Di kaya parang matira ang matibay sa June 1?

by PEP Troika
May 31, 2020
Sa pag-transition ng Philippines sa GCQ at MGCQ sa June 1, marami ang nangangamba lalo pa't patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 cases. Handa na ba tayo?
PHOTO/S: Mauro Mora on Unsplash

JERRY OLEA

Mayo 25, Lunes, ini-announce ng Department of Health (DOH) na 284 ang new cases ng COVID-19 sa Pilipinas.

Mayo 26, Martes, inihayag ng DOH na 350 ang new cases.

Mayo 27, Miyerkules, ibinando ng DOH na 380 ang new cases. Umabot na sa 15,049 ang total number of cases.

Mayo 28, Huwebes, ibinalita ng DOH na 539 ang new cases.

Mayo 29, Biyernes...1,046 ang reported cases. Ipinaliwanag ng DOH na 46 lamang ang fresh cases, at iyong 1,000 ay late cases.

Mayo 30, Sabado, ipinamarali ng DOH na 252 ang fresh cases, 338 ang late cases, kaya ang total ng cases reported noong araw na iyon ay 590. Ang total number of cases ay pumalo na sa 17,224.

Sa 43rd Miss Universe na ginanap noong Mayo 21, 1994, sa Philippine International Convention Center ng Pasay City, inusisa ng host na si Bob Goen ang kinatawan nating si Charlene Gonzalez kung ilan ang mga isla sa bansa. Bibang-biba ang hirit ni Charlene, “High tide or low tide?”

Continue reading below ↓

May version ang nasabing sagot ni Charlene na kumakalat ngayon sa social media bilang meme. Ang naging tanong ni Bob kay Charlene ay kung ilan ang bagong COVID-19 cases sa Philippines.

"Paglilinaw" ni Charlene, “Fresh cases or late cases?”

GCQ (General Community Quarantine) na ang NCR at mga kalapit-lalawigan umpisa sa Hunyo 1, Lunes.

Naghuhumiyaw na himutok ng netizens, “Noong 65 pa lang ang cases, bawal kaming lumabas. Ngayong 17,224 na ang total cases, ay! Puwede na palang lumabas!”

Ayon sa HOY Pinoy Trending, baka ang ibig sabihin ng acronym na GCQ ay... Get Cremated Quickly.

NOEL FERRER

May lumabas ding meme kay Catriona Gray na ang sabi, “Ang bansang nag-40 Days na ang patay, saka pa lang nabilang...PHILIPPINES!”

Bakit kasi parang pinasasakay tayo sa naratibong akala nila ay tatanggapin na lang natin nang walang pagtatanong?

Ngayon tuloy, higit nating nararamdaman na tayo na ang bahala sa ating buhay.

Buti na lang, nagtutulungan talaga tayong mga Pilipino.

Sang-ayon ako sa nasulat ng kaibigan kong director-producer na si Perci Intalan noong Mayo 28, Huwebes, sa Facebook: “For two and a half months, we said goodbye to way too many loved ones, saw the suffering of way too many people, lost way too many jobs (not to mention an entire TV network), can't account for way too many billions of pesos.... And in the end, all we got is ‘bahala na kayo.’

Continue reading below ↓

"This disease exposed what is truly sickening about this country. Oh, have we lost so much pride and dignity that we've just accepted that this is all we deserve?"

JERRY OLEA

Tweet ni Teddy Locsin Jr. nitong Mayo 30, Sabado, “Be very careful. Covid 19 is also excited about Monday."

Simula bukas, June 1, lahat tayo ay mistulang players sa pambansang reality competition... Survivor Philippines: COVID-19 Edition.

Matira ang matibay! Matindi ang bakbakan sa iba’t ibang challenge para magkamit ng immunity. Kaya halina’t awitin natin ang mash-up ng "Stayin’ Alive" at "I Will Survive."

GORGY RULA

Hindi naman nakakatulong itong mga memes na ito, at baka magdagdag lang ng takot sa mga tao. Sa ngayon ay tanggapin na lang muna natin ang paliwanag ng DOH na merong late cases at fresh cases daw.

Marami pa rin ang nagsasabing natatakot pa rin silang lumabas kahit nasa GCQ na. Kahit taga-showbiz na puwede nang bumalik sa trabaho ay may takot pa rin kahit may mga kailangang sundin na guidelines at protocol.

Continue reading below ↓

Sabi ni Carla Abellana na gusto nang bumalik sa taping ng Love of My Life, “Aaminin ko po, siyempre, may takot pa po. Kasi, wala pa naman pong bakuna. Lahat tayo, prone. Lahat tayo…walang pinipili. Lahat po, puwedeng magka-COVID-19.

"Nakakatakot po, pero siyempre, lahat po, gustung-gusto nang magtrabaho.”

Kagabi naman sa FB live chat ni Vice Ganda—kasama ang stand-up comedians na sina Petite at Macy, at taga-It’s Showtime na si Jackie Gonzaga—ang isang concern raw nila kapag bumalik na sa GCQ ay, ibig sabihin ba, tigil na raw ang pamimigay ng ayuda?

"Kapag GCQ ba, totoo ba tigil na rin ang 'Ariella Ayuda'?" tanong ni Vice Ganda sa mga kasamahan niya.

"Oo yata, wala na iyan," sagot ni Macy.

Isa lamang iyon sa concern nila kapag mabalik na sa normal o sa bagong normal o naka-GCQ na.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pag-transition ng Philippines sa GCQ at MGCQ sa June 1, marami ang nangangamba lalo pa't patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 cases. Handa na ba tayo?
PHOTO/S: Mauro Mora on Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results