Paolo Contis, naiiyak kapag naiisip na babalik na siya sa trabaho

by PEP Troika
Jun 6, 2020
Ani Paolo Contis, hindi niya gusto ang bagong guidelines sa pagbabalik-trabaho ng mga artista, pero wala silang choice. “Pero siyempre, we have to start moving. We have to start working. We owe it to the public, e."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Ngayong ikinakasa na ng ibang programa sa TV ang pagbabalik-trabaho, pinag-uusapan na ng mag-partner na Paolo Contis at LJ Reyes kung sino sa kanila ang unang magtatrabaho.

Sa panibagong guidelines at safety protocols na dapat sundin, hindi sila puwedeng sabay magtrabaho.

Obviously, hindi puwede si LJ dahil maliit pa ang anak nilang si Summer at nandiyan pa si Aki na hands-on din niyang ginagabayan.

Kapag pinag-uusapan nila ito, naiiyak na si Paolo dahil malalayo siya nang matagal sa kanila.

Isa kasi sa guidelines na dapat sundin ay ang self-quarantine.

Bago ka sumalang sa trabaho, kailangan kang mag-self isolate at isasalang sa isa o hanggang dalawang linggong straight na taping at pagbalik, another self-isolation na hindi siya puwedeng lumapit sa mga kasama niya sa bahay.

“Mawawala ako halimbawa mga one week, 'tapos ilang araw ko kayong hindi puwedeng lapitan? Mga 21 days daw?

“Makikita ko kayo, pero hindi ko kayo puwedeng hawakan? Naiyak ako, e. Hindi puwede,” bulalas ni Paolo nang nakapanayam namin sila ni LJ via Zoom nitong Hunyo 5, Biyernes ng hapon.

Continue reading below ↓

Meron dapat silang gagawing project ni Boy2 Quizon na isang linggo silang magsu-shoot na sa isang location lang.

Pero hindi niya maisip na kaya niyang gawin na mapahiwalay sa kanyang pamilya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Kasi siyempre, di ba, iyung self-isolation mo na prior to work and after the work. So, bago siya talaga.

“E, yung pag-alis nga ng bahay overnight, hindi ko maisip. Kasi…. meron kaming routine na sa oras na perfect na yung routine, na pag may isang mawala, biglang 'Ooops, iba na naman!'

“Pero siyempre, we have to start moving. We have to start working. We owe it to the public, e.

“Kailangan na namin magtrabaho, and eto na ngayon, e. The time has come na malapit na namin kailangang harapin,” dagdag na emote ni Paolo.

NOEL FERRER

Health is really our major concern. But it is also belt-tightening time for all.

Hindi man nila ipinapakita, ramdam din ng celebs ang uncertainty in terms of their finances.

Continue reading below ↓

Parang feeling-OFW na kumikita kahit malayo sa pamilya — for survival. Iba na ang panahon ngayon.

GORGY RULA

Hindi pa masabi ni Paolo kung kailan sila babalik sa taping ng Bubble Gang.

Naintindihan niya ang GMA-7 na ayaw silang isalang hangga’t hindi pa natitiyak ang safety ng lahat na sangkot sa gag show na ito.

“Naniniwala kami na collective, ika nga, kapag magsimula ang isa, kailangang ganoon na rin ang iba.

“At kailangan, kumpleto ang guidelines… at hindi lang basta Bubble Gang, marami pang programa.

“Saka dapat safe ang lahat,” sabi pa ni Paolo.

Si LJ naman ay iniyakan ang naudlot na project na dapat ay sisimulan na niya bago nag-ECQ (Enhanced Community Quarantine).

Mga sampung araw sana siyang mag-taping sa ibang bansa na pinaghandaan na niya dahil may mga kamag-anak siya roon.

Ayaw na niyang sabihin kung ano ito at kung saang bansa. Baka hindi pa raw puwedeng sabihin dahil naka-shelve na ito.

Continue reading below ↓

“Pero, naiyak talaga ako. Nagdamdam talaga ako.

“Nandun yung mga kamag-anak namin,” napapangiti niyang pahayag.

Sa ngayon ay abala muna siya sa YouTube channel nila ni Paolo, at active din siya sa project nilang mga young moms na Alalay Kay Nanay na gusto nilang ituluy-tuloy ito.

JERRY OLEA

Better safe than sorry. We cannot overemphasize this. Hindi kailangang magmadali na magbalik-taping ang mga programa ng Kapuso Network.

Wagi na sila sa TV ratings. Taob na ang kalaban, at matagal pa bago ma-renew ang franchise nito. Hindi ito agad makakabangon.

May tamang panahon para bumalik sa trabaho. Ngayon ay panahon ng paghihintay.

Habang naghihintay, pwede tayong dumiskarte at maging kapaki-pakinabang ang ating mga gawain.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ani Paolo Contis, hindi niya gusto ang bagong guidelines sa pagbabalik-trabaho ng mga artista, pero wala silang choice. “Pero siyempre, we have to start moving. We have to start working. We owe it to the public, e."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results