa ibibigay niyang counter [affividavit]…

"Pero yung ganyan… Ewan ko lang sa kanya, kung tingin ba niya, makakatulong iyang pagsisigaw niya uli."

Open daw si Arnell sa posibilidad na magkausap sila ni Mystica, dahil magkakaharap daw sila sa fiscal’s office kung sakali.

Ewan ko lang kay Mystica kung willing siyang makipag-ayos kay Arnell.

NOEL FERRER

Idinulog na ni Arnell ang usaping ito sa piskalya. Doon na sila magtagpong dalawa.

Pero, dahil nasa poder ng gobyerno si Arnell, kung tutuusin ay nakalalamang siya kay Mystica kahit pa sa piskalya.

Ganunpaman, parang kalabisan pang ito ang pagbabalingan ng atensiyon gayong may pandemya.

Continue reading below ↓

Nagkukumahog pa rin ang iba nating mga kababayang walang trabaho at walang makain.

At iyon namang mga magbabalik-trabaho, susuungin na ang takot na baka mahawa ng virus dahil hindi pa naa-isolate ang mga positive cases...

Hayyyyyy, kawawang bayan talaga!

JERRY OLEA

"Less talk, less mistake."

Nasa YouTube channel na Ako Pinoy ang mainit na banat ni Mystica kay Arnell.

Ikukunsidera kaya iyon ng piskalya? Nawa’y may mabuting ibunga ang usaping ito.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio (kaliwa), tumangging sagutin ang mensahe sa kanya ni Mystica: "May na-file ako na kaso. Kung mali ako, e, di sabihin lang ng fiscal na ibasura na lang ‘yan." Di naman ina-address ni Arnell ang realidad na mas nakakalamang siya dahil nasa poder siya ng gobyerno.
PHOTO/S: Arnell Ignacio Facebook / Mystica Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results