Paglipat ng ABS-CBN stars sa GMA-7, blessing in disguise

by PEP Troika
Jun 12, 2020
Aiko Melendez, Rayver Cruz, Jason Abalos, at Coney Reyes, arangkada ang mga teleserye sa GMA-7 matapos lumipat mula sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Matatagalan pa bago ma-renew ang franchise ng ABS-CBN Network. That is, kung mare-renew.

Pero babalik na ang ilang programa ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel, na mapapanood sa cable at satellite TV sa bansa simula Hunyo 13, Sabado.

Tila blessing in disguise para sa ilang Kapamilya stars na tiyempong lumipat ng GMA-7 bago ang ABS-CBN shutdown.

Ipinasara ng National Telecommunications Commission ang Kapamilya network eksaktong 7:52 p.m. noong Mayo 5, Martes.

AIKO MELENDEZ

Nag-back out si Aiko Melendez sa Kapamilya series na Sandugo para samahan sa pangangampanya noong 2019 mid-term elections ang kasintahang si Jay Khonghun.

Si Khonghun ay nanalong bise-gobernador ng Zambales.

Pinalitan ni Vina Morales si Aiko sa Sandugo.

Lumipat si Aiko sa GMA-7, at naging lucky charm sa panghapong teledrama na Prima Donnas.

Pansamantalang naputol ang show dahil sa ipinatupad na ECQ dala ng COVID-19 pandemic.

JON LUCAS

Nakabuntis si Jon Lucas.

Noong 2018, sinuspinde siya sa grupong Hashtags, na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Continue reading below ↓

Nakalipat si Jon sa GMA-7, at kasama sa cast ng Pinoy version ng Descendants of the Sun.

Ongoing din ang programa bago mag-ECQ.

JOHN ESTRADA

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina John Estrada at Mylene Dizon sa set ng Kapamilya primetime series na The Good Son.

Lumipat si John sa GMA-7. Pam-primetime teleserye agad siya sa telefantasyang Victor Magtanggol noong 2018.

Pagkatapos ay nakasama siya sa telefantasyang Kara Mia, na pam-primetime din noong 2019.

Sumunod si Mylene na lumipat sa GMA-7, at sumabak sa primetimes series na Sahaya noong 2019.

Nagbida rin siya sa panghapong teledrama na Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Nagningning ito sa ratings, kaso natigil dahil sa ECQ dulot ng COVID-19 pandemic.

RAYVER CRUZ

One-of-those lang si Rayver Cruz sa ABS-CBN.

Minabuti ng binata na samahan sa Kapuso network ang nililiyag na si Janine Gutierrez.

Leading man siya sa mga GMA-7 drama series na Asawa Ko, Karibal Ko, na umere mula October 2018 hanggang March 2019.

Continue reading below ↓

Nasundan ito ng isa pang lead role sa afternoon drama series na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.

KIRAY CELIS

Labingsiyam na taon sa ABS-CBN si Kiray Celis.

May mga eksena siya sa ilang edition ng Star Magic Ball.

Nagbida man sa ilang pelikula ng Regal Films, hindi umariba ang TV career niya sa Dos.

Paglipat ni Kiray sa Siyete, isinahog siya sa romcom series nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Love You Two.

MYRTLE SARROSA

Big winner si Myrtle Sarrosa sa PBB Teen Edition 4 noong 2012.

Lumipat si Myrtle this year sa GMA-7, at lumabas sa gag show na Bubble Gang.

Wala pa kaming balita kung kailan magre-resume taping ng longest-running gag show sa bansa.

NOEL FERRER

Ang buhay ay weather-weather lang.

Kasama roon ang paglipat at mga pagbabago sa buhay bilang paghanap ng sariling pag-unlad.

DENNIS TRILLO

Nauna nang lumipat sa Kapuso network si Dennis Trillo noong 2002.

Continue reading below ↓

Dati siyang bahagi ng Talent Center, na ngayon ay kilalang Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Sa GMA-7 siya nabigyan ng major acting projects, dahil nataon namang nakapanabayan niya noon ang marami pang formidable Kapamilya leading men.

We are really proud of Dennis.

He was given major projects kung saan lumutang ang kanyang husay sa pagganap, na tinanggap ng ubod nang giliw ng mga tao, lalo na sa groundbreaking primetime na My Husband’s Lover.

CARMINA VILLARROEL

Si Carmina Villarroel ay tumatawid-tawid sa ABS-CBN at GMA-7.

Ilan sa mga unang programa niya sa ABS-CBN noong '90s ay Tonight With Dick and Carmi, Palibhasa Lalake, at Oki Doki Doc.

Naging co-host siya ng GMA-7 talk show na Sis mula 2004 hanggang 2010. Sumalang din siya sa ibang drama projects sa Kapuso network.

Tapos bumalik siya bilang Kapamilya at gumawa ng sunud-sunod na teleserye.

Ilan sa mga ito ay May Isang Pangarap, Lorenzo’s Time, Got To Believe, Till I Met You, at ang long-running Kapamilya drama series na Doble Kara.

Continue reading below ↓

Nang hindi na na-renew ang network contract ay nagbalik-Kapuso si Carmina.

Napanood siya sa Kara Mia, Kambal Karibal, at ngayon ay host pa ng Sarap, Di Ba?

Ang maganda lang, anupaman ang nangyaring paglipat-lipat, maganda pa rin ang relasyon niya sa mga kaibigan sa magkabilang network.

JASON ABALOS

Ganoon din ang kaibigan nating si Jason Abalos, na finalist sa ABS-CBN talent search na Star Circle Quest noong 2004.

Leading man siya sa Eva Fonda, Nagsimula Sa Puso, at Reputasyon. Ang huling assignment niya sa Dos ay Two Wives noong 2015.

Hanggang sa lumipat siya sa GMA-7.

Ang first major TV show ni Jason niya sa Kapuso Network ay ang TOTGA noong 2018.

Nasundan ng afternoon series na Asawa Ko, Karibal Ko at primetime series na Bihag.

POPS FERNANDEZ

Kasama ko ang Concert Queen na si Pops Fernandez sa pagsisimula ng ASAP sa ABS-CBN 25 years ago.

Hanggang sa nag-lie low na siya sa TV at nag-concentrate sa pagpo-produce ng concerts at pagtatag ng Pipay clothing line.

Continue reading below ↓

Nagbalik-telebisyon si Pops sa GMA-7, via the talent show Centerstage, kunsaan kasama niya si Alden Richards.

With this, she goes back to the original home ng Penthouse Live, ang '80s talk show nila ng ex-husband niyang si Concert King Martin Nievera.

CONEY REYES

Back to her roots din ang mahal nating si Tita Coney Reyes, na nakasama sa ni-revive na Student Canteen.

Nakatawid siya sa Kapamilya network at napanood sa mga teleserye tulad ng My Dear Heart, 100 Days To Heaven, Ysabella, Nathaniel, at Huwag Ka Lang Mawawala.

Nag-GMA na naman siya with Victor Magtanggol and Love Of My Life.

MEL TIANGCO

Sa larangan ng News And Public Affairs, dating prominent figure si Tita Mel Tiangco sa ABS-CBN.

Isa siya sa original news anchors ng TV Patrol at co-host ng programa naming Mel & Jay.

Taong 1996 nang lumipat siya sa GMA-7, at hanggang ngayon ay napapanood sa 24 Oras.

Continue reading below ↓

ATOM ARAULLO

Gayundin ang talent kong si Atom Araullo, na mula pa Studio 23 ay naging reporter ng ABS-CBN.

Tumatak siya sa Umagang Kay Ganda at sa programa niyang Red Alert.

Ngayon, nasa GMA-7 na siya with his own award-winning shows—The Atom Araullo Specials and Stand For Truth. Nagpi-pinch hit din siya sa 24 Oras.

EUGENE DOMINGO

Tulad ng sinabi ng transferee na si Eugene Dimingo, hindi lahat ng tumatawid, namamatay!

Nakilalang comedian si Eugene sa supporting roles niya sa mga pelikula at TV shows niya sa ABS-CBN mula '90s hanggang 2008.

Taong 2008 nang lumipat siya sa GMA-7, kunsaan nabigyan siya ng sarili niyang shows tulad ng Celebrity Bluff at Dear Uge.

Pero now more than ever, hindi isyu kung Kapuso man tayo, Kapatid o Kapamilya.

Sa dami ng pinagdadaanan ng bansa, kahit itong banta sa malayang pamamahayag, we should all stand in solidarity!!!

GORGY RULA

Sa totoo lang, iniiwasan ng mga dating Kapamilya artists, na ngayon ay Kapuso na, na pag-usapan ang isyu ng ABS-CBN shutdown.

Continue reading below ↓

Pero sa mga hindi maiwasang matalakay ang pinagdadaanang pagsubok ng dati nilang tahanan, iisa lang ang sinasabi nila.

Hindi raw sila masaya sa sinapit ng Kapamilya Network, at kabilang sila sa nakikiisa na mabuksan muli ang kumpanya.

AI-AI DELAS ALAS

Bago pa man nangyari ito sa ABS-CBN, paulit-ulit nang sinasabi ni Ai-Ai delas Alas na masaya na siya sa GMA-7.

Meron sana siyang sisimulang drama series, pero hindi pa alam kung matutuloy pa ito.

Hindi pa rin nagsisimula sa pagbabalik-trabaho ang GMA-7, pero marami namang pinagkakaabalahan ang Kapuso Comedy Queen.

Ang kanyang ube pandesal ay madalas nasu-sold out.

Isa ito sa fallback niya sakaling mag-retire na siya sa showbiz.

DEREK RAMSAY

Hindi naging maganda ang pag-alis ni Derek Ramsay sa Kapamilya network nang lumipat siya sa TV5 noong 2012.

Tumagal siya ng anim na taon sa TV5 bago lumipat ng GMA-7 noong 2019.

Pero bago siya naging Kapuso ay nakipag-ayos na siya sa mga taga-ABS-CBN, at meron na sana siyang gagawing movie project sa Star Cinema.

Continue reading below ↓

Ang latest na nasagap namin, baka next year na niya sisimulan ang susunod na gagawin niya sa GMA-7, ang Sanggang Dikit.

Isa itong action serye kung saan muli niyang makakatambal ang kasintahang si Andrea Torres.

TOM RODRIGUEZ

Tamang timing ang paglipat ni Tom Rodriguez sa Kapuso network.

Ang primetime series na My Husband’s Lover ang nagluklok sa kanya bilang isa sa most-sought after leading men ng bansa.

Hindi maganda ang kinalabasan ng love life ni Tom noong nasa ABS-CBN pa siya.

Dito sa GMA-7, nakita niya ang babaeng mukhang nakatadhana na sa kanya, sa katauhan ni Carla Abellana.

WILLIE REVILLAME

Masalimuot din ang pag-alis ni Willie Revillame sa ABS-CBN, na umabot pa sa demandahan nang lumipat siya sa TV 5.

Malaki ang kinita ni Willie sa Kapatid network dahil sa mga programa niyang Willing Willie, Wil Time Bigtime, at Wowowillie.

Ang narinig namin ay mas kumita nang bonggang-bongga ang ilang taong nakapaligid sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero dito sa GMA-7, nakita ni Willie ang tamang partnership. Palagi niyang sinasabi na dito niya nakita at naramdaman ang tunay na pusong nagmamahal.

Kaya hindi raw niya maisip na lumipat pa sa ibang network, dahil sa magandang kalagayan niya bilang Kapuso.

Umeere sa Siyete ang programa niyang Wowowin. Pero dahil sa ECQ, ang Tutok To Win muna ang pansamantalang pumalit habang bawal pa ang studio audience.

ANGELIKA DELA CRUZ

Nabigyan ng magagandang project si Angelika dela Cruz nang naging Kapuso na siya.

Sa ngayon, mas nakatutok muna siya bilang kapitana ng Barangay Longos, Malabon.

Ang daming pangangailangan na dapat niyang ayusin ngayong nahaharap tayo sa pandemic.

PAUL SALAS

Tamang-tama rin ang paglipat ni Paul Salas sa Kapuso network dahil isinali siya sa Descendants of the Sun.

Dito ay ipinakilala siya bilang isa sa mga pinaka-promising na Kapuso hunk actors.

Hinihintay na lang na mag-resume ang DOTS para umarangkada ang career ng 22-year old Kapuso actor.

Continue reading below ↓

KISSES DELAVIN

Hindi pa natin masasabing opisyal na Kapuso si Kisses Delavin.

Kaaalis pa lang niya sa Kapamilya network, at nagpa-handle sa Triple A talent management.

Nagkaroon pa lang siya ng guestings sa Daig Kayo ng Lola Ko, Dear Uge, at All-Out Sunday.

Napabalitang kasama siya sa seryeng Voltes V, pero wala pang announcement na pumirma na siya sa Kapuso network.

Huwag sanang maudlot, kahit mahirap pang makabalik sa trabaho na nasa bagong normal na ang lahat.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez, Rayver Cruz, Jason Abalos, at Coney Reyes, arangkada ang mga teleserye sa GMA-7 matapos lumipat mula sa ABS-CBN.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results