Xian Lim, tumutulong ba sa "Bawal Lumabas" campaign ni Kim Chiu?

by PEP Troika
May 27, 2020
Posible kayang gumawa rin ng sariling bersyon ng "Bawal Lumabas" ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim?
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

JERRY OLEA

Nakatisod si Kim ng mga bagong kaibigan at ka-collab dahil sa "Bawal Lumabas" fiasco—sina DJ Squammy, Adrian Crisanto, at DJ Loonyo.

Balikan natin ang timeline kung paano nagawa ni Kim na gawing positibo ang narasanan niyang pambu-bully sa kanya sa social media.

Eksaktong 7:52 P.M. noong Mayo 5, Martes, nagsara ang ABS-CBN.

Mayo 8, Biyernes ng gabi, nagkaroon ng “Laban, Kapamilya” forum sa Facebook account ni Kim Chiu.

Galing dito ang viral “Law of Classroom” quote ni Chinita Princess.

Sa mga sumunod na araw, ang daming gumawa ng covers at remixes ng mga tinuran ni Kim na nilapatan ng beat ni DJ Squammy.

Ipinagtanggol si Kim ng fans, supporters, friends, at colleagues niya, sa pangunguna ng co-stars niya sa ABS-CBN afternoon series na Love Thy Woman.

Mayo 11, Lunes, lumabas sa YouTube account ni DJ Squammy ang beats sa “Bawal Lumabas.”

More and more ang nag-dance challenge sa TikTok gamit ang DJ Squammy beats. Trending! Viral!

Continue reading below ↓

Mayo 12, Martes, dinepensahan si Kim ng boyfriend at ka-love team niyang si Xian Lim sa Instagram.

Lumabas sa Facebook ang open letter kay Kim ng singer-songwriter na si Adrian Crisanto.

Mayo 13, kumalat ang pagtanggi ni DJ Loonyo na gawan ng dance steps o choreography ang "Bawal Lumabas" bilang respeto sa aktres na si Kim.

Mayo 18, Lunes, nag-vlog si Kim sa eponymous YouTube channel niya kaugnay ng pinagdaanan niya.

Inilunsad dito ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)," na collab nila nina Adrian Crisanto at DJ Squammy.

Halos 2.3M views na ang vlog entry na ito—na 33 minutes at 17 seconds ang running time.

Iyong lyric video (3 minutes and 16 seconds)—na in-upload noong Mayo 19, Martes sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music—naka-3.1M views na.

Makalipas ang isang linggo, noong Mayo 25, inilunsad ni Kim Chiu sa YouTube channel niya ang "Bawal Lumabas" merchandise. Ibinebenta niya ito para makaipon ng pondo para sa isang relief op.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa video ang galaw challenge tampok si DJ Loonyo. Tumagal ng 17 minutes at 17 seconds ang vlog, na halos 576,000 views na.

Nang gabi ring iyon ay inilabas ni DJ Loonyo sa kanyang YouTube channel ang tutorial sa "Bawal Lumabas Galaw Challenge."

Tumagal ng 14 minutes at 24 seconds ang tutorial, na humamig na ng halos 445,000 views.

Ang daming nangyari sa loob ng tatlong linggo.

Liban sa pagdepensa kay Kim, marami ang naghihintay kung ano naman ang itutulong ni Xian sa nobya.

Kilalang multi-talented si Xian. Nakapagdirek siya ng pelikulang Tabon para sa Cinemalaya 2019.

Magaling din siyang tumugtog ng iba’t ibang musical instruments.

Puwede kayang mag-duet o sumayaw ang KimXi ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)"?

Sana tulungan ni Xian si Kim sa promo ng "Bawal Lumabas" merchandise.

GORGY RULA

Tingin ko, hindi lang nae-expose sa social media ang support ni Xian Lim sa pinagdaanan ni Kim.

Continue reading below ↓

Quotang-quota na si Kim sa pagka-involve niya sa isyu sa pandemya.

Talbog na niya ang celebrities na nag-positive sa COVID-19.

Huwag na muna siguro siyang maintriga sa love life.

Hindi kasi puwedeng makitang magkasama sila ni Xian dahil bawal pang lumabas.

NOEL FERRER

Kahit sikat na sikat, ang hirap pa rin ng kalagayan ni Kim Chiu.

Tumatak nang husto sa kamalayan ng publiko ang "Bawal Lumabas" song niya ngayong pandemic.

Since pinangatawanan na niya ang paggamit ng kanta to positivize things, itodo na niya.

Hindi na dapat magbalat-sibuyas sa magiging comments ng bashers, lalo pa’t she already decided to move on.

If it still hurts, (and I can imagine it is so), she just has to go back to her motives and her learnings.

Stick to what's good and learn from her mistake.

As I always say, your best weapon against any issue will be a good deed!!!

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Posible kayang gumawa rin ng sariling bersyon ng "Bawal Lumabas" ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim?
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results