Balik-taping na ang FPJ’s Ang Probinsyano sa GCQ; saan ipapalabas?

by PEP Troika
May 31, 2020
Sa isang Facebook Live session, sinabi ni Lorna Tolentino na balik-taping na siya nitong June. Tinatayang ang tinutukoy ng aktres ay ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez @mr.cocomartin on Instagram

GORGY RULA

Magbabalik-taping na ba ang teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin?

GCQ (General Community Quarantine) na sa Kamaynilaan at mga kalapit-lalawigan bukas, Hunyo 1, at didinggin pa lang muli ang kaso ng franchise ng ABS-CBN. Wala pang katiyakan kung kailan magbubukas muli ang Kapamilya Network.

Pero may naririnig na akong pinaghahandaan na ng teleserye ni Coco ang pagbabalik-taping. Ilang araw na silang nagmi-meeting via Zoom kung anu-ano ang dapat gawin para masunod ang ipinapatupad na guidelines at protocols sa taping.

Noong Biyernes, Mayo 29, guest si Lorna Tolentino sa Facebook Live session ng make-up artist na si Bambbi Fuentes. Kasama sa Bambbi Fuentes Hair and Make-Up Studio ang chemist na si Pinky Tobiano, at guest doon si Lorna.

Lorna Tolentino

Continue reading below ↓

Napag-usapan nila ang pagbabalik-trabaho, at inilahad ni Lorna kung anu-ano ang kanilang gagawin sa taping.

Five weeks daw silang mala-lock in sa isang hotel o sa isang bahay, at tuluy-tuloy raw silang magti-taping doon. Walang binanggit si Lorna kung FPJ’s Ang Probinsyano itong gagawin nila.

Pero binanggit uli ng premyadong aktres na hopefully sa June ay magsisimula na sila.

“Kailangan talaga ma-lock in kami, para may control sa tao, sa lahat na mga kasama mo. Kasi, kung isa lang mag-positive, hindi na matutuloy.

"Before the lock-in, may rapid test para sure sa lahat na involved, and doon na kami, deretso na,” saad ni Lorna, na kilala bilang Lily Ann Cortez sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nabanggit din ni Lorna na kontrolado sila sa limang linggong pagka-lock in, na kailangang may walong oras silang tulog at strictly 12 working hours lang sila sa set.

Limitado rin sila sa set, na mula 50 hanggang 70 katao lang ang involved, gaya ng nakasaad sa guidelines ng Inter-Guild Alliance (IGA). Kaya pati sa staff ay limitado na rin at wala na iyung mga glam team.

Continue reading below ↓

Pati mga bisita sa set ay mahigpit ding ipinagbabawal.

Dagdag pang pahayag ni Lorna, “After that five weeks na naka-lock in, i-rapid test ka again bago ka umuwi. 'Tapos, after two weeks, i-rapid test ka ulit, balik ka ulit sa work.

"Isipin dapat natin na lahat tayo, carrier, e, kahit hindi. Dapat maging maingat ka para sa mga kasamahan mo."

Hindi ko na tinawagan si Lorna kung itong FPJ’s Ang Probinsyano ba ang tinutukoy niyang pinaghahandaan niya.

Pero kung sakaling Probinsyano nga ito, wala pang makapagsabi kung kailan magbubukas muli ang ABS-CBN para mapanood na ito. Wala ring nagsabi sa kanila kung ipapalabas ito sa ibang platform ng Kapamilya network.

JERRY OLEA

Nagulantang ako sa post sa Facebook ng isa raw certified Kapamilya, na kesyo nagbalik-taping na noong Mayo 25, Lunes, ang FPJ’s Ang Probinsyano (FPJAP), maging ang Make It With You (MIWY) ng LizQuen.

Nitong Mayo 30, Sabado ng gabi, via Messenger ay inusisa ko si Ogie Diaz kung nag-taping na ang alaga niyang si Liza Soberano sa MIWY.

Continue reading below ↓

“Wala pa,” mabilis na sagot ni Ogie. Tatlo pang Kapamilya insiders ang inurirat ko kung nagbalik-taping na ba ang MIWY at FPJAP. Pare-pareho ang sagot nila na wala pang taping.

NOEL FERRER

Nakaka-miss silang lahat lalo na iyong dalawang inaabangang teleserye na iyan, FPJ’s Ang Probinsyano at Make It With You.

Alam ko iyung tungkol sa Probinsyano na magte-taping at siyang magiging test case sa protocols.

Work in progress at lahat ng pag-iingat ay gagawin nila, at titingnan kung makakagawa sila ng efficient system ng pagte-taping.

Kung saan ito ipapalabas habang hindi pa nakakabalik sa ere ang ABS-CBN, ang assurance sa talents ay: “Basta, mag-tape na kayo nang maayos at walang magkakasakit, kami na ang bahalang maghanap kung saan ito ipapalabas.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang Facebook Live session, sinabi ni Lorna Tolentino na balik-taping na siya nitong June. Tinatayang ang tinutukoy ng aktres ay ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin.
PHOTO/S: @lornatolentinofernandez @mr.cocomartin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results