Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Mystica, balak magsampa ng walong kaso laban kay Arnell Ignacio

by PEP Troika
May 28, 2020
Mystica sa pagsasampa ng reklamo ni Arnell Ignacio laban sa kanya. “Ako, hindi ako nagsasalita, but I am being provoked. Kaya lalaban na ako.”
PHOTO/S: YouTube / Facebook

GORGY RULA

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagpapahanap si Mystica ng magaling na abugadong magri-represent sa kanya para sa mga kasong isasampa niya laban kay Arnell Ignacio.

Kung si Arnell ay tatlong reklamo ang isinampa—sedition, cyber libel, at violation sa Bayanihan To Heal As One Act—walong kaso naman daw ang isasampa ni Mystica.

Shout out ni Mystica sa FB: “Wanted ASAP! I need the best lawyer to represent my 8 cases against Arnell Ignacio!—Mystica”

Binanggit pa ng singer ang mga nademanda niya noon na naipanalo raw niya ang mga kaso.

Kinagabihan, May 27, kinapanayam namin si Mystica sa DZRH.

Nilinaw namin kung may panggastos ba siya sa abugadong kukunin niya.

Binanggit niya kasi sa kanyang vlog na nagdagdag pa si Arnell sa poproblemahin niya.

Kapos na raw kasi siya sa pagkain, dagdag-gastos pa ang magiging abogado niya.

Pero ngayon ay ipinagmalaki ni Mystica na may "millions" siyang panggastos para sa mga abugado niya.

Continue reading below ↓

Para raw mabuweltahan niya ng sangkatutak na kaso si Arnell at iba pang gusto niyang idemanda.

Sinampahan ng reklamo ni Arnell si Mystica dahil sa pagmumura ng singer kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Saan siya kukuha ng millions para panggastos sa abugado niya?

“May mga backuppers ako!” tili ni Mystica sa amin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kailan ba ako hindi napi-finance? May mga sponsor ako, di ba?

“Nabubuhay ako, puro sponsorships,” pagmamalaki ng singer.

Pero dahil sa nangyayari ngayon na kinasuhan siya ni Arnell, nasira siya at nabawasan raw ng sponsors.

“E, nasira na ako, dadalawa na lang ang natirang sponsors ko. Paano na 'yan?

“Dati-rati, ang dami-dami kong naka-lineup na sponsors, nakikita niyo.

“Pero lahat... because ganito na ang nangyayari sa akin, I have to keep my mouth shut.

“Ako, hindi ako nagsasalita, but I am being provoked. Kaya lalaban na ako,” dagdag niyang pahayag.

Hindi lang nilinaw ni Mystica kung ano ang mga ikakaso niya kay Arnell.

Continue reading below ↓

Maliban dito, may iba pa raw siyang idedemanda.

May mga nagsasabi raw kasing nababaliw na siya, na binalikan pa niya ang isyu nila noon ni Raffy Tulfo.

“Pupunta na rin lang ako sa korte, isasali ko na rin lahat kung sino ang nagsabi sa akin na baliw.

"Pati mga bloggers, isali ko na rin," sabi pa ni Mystica.

NOEL FERRER

My God, continuing saga of Mystica and Arnelli, unnecessary noise and distraction during this pandemic!

Truly, we should choose our battles.... parang election lang—wisely!!!

JERRY OLEA

Nakausap ko ang ex-boyfriend ni Mystica na si Troy Montez, aka Kid Lopez, sa cellphone nitong Mayo 28, Huwebes ng hapon.

Ani Troy, ano man ang mangyari ay mananatili ang respeto, pagmamahal, at pagmamalasakit niya kay Mystica.

“Siyempre, may pinagsamahan kami. Hindi ko makakalimutan ‘yon,” sabi ng 28-anyos na si Troy, na taga-General Trias, Cavite.

Sumusuporta si Troy kay Mystica sa laban nito kay Arnell Ignacio—may lockdown man o wala.

Continue reading below ↓

Si Troy ay isa sa 100 official candidates ng online search na Ginoong Quarantino: The King of ECQ 2020.


“Sana, suportahan po ninyo ako sa online voting dito na magsisimula ngayong Thursday ng 6:00 P.M.,” sambit ni Troy, na sadyang dakila sa pag-ibig.

Ang grand prize sa timpalak ay P200K.

Continue reading below ↓

Nakalaan sa first runner-up ay P50K. Sa second runner-up, P20K. Sa third runner-up, P10K. At sa 4th runner-up, P5K.

Kahit consolation prize lang ang makamit ni Troy Montez, handa raw siyang i-share iyon kay Mystica.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mystica sa pagsasampa ng reklamo ni Arnell Ignacio laban sa kanya. “Ako, hindi ako nagsasalita, but I am being provoked. Kaya lalaban na ako.”
PHOTO/S: YouTube / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results