McCoy de Leon, biktima ng pekeng "Law ng CR" quote 

by PEP Troika
May 27, 2020
McCoy de Leon sa taong gumawa ng pekeng "Law ng CR" quote na sinabing kanya: "Kung mababasa mo to wala akong galit, gusto ko sana malaman kung saan kita pwede makausap dahil gusto kitang tulungan."
PHOTO/S: @hashtag_mccoydl Instagram

JERRY OLEA

Umalingasaw ang pag-alipusta ng netizens kay McCoy de Leon dahil sa “Law ng CR" simula noong Mayo 25, Lunes.

Si McCoy ay unang nakilala sa defunct ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart.

Dati rin siyang miyembro ng Hashtags, ang all-male group sa noontime show na It's Showtime.

Pinagbidahan niya ang pelikulang Sakaling Maging Tayo kasama si Elisse Joson.

Iniuuganay sa Kapamilya actor ang quote kung saan ikinumpara umano nito ang ABS-CBN sa kubeta o comfort room.

Parte na raw ang ABS-CBN sa basic need ng Kapamilya viewers, kaya sana ay payagan mag-operate muli ang radio at TV shows nito.

Bahagi ng pahayag umano ni McCoy: "Kahit po sinabi ng isang professor na hindi naman natin talaga kailangan ang ABS-CBN para mabuhay eh, tama naman po siya dun.

“Pero para sa akin po, ang ABS-CBN, eh... para siyang CR.

“Tama po, CR.

“Ang CR, hindi naman natin kailangan para mabuhay, eh, kaya hindi siya mahalaga.

Continue reading below ↓

“Lumaki po ako sa Tondo kaya po alam ko kung gaano kaproblema ang palikuran sa amin.

“Isipin niyo na lang po na yung ABS-CBN ay CR.

“Pa'no po kung lahat tayo walang CR? Mahirap po di ba?”

Ngayon ay malinaw na sinasabi ni McCoy na "FAKE NEWS" ang CR analogy na inuugnay sa kanya.


Continue reading below ↓

May isa pang quote card kunsaan may mensahe pa umano si McCoy para kay President Rodrigo Duterte.


Martes ng gabi, Mayo 26, nilinaw ng ABS-CBN News sa Twitter at Facebook na gawa-gawa lang ang kumalat na CR analogy.

Nilagyan lang ito ng ABS-CBN logo, pero peke ang quote rito.

Sabi sa official statement ng ABS-CBN: “Maging mapanuri sa mga nakikita online.

Continue reading below ↓

"Hindi ginawa at inilabas ng ABS-CBN News ang infographics na naglalaman ng pekeng pahayag ng aktor na si Mccoy de Leon."


Pagkabantut-bantot man ng pekeng balitang ito, marami pa rin ang napaniwala.

Kabilang ang isang kaibigan kong guro na mahigit tatlong dekada nang nagtuturo.

Nagpatutsada pa ang hitad nitong Mayo 27, Miyerkules, kung sino naman ang magpapauso ng "Law ng Ayuda."

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ang mga tao, maka-comment lang, gagawin lahat kahit mag-fake news.

Grabe na rin siguro ang restlessness ng mga tao, kasing-restless ng mga gamu-gamong nagkalat sa lugar namin.

Aminin natin, grabe ang dagok sa atin ng pandemyang ito, dadagdag pa ba tayo sa pasakit ng ating buhay?

Sana, Lord, maayos na lahat ng ito!

JERRY OLEA

Mayo 25, Lunes ng hapon, nang mag-post ang isang netizen sa Facebook ng infographics sa Law ng CR.

Ang hanash nito, “Macoy dapat di ka ngsalita ng ganyan baka akala mo gaano kana kasikat alahanin mo bilog ang Bola bka isang araw wala kanang Penikula o trabaho sobrang yabang mo e ikaw ano na karami iyong natulong sa iyong Kapwa Tao bka hanggang salita lang wala sa Gawa!

“Huwag mong kalimutan kung ano ka noon bago ka narating sa iyong narating ngayon. Dahil KARMA is Real!”

May mensahe si McCoy sa Facebook nitong Miyerkules ng madaling-araw para sa “kung sino man yung taong gumawa nito para sa akin."

Continue reading below ↓

Aniya, “Kung mababasa mo to wala akong galit, gusto ko sana malaman kung saan kita pwede makausap dahil gusto kitang tulungan.

“Pwede mo ko makausap dito sa sarili kong account, i-message mo lang ako (Instagram & Twitter: @hashtag_mccoydl).

“Hindi ako ma-social media na tao pero para sayo handa ako makikipag usap kahit ano mang oras.

“Tutulungan kita pati ang pamilya mo dahil alam ko sa panahon ngayon maraming taong naghahanap ng pagkakakitaan, atensyon at tulong.

“Kung nababasa mo man to, bukal sa puso ko ang tumulong mag-aantay ako.”

GORGY RULA

Kahit anong "law" pa ang paglaruan ng malisyosong netizens, sana ay huwag nang idamay ang Kapamilya talents.

Lalo pa't seryoso ang sitwasyong hinaharap ng home network nila ngayon.

Walang magagawa ang memes sa batas na dinidinig sa Kongreso para magka-franchise ang ABS-CBN.

Dito na lang muna tayo tumutok, dahil ito ang totoong isyu.

Heto nga... minamadali na ng mga kongresista na matapos na ito.

Continue reading below ↓

Sisikapin daw nilang matapos ito bago ang State of The Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Siniguro ni Laguna First District Dan Fernandez na tuloy ang pagdinig sa ABS-CBN franchise kahit mag-recess ang Kongreso sa Hunyo 4.

Isasabay raw dito ang iba pang panukala na kailangang tugunan sa hinaharap nating COVID-19.

Lahad ni Dan: "Nagkaroon kami ng usapan at motion as well that we will continue yung aming hearing.

"Even kami’y bakasyon, magpapatuloy ang hearing na ito, para nang sa ganun, matapos namin ito bago mag-SONA ang Presidente.

“Hopefully, bago mag-SONA, magbobotohan na sa committee."

Nakapanayam namin ang kongresista sa DZRH nitong Mayo 26, Martes ng gabi.

Dugtong niya, "At after magbotohan sa committee—kung halimbawang magiging positibo para sa ABS-CBN—this will go sa plenary.

"Pag naaprubahan, aakyat sa Senado."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon sa taong gumawa ng pekeng "Law ng CR" quote na sinabing kanya: "Kung mababasa mo to wala akong galit, gusto ko sana malaman kung saan kita pwede makausap dahil gusto kitang tulungan."
PHOTO/S: @hashtag_mccoydl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results