JERRY OLEA
Nasa TV Plus (mahiwagang black box) din ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Napanood natin ang It’s Showtime nitong Hunyo 13 at 15, Sabado at Lunes ng tanghali, sa Jeepney TV.
Natunghayan naman natin ang pagbabalik ng teleserye ni Coco Martin nitong Lunes ng 8:00 P.M. sa Cinemo.
Umaatikabong bakbakan ang mga eksenang ipinalabas sa pagbabalik ng adventures ni Cardo Dalisay.
May paunawa na nakunan ang episode na ito bago ang community quarantine, kaya walang social distancing ang mga tauhan.
Siyempre pa, trending sa Twitter ang episode na ito with the hashtag #FPJAP4TuloyAngLaban.
Napag-alaman ng PEP Troika na sa Hunyo 17, Miyerkules, ay balik-taping na ang FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang tanong... babalik na rin ba ang trapik sa EDSA?
NOEL FERRER
Aaminin ko, kasangguni ko ang taga-Sky Cable dahil may problema ang aking cable dahil daw sa wiring.
Pagtawag ko sa kaibigan kong taga-Kapamilya network, siya rin ay nagkaroon ng technical glitch.
Nabigyan ako ng advisory na, “We are having technical issues affecting your cable and broadband service. Our technical team is already on top of it to restore services immediately.”
Hayyyy, buti na lang, replay at recap episode pa lang ang pagbabalik ni Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Sayang ang kanyang pagbabalik kung technical service glitch ang bubungad sa atin!!!
GORGY RULA
Pagkatapos nilang magpa-rapid test bukas, June 16, kukumpirmahin ng mga taga-FPJ's Ang Probinsyano kung matutuloy na ang taping nila sa Miyerkules, Hunyo 17.
Naka-lock in sila somewhere in Quezon City, kung saan naka-billet sila sa isang hotel malapit sa set.
Tinitingnan ng ilang producers kung maayos itong gagawing sistema ng Ang Probinsyano.
Kung nagkataon, ito na ang susundin nila kapag nag-resume na sila ng taping at shooting ng ilang production outfit.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika