Kim Chiu nagpasalamat sa pag-# 1 on Trending niya sa YouTube

by PEP Troika
Jun 7, 2020
kim chiu wish bus
Nag-trending sa YouTube ang Wish Bus performance ni Kim Chiu!
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram / Wish 107.5 Facebook

JERRY OLEA

Hunyo 6, Sabado nang 10:21 PM, nag-post si Kim Chiu ng pasasalamat sa Facebook at Instagram.

By that time kasi ay #1 ON TRENDING na sa YouTube ang music video ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" sa channel ng Wish 107.5, na in-upload the night before, June 5, Friday, 9:00 PM.

Kim Chiu on YouTube

Number 1 na rin ang kanta sa Pinoy MYX Countdown.

Post ni Kim sa FB at IG, “On behalf of Class 2020, I accept this honor. Maraming salamat sa inyo, classmates, for making this possible.

“Thanks also to Wish Bus for always welcoming ALL kinds of artists and genres. Totoo nga na music brings us all together.

“Nagsama sama tayo kahit BAWAL LUMABAS!!!!! Ay PWEDE NA PALANG LUMABAS!!! stay safe classmates!!!!

“Sa mga classmates kong may mabuting puso, sana dumami pa kayo!!! Let’s spread good vibes and positivity...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As of June 7, Sunday, 8:00 AM, umabot na sa 4.4M views ang "Bawal Lumabas" sa YT channel ng Wish 107.5.

Record-setting umano ang dislikes nito na umabot na ng 488K.

Ang likes nito ay lampas na sa 146K, at ang comments ay lampas na sa 177K.

Ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" ay collab ni Kim with singer-songwriter Adrian Crisanto, and DJ Squammy.

Bahagi ng FB post ni Adrian nitong Sabado kaugnay sa pang-aalipusta sa live performance ni Kim sa Wish 107.5B.

“Tama na po ang pag-bash at pangmamaliit nyo kay Kim Chiu. Hindi po natin siya lubos na kilala. Karamihan sa atin, ang tingin lang natin sa kanya, ‘artista lang.’

“Akala nyo siguro, may immunity siya sa pangungutya at pambabastos. Tao lang din ho siya. She's as vulnerable as anyone else.

“Kapag nagkakausap ho kami, walang mintis po ang pagpapasalamat niya sa akin. At ako na nga rin ang nahihiya dahil napaka-grateful niya and she really values our ‘accidental collaboration.’

“In fact, sa sobrang grateful po niya, alam nyo po bang nabayaran na ako ng advance royalties for the song?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Napatunayan ni Kim Chiu na magaling pala siyang negosyante.

Successful ang "Bawal Lumabas" merchandise niya, na halos lahat na design ng binebenta niyang "Bawal Lumabas" shirts ay sold out na.

Matino rin siyang business partner dahil binayaran na pala niya ang share ni Adrian Crisanto.

Kaya kahit ano pang panlalait sa kanya, siya pa rin ang wagi.

JERRY OLEA

Patuloy na dumarami ang nagdi-dislike at nagkokomento ng negatibo sa performance ni Kim ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" sa Wish 107.5 Bus.

Bahagi pa ng FB post ng singer-composer na si Adrian, “I can't argue with other people's taste or preference in music. But you can't take it against a platform that has been very welcoming to ALL kinds of artists and genres, and you can't take it against an artist who's been invited to perform her song.

“The likes and dislikes don't bother me. It's a measuring tool. Pero yung mga very offensive, personal comments belittling Wish 107.5, Kim Chiu, even me and DJ Squammy? Very uncalled-for. Maling-mali po.

“If you don't like it, I get it. Not everyone likes it anyway. But we did not murder OPM because of this song. Napakatindi naman po ng galit at poot na yan para masambit nyo yan.”

Inaasam ni Adrian na maipahayag nang buo kung ano ang kahulugan sa kanya ng partisipasyon sa #BawalLumabas.

Aniya, “I'm a nobody. Katulad ng ilang artists, sinusubukan ko ring magkaroon ng break bilang songwriter. At mapalad ako na mabigyan ng pagkakataon sa kantang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maaaring hindi masterpiece yan sa inyo, pero ang paanyaya ko sa inyo, subukan nyong himayin ang lyrics, intindihin nyo yung awit base sa context ng bullying, self-confession, willingness to make things righ—baka sakaling mag-iba ang pananaw ninyo.

“Sa mga nagsasabing, this is an insult to other talented local artists, lalo na sa indie scene, mali po. That's not our intention. That will never be MY intention.

“My friends know all the efforts I've done and poured out to other local artists na nagsisimula pa lang. You might not be aware but I've been supporting up and coming OPM acts through plenty of open mics and events that I've coordinated.

“Kaya masakit yang sinasabi nyo kasi taliwas yan sa isinasabuhay ko...”

NOEL FERRER

Wise pa rin si Kim.

Bukod sa ginawa niyang pabor sa kanya ang sitwasyon, nakapag-share siya ng biyaya sa kanyang co-composers, at patuloy silang kumikita habang tinatangkilik ng mga tao ang kanta.

Nakiusap si Adrian Crisanto sa bashers at haters na i-assess ang kanilang sarili at ang galit na ipinupukol sa mga lumikha ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

“Maling-mali po. Pakalmahin nyo ang sarili nyo. I-divert nyo ang gigil sa ibang isyu ng lipunan,” sabi ni Adrian.

Ipinaalala ng singer-composer ang lyrics ng kanta na, “May natatangi tayong batas/ Nalilimutan natin madalas/ Mahalin mo ang kapwa mo/ Kung paano mo mahalin ang sarili mo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending sa YouTube ang Wish Bus performance ni Kim Chiu!
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram / Wish 107.5 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results