Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

CaiReel ng Gameboys, la-landing na ang special kilig episode

by PEP Troika
May 29, 2020
Major kilig na naman ito! Magwagi kaya si Gavreel (kanan) sa planong panliligaw kay Cai (kaliwa) sa special episode ng Gameboys?
PHOTO/S: Screengrab from Gameboys episode 1 via Youtube

JERRY OLEA

May sorpresa ang Gameboys ngayong Biyernes ng 8:00 P.M, Mayo 29, sa YouTube channel na The IdeaFirst Company.

May pasilip ang CaiReel—sina Cairo at Gavreel, ang characters nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos—sa Pinoy Boys Love series.

"Hindi pa ito yung Episode 2. Pero I think, matutuwa ang lahat sa surprise na ito!” sabi ng executive producer na si Perci Intalan.

Naka-chat namin si Perci nitong Biyernes ng hapon via Facebook Messenger.

"Based ito sa sinuggest sa amin, isiningit talaga namin, kasi magandang idea.

"Mas masisilip natin ang buhay nina Cairo at Gavreel dito. At malamang, kikiligin uli ang mga tao.

"Parang Episode 1.5 ito. Hahaha!

"Pero ongoing na kami sa Episode 2. Coming soon na ito!"

Ang unang episode ng Gameboys na “Pass or Play” ay in-upload noong Mayo 22, Biyernes ng 8:00 P.M.

So far, naka-272,000 views na ito sa YouTube.

"Noong Sunday lang na-decide na gawin ang surprise na ito ng Gameboys,” dagdag na kuwento ni Perci.

Continue reading below ↓

"Halos hindi kami natulog para lang siguraduhing umabot ito tonight.

"Nagpakapuyat kami para may mailabas tonight na worth it."

Pinayuhan din daw sila ng kanyang partner na si Jun Lana na karirin ang special episode ng Gameboys.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Excited na lahad ni Perci: "Sabi ni Jun sa amin, hindi pwedeng basta-basta lang—dapat, kita ng tao na kinarir.

"Kaya ayun, na-challenge ang buong team. Ginawa namin ito HABANG ginagawa ang Episode 2.

"Grabe, para kaming nasa network uli lahat! For airing!"

GORGY RULA

Nakakatuwa at busy na ang ibang production sa mga sinimulang projects kagaya nitong sa IdeaFirst Company.

Next week ay nasa GCQ na ang NCR at mga kalapit-lalawigan.

Ikinakasa na ang pagri-resume ng taping ng isang malaking teleserye.

Kinukumpleto lang nila ang requirements sa guidelines at protocols na kailangang sundin.

Natuwa ang mga big boss sa style ng hosting sa online shows ng isang magaling na aktor.

Hindi malayong magkaroon ito ng sariling show kapag okay na ang bago nating normal sa TV production.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Supportive tayo sa ganitong efforts lalo na ng independent companies.

Ang mga paandar sa Gameboys, hindi offensive at talagang nakakakilig!

Sana ganito kapulido at pinaghandaan... hindi yung basta-basta lamang!!

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Major kilig na naman ito! Magwagi kaya si Gavreel (kanan) sa planong panliligaw kay Cai (kaliwa) sa special episode ng Gameboys?
PHOTO/S: Screengrab from Gameboys episode 1 via Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results