Paintings ni Mark Bautista, na-sold out sa online fundraising auction

by PEP Troika
Jun 12, 2020
Mark Bautista on his paintings: "Kung napapansin nila sa pictures, nakikita nila yung mga paintings na ginawa ko noong 2011, sobrang iba sa ginawa ko this lockdown na mas colorful siya na mas maliwanag. Nung 2011, mas dark ang colors."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Lalong nakahiligan ni Mark Bautista ang magpinta pagkatapos ma-sold out ang paintings na ipina-exhibit niya online.

Ipina-auction niya ang sampung paintings niya, at umabot ng mahigit P400,000 ang kinita ng mga ito.

Ang kinita ng paintings ni Mark ay napunta sa Shop and Share na inayos ni Dimples Romana.

Karamihan sa paintings na nabenta ay gawa ni Mark noon pang taong 2011.

Hilig na raw kasi niya noon pa man ang magpinta.

Continue reading below ↓

Nang nakapanayam namin si Mark sa DZRH noong Martes, Hunyo 9, sinabi nitong medyo hesitant siyang ipa-auction ang kanyang paintings dahil hindi alam ng karamihan na nagpipinta siya.

Pero nagulat siya dahil maganda ang feedback sa mga gawa niya. Meron pa raw nag-bid sa painting niya ng P100,000.

Kuwento ni Mark, “Merong isang painting ko na binili nang P100,000, taga-Hawaii siya.

"Hindi ko naman kailangang ipadala sa kanya sa Hawaii, ibigay ko lang daw sa kapatid niya sa Manila.

“Ako naman, ang ginawa kong auction, sabi ko nga, bonus na yung naka-gather ako ng ganoong klaseng amount.

"Kasi ang hirap ng buhay ngayon, ang hirap maglabas ng pera. Pero tumulong pa rin sila sa cause."

Ito ang dahilan kaya na-inspire siyang magpinta pa.

Wish din niyang makapag-one-man exhibit kapag normal na ang lahat.

Ang napansin namin sa abstract paintings ni Mark, mas makulay na ang mga bagong likha niya kumpara sa mga nagawa niya noong 2011.

Continue reading below ↓

Pahayag ng Kapuso balladeer, “Kung napapansin nila sa pictures, nakikita nila yung mga paintings na ginawa ko noong 2011, sobrang iba sa ginawa ko this lockdown na mas colorful siya na mas maliwanag.

"Nung 2011, mas dark ang colors.

"Kung ano yung present na nararamdaman ko habang nagpipinta ako, yun na yung lumalabas, e."

Napangiti at agree si Mark na kaya siguro mas makulay at mas masayang tingnan ang mga ipinipinta niya ngayon ay dahil nag-out na siya, unlike noong 2011 na may itinatago pa siya.

Mas masaya raw ang singer ngayon dahil wala na siyang inililihim at open na sa lahat, lalo na sa mga kaibigan at katrabaho.

“Ang sarap kasi, kahit sa mga kaibigan ko, wala na ako nung wall kumbaga.

"Puwede nang mag-joke joke kung ano ang gusto nilang i-joke. Kaya ang sarap," nakangiti niyang pahayag.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

A true artist indeed.

Natutuwa ako at malaya nang nagagawa ni MacMac—tawag natin kay Mark Bautista—ang gusto niya lalo na sa pamamagitan ng sining.

Nitong lockdown, gumagawa rin siya ng covers ng mga paboritong kanta.

Napaunlakan niya ako ng “In My Time” na hit ni Teddy Pendygrass, na kinakanta na niya noong nagbabanda pa lang siya sa Cagayan de Oro.

Masaya rin at nakakagawa siya ng sketches ng mga kaibigan niyang tulad nina Christian Bautista, Erik Santos, at Bb. Joyce Bernal.

Makapagpagawa nga! Hehehe!

Saludo kami sa iyo, MacMac!

JERRY OLEA

Bakas sa mukha ni Mark na malaya at maligaya siya sa buhay.

“I’m still single, but I’m happy. Searching siguro,” aniya.

Kung nakapag-sketch siya ng caricature ni Bb. Joyce Bernal, I wonder kung nagawan din niya ng caricature si Papa P.

Ano sa palagay mo, Tito Ruval Magpayo?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mark Bautista, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista on his paintings: "Kung napapansin nila sa pictures, nakikita nila yung mga paintings na ginawa ko noong 2011, sobrang iba sa ginawa ko this lockdown na mas colorful siya na mas maliwanag. Nung 2011, mas dark ang colors."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results