Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, eight years na

by PEP Troika
May 29, 2020
couple embracing each other by the beach
Ipinagdiwang ng KathNiel fans ang 8th anniversary nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 400 food packs aa Manila Department of Social Welfare.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram

JERRY OLEA

Ikawalong anibersaryo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong Mayo 26, Martes.

Ipinagdiwang iyon ng KathNiel fans sa pamamagitan ng pagdo-donate.

Tweet ng Manila Public Information Office:

“LOOK: The KathNiel Fandom and Mr. Alvin Mendoza have donated 400 food packs to the Manila Department of Social Welfare (MDSW).

“The donation is intended for street dwellers sheltered by the MDSW at the Fugoso Sports Complex.”

Siyempre, nagkita ang KathNiel bago pa man ang kanilang anniv.

Pinost ni Kathryn sa Instagram ang food ayuda na hatid ng kasintahan noong Mayo 24, Linggo.

Continue reading below ↓

“Noon pa, kapag wala silang work, dumadalaw si Daniel kina Kathryn.

"Tapos, luto sila nang luto kasama si Lhexine na pamangkin ni Kath,” kuwento ng source ng PEP Troika.

“Siyanga pala, noong Martes ay 3rd anniversary rin ng KathNails nail salon.”

Ang saya ng 10th session ng Actors’ Cue noong Mayo 22, Biyernes, kung saan panelists sina Daniel, Joshua Zamora, at Zanjoe Marudo.

Inilahad ni Daniel na na-bash siya nang maka-partner si Kathryn sa Princess and I (Abril 2012-Pebrero 2013).

Ang nauna kasing ka-love team ni Kath ay si Albie Casiño sa remake ng Mara Clara (Oktubre 2010-Hunyo 2011).

Tampok si Kathryn sa 11th session ng Actors’ Cue ngayong Mayo 29, Biyernes, 7:00 P.M. sa Facebook page ng ExtendTheLove.

Continue reading below ↓

Panelists din dito ang tatlo pang Kapamilya actresses na sina Maja Salvador, Dimples Romana, at Maymay Entrata, with Direk Adolf Alix Jr. as moderator.

NOEL FERRER

Happy Anniversary sa KathNiel at sa KathNails!

Dahil sa pandemya, ano na kaya ang mangyayari sa dapat pelikula ng KathNiel na kukunan abroad, at yung teleserye nilang After Forever?

Paano na kaya ang mga yun?

HOT STORIES

GORGY RULA

Nang mag-guest si Daniel sa Actors’ Cue, binanggit niya na ito na ang ating bagong normal at nag-a-adjust na siya.

Kaya handa na siyang magtrabaho, kung puwede na nilang simulan ang teleserye nila ni Kathryn Bernardo na After Forever, at ang pelikulang gagawin sana nila sa ibang bansa.

Kahit wala pang katiyakan ang kapalaran ng ABS-CBN sa pinag-uusapang franchise sa Kongreso, naghahanda na ang iilan sa sisimulan nilang teleserye.

Pero wala pa kaming balita rito sa gagawin ng KathNiel.

Sabi naman ni Karla Estrada, ini-enjoy pa nilang pamilya ang pagsasama-sama habang naka-quarantine.

Continue reading below ↓

Type na type daw ni Daniel ang mga lutong bahay na inihahanda niya. Kahit miswa na may sardinas ang niluluto niya, ini-enjoy ito ni Daniel.

Kaya talagang nag-bonding silang pamilya.

Si Kathryn naman ay dapat na paghandaan niya itong GCQ kapag puwedeng magbukas ang kanyang KathNails.

Pinag-aaralan pa kasi ng DTI kung puwede nang buksan ang mga parlor, kasama na roon ang nail salons.

Magbubukas na kasi ang ibang parlor sa susunod na linggo, pagkatapos humingi ng permiso sa DTI.

So far, wala pang announcement ang KathNails kung magbubukas na rin ba sila.

JERRY OLEA

Dito sa PEP Troika unang nabalita na gagawa ng pelikula sa Star Cinema sina Kathryn at Alden Richards.

Tayo ang unang gumamit ng portmanteau o blending na KathDen.

Andaming nagduda at humanash na fake news iyon. Na kesyo nakuryente tayo.

Pero na-vindicate tayo, at ang 2019 film na Hello, Love, Goodbye (HLG), ang highest grossing Filipino film of all time (hindi adjusted sa inflation).

Continue reading below ↓

Co-star ni Kathryn si Maymay sa HLG, at naging magkakaibigan ang mga artista rito — Kapamilya man o Kapuso.

Ang second highest-grossing Pinoy movie sa kasaysayan ay ang 2018 film na The Hows Of Us (THOU), kung saan si Daniel ang katambal ni Kathryn.

Itong THOU at HLG pa lang ang Filipino films na lumampas sa P800M ang kinita sa takilya.

Sakang na kung sakang si Kathryn, pero hindi maitatatwa na siya ang reigning Box Office Queen of Philippine Cinema!

Siyanga pala, pangungunahan ng KathNiel ang fourth episode ng I Feel U #IFeelKilig sa Mayo 31, Linggo ng 5:00 P.M.

Live ang streaming nito sa Facebook accounts ng Star Cinema Official, Star Music PH, One Music PH, Kapamilya TFC, at Jeepney PH.

Iho-host ito ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, at nasa episode na ito rin sina Moira de la Torre, Khalil Ramos, Pokwang, Lee O’Brian, Sam Mangubat, Dominic Roque, at Patrick Sugui.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagdiwang ng KathNiel fans ang 8th anniversary nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 400 food packs aa Manila Department of Social Welfare.
PHOTO/S: @dominicroque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results