Vice Ganda to bashers, politely: "Please unfollow me. Don’t allow me to annoy you."

by PEP Troika
May 31, 2020
Ayaw muna ni Vice Ganda ng negativity. Aniya sa isa niyang Instagram post, "Nakakachaka ang stress." Kaya maging sa Facebook Live niyang Gabing-Gabi na Vice, gusto niya ay puro tawanan lang.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

GORGY RULA

Mahigit 50,000 ang viewers sa Facebook Live chat ni Vice Ganda nitong Mayo 30, Sabado, na pinamagatan niyang Gabing-Gabi na Vice.

Kasama rito ni Vice Ganda ang dalawang stand-up comedians na sina Petite at Macy.

Sa kalagitnaan ng kanilang huntahan ay tinawag nila si Jackie Gonzaga ng It’s Showtime para sumali sa chat. Napaiyak pa si Jackie nang pinag-usapan nila ang tungkol sa pagtataksil ng isang taong minahal.

Pero mas gusto ni Vice Ganda ng tawanan lang, at sa simula pa lang ng live chat ay sinasabi niyang gusto niyang mag-spread lang ng positivity at wala sanang kanegahan.

Kaya doon sa kanilang Gabing-Gabi na Vice ay kasiyahan lang daw, at magpapa-contest daw siya para tuluy-tuloy ang pamamahagi ng "Ariella Ayuda" o ayuda.

Ilan sa mga patawa nilang pinag-usapan ay kung ano ang magandang ipapangalan sa bubuksang negosyo ng mga kilalang celebrities.

Halimbawa, magtayo raw ng laundry shop si Bea Alonzo, puwede raw tawaging Bea A-laundry.

Continue reading below ↓

Mahilig daw magluto ng pansit si Dra. Vicki Belo, puwede raw tawaging Miki Belo ang pansitan nito.

"Ganoon lang, magkasiyahan lang tayo dito," sabi ng Unkaboggable star.

Bago natapos ang pa-live chat ni Vice ay bumaba sa mahigit 20 thousand ang live viewers nito.

Noong gabing iyun ay nag-trending sa Twitter ang hashtag niyang #GabingGabiNaVice. Noong araw ring iyun ay nag-post si Vice Ganda sa kanyang Twitter account ng mensahe para sa mga taong patuloy na namba-bash sa kanya.

Maayos ang pagka-tweet niya: “Ayoko pong makadagdag sa mga pinagdadaanan nyo. Kung ok ako sa inyo at mga tweets ko pls continue following me. Salamat po.

"Pero kung ayaw nyo sakin at sa mga tweets ko pls do urselves a little favor. Please unfollow me. Don’t allow me to annoy you. And don’t be a toxic follower."

Marami sa followers niya ang nagpahayag ng suporta, pero may mga pumuna pa rin. At ang iba ay nagsabing itinuturing siyang epektibong social-media influencer, bakit hindi niya gamitin itong platform para magpahayag ng pananaw sa mga isyung pinag-uusapan ngayon?

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pahayag ni Vice sa mga sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy na "I hope you learned your lesson," at pati sa iba pang maiinit na isyung kinasangkutan niya at ng kanyang TV network.

Sa tingin ninyo, tama lang ang pananahimik ni Vice Ganda, at magpapasaya na lang siya sa mga taong sumusubaybay sa kanya?

NOEL FERRER

Kani-kanya ng paraan ang mga taga-showbiz para makagawa ng alternative content sa panahon ng pandemic. Ang realization ngayon ay news at basic information lang ang kailangan natin.

Yung entertainment, kani-kanya ng taste at kagustuhan, kaya ang rule na lang ay kanya-kanyang curate na ng uri ng entertainment na gugustuhin at mag-a-appeal sa iyo.

Come to think of it, it’s another way of making even the playing field sa larangan ng entertainment. That’s the flipside of it all, kaya medyo nakaka-empower din ang mga nangyayaring ito sa atin bilang content creator at audience na rin!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Noong Mayo 29, Biyernes, dapat ang FB Live ni Vice Ganda. Ni-reschedule ito ni Vice, at ang paliwanag niya sa Twitter, “May show si Ms Lea Salonga mamayang gabi. Manghihina ang immune system ko pag di ko napanuod. Bukas tayo magchugugan anezzzz!!!”

Panay-panay ang pampa-good vibes na tweets ni Vice nitong Mayo 30, Sabado.

Aniya, “Madaming magandang nangyari sakin at maraming magandang balita na dumating. Kahapon, isa sa mga paborito kong nangyari e yung tumawa ako nang tumawa dahil may kaibigan ako sa fb na nakakatawa.

"Super laff aketch! Natulog akong nakangiti. Simple lang pero chugug!

“Di ba, ang sarap alalahanin yung mga magagandang nangyayari sa ‘tin. Kahit simple lang. Kailangan balanse. Di pwedeng puro stress. Nakakachaka ang stress. Di natin bet!

“Maraming nangyayaring hindi maganda. Kailangan din natin itong iacknowledge at isaayos. Pero wag na wag mong ipagpapawalang halaga yung magagandang pangyayari sa paligid mo kahit malilit o simple lang. Kailangan balanse. Wag kang huminto sa pagpapasalamat.

Continue reading below ↓

“Alam ko namang may mabigat na pinagdadaanan ang maraming Pilipino ngayon . Patawarin moko kung di ko kayang solusyonan ang lahat ng ito. Ang maiaambag ko lang ay kung anung kaya ko at meron ako.

"Kaya naisip kong magspread ng positivity dahil baka sa iba ay makatulong ito...”

Noong Nobyembre 5, 2019, hinamon ni Vice si Pastor Quiboloy na ipatigil ang FPJ’s Ang Probinsyano at ang trapik sa EDSA.

Nobyembre 7, kumasa si Pastor Quiboloy, at nagsabing baka mawalan ng show si Vice.

Mayo 5, 2020, nag-sign off ang ABS-CBN.

Nitong Mayo 19, niratrat ni Pastor Quiboloy si Vice sa programa niyang Powerline. Siguro, sasagutin ni Vice ang mga parunggit ni Pastor Quiboloy kapag bumalik na sa ere ang ABS-CBN.

Abangan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayaw muna ni Vice Ganda ng negativity. Aniya sa isa niyang Instagram post, "Nakakachaka ang stress." Kaya maging sa Facebook Live niyang Gabing-Gabi na Vice, gusto niya ay puro tawanan lang.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results