Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Ken Chan, na-shookt sa binasang shout out sa All Out Sundays live chat

by PEP Troika
May 29, 2020
Ano ang binasang shout out ni Ken Chan (itaas, gitna) na ikina-shookt maging ng kanyang All Out Sundays co-stars?
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

JERRY OLEA

Viral ang shout out ni Ken Chan sa "Stay Home Party" ng All Out Sundays noong Mayo 24, Linggo, via Facebook.

“Binagsakan” ni Ken Chan ang mga kasama sa chatroom na sina Betong Sumaya, Christian Bautista, Derrick Monasterio, Julie Anne San Jose, at Aicelle Santos.

Pagka-shout out ni Ken ng "Master Bator" ay tawang-tawa agad ang mga ka-chat niyang Kapuso artists.

Takang-taka pa noong una si Ken, bago na-shookt AF nang matanto ang kanyang boo-boo.

“Thank you so much, next na tayo.

"Thank you to everybody na nandito ngayon.

"Mamaya, guys, makakasama natin sina Paolo..." sabi ni Christian, habang nagtatakip ng mukha si Ken, at todo hagalpak si Derrick.

Nagpaalala si Betong, “Guys, ha?! Naku, alam niyo, mag-ingat po tayo sa sina-shout out natin dahil, ako, nabiktima na ako niyang shout out-shout out na ‘yan!”

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Noon pa man ay marami nang nabibiktima si Master Bator, Master Bates, at iba pang pangalan na double entendre (double meaning), lalo na sa paging counter sa mall.

Trivia: Si Charley Bates ay isa sa mga supporting character sa nobelang Oliver Twist (1838) ni Charles Dickens.

Tinatawag si Charley na Master Bates.

Ang English word na “masturbate” ay nag-ugat sa salitang Latin na “masturbari.”

Kabilang pa sa mga pangalan na dapat iwasan ni Ken sa pagsa-shout out ang Tina Moran, Pining Garcia, Jack Collin, Chino Pacia, Mike Litoris, Mike Hunt, Juan King, Chris Peacock, Ben Dover, Jack Mioff, at Hugh Jazz.

GORGY RULA

Dapat tayong mag-ingat sa mga binabasang comments.

Walang kamali-malisya noong binanggit ni Ken ang "Master Bator."

Hindi siya big deal.

Pero bakit si Derrick ang sobrang tawang-tawa?

Sa kanya ako namalisyahan, hindi sa sinabi ni Ken.

Siyanga pala, ang dami nang nagre-request na sana mapanood na sa TV itong Live Chat ng All-Out Sundays.

Continue reading below ↓

Hinihintay lang ang decision ng mga boss.

Kinakarir pa bang mas dumami ang sponsors?

NOEL FERRER

Ken Chan and Derrick Monasterio... ano ang pagkakapareho at ano ang pagkakaiba?

Oh, well, ano ba yung updated categories ngayon? Suspect, Probable, Confeeermed!

Kayo na ang mag-multiple choice kung ano ang akma sa kanila!

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang binasang shout out ni Ken Chan (itaas, gitna) na ikina-shookt maging ng kanyang All Out Sundays co-stars?
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results