Isang aktres at dalawang aktor, kailan kaya aamin tungkol sa pagkakaroon ng anak?

by PEP Troika
Jun 22, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Itinaon ni Rhap Salazar sa Araw ng Pag-ibig ang paglaladlad ng kanyang sexual preference.

Ipinost niya sa Instagram noong Pebrero 14 ang litrato ng lalaking iniibig, at ang caption, “Today, let us celebrate LOVE.”

Mayo 10, Mother’s Day, inihayag ng 23-anyos na si Karen Reyes sa YouTube na meron na siyang dalawang anak.

Si Karen ay second Big Placer sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012. Ang winner doon ay si Myrtle Sarrosa.

Ipinagdiwang ni Sofia Andres ang kanyang pagiging ina nitong Hunyo 21, Linggo, Araw ng Ama.

Ipinagmalaki ni Sofia sa Instagram ang family picture nila nina Daniel Miranda at Baby Zoe.

Hindi na bago sa showbiz ang tsismis sa mga artistang nabuntis o nakabuntis, na kapagkuwan ay deadma o nag-deny, pero umamin din sa pinaniwalaan nilang tamang panahon o pagkakataon.

Andiyan sina Aubrey Miles, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Denise Laurel, at Jon Lucas.

Continue reading below ↓

Isang aktres at dalawang aktor pa ang inaabangan natin ang pag-amin ng kanilang pagiging magulang.

Hinihintay ba nila ang bakuna kontra COVID-19 bago nila ibunyag sa madla ang kani-kanyang supling?

GORGY RULA

Intindihin na lang natin ang mga taong ito na itinatanggi muna ang pagkakaroon nila ng anak.

Alam ko, nahihirapan din silang gawin iyon, pero kailangan dahil merong pinangangalagaang career at pangalan ng pamilya, o kung anumang dahilan.

Kagaya nitong dating child actor na matunog na pinag-uusapan ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend.

Pero tahasan niya itong itinanggi nang tinanong namin sa open forum ng isang presscon noong Nobyembre 2019.

Pero nang nagkausap na kami, at siguro iniisip niyang pribadong pag-uusap iyon, inamin din niya. Pero hindi na namin isinulat.

Kagaya din noong buong pagtitiwalang inamin sa amin ng sikat at kontrobersyal na aktres ang kanyang pagbubuntis.

Pero diretsahan niya itong itinanggi sa isang radio anchor kahit meron na siyang dinadalang buhay sa kanyang sinapupunan.

Continue reading below ↓

Nakikita kong nahirapan siyang tumanggi, kaya inamin na rin niya sa ilang miyembro ng movie press, pero ipinakiusap na huwag na lang isulat.

Kaya lang, merong hindi nakapagpigil at atat na atat na isulat para maka-scoop.

Sumama ang loob ni aktres, pati ang dati niyang partner na kilalang aktor. Pero bandang huli ay nagkalimutan na dahil totoo ang balita.

Pero I can imagine kung paano sila nahihirapang itago at itanggi ang kanilang anak.

Kaya para makabawi, inaamin na rin sa tamang panahon.

Naalala ko rin kung paano itanggi ng dating young actress ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Pati ang nanay nito ay tahasang itinatanggi ang naturang balita.

Nagkaroon pa kami ng pagkakataong itanong ito sa kanya sa isang interview, at hindi niya magawang aminin o itanggi.

Kaya ang sagot na lang niya sa akin, “Paulit-ulit talaga, Tito Gorgy?” Natahimik na lang ako.

Kaya sa mga tahimik lang at ang iba ay itinatanggi ang tunay nilang kalagayan pagdating sa pagkakaroon ng anak, ibigay na lang natin sa kanila iyan.

Continue reading below ↓

Sa tamang panahon ay magkakaroon na sila ng katapangang aminin sa publiko na meron na silang anak at ipinagmamalaki nila ito.

Maiba lang tayo, curious lang ako kung may bumati ba ng "Happy Father’s Day" kay Coco Martin, na abala ngayon sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

NOEL FERRER

Baka kailangan respetuhin ang kanya-kanyang ritmo ng tao.

May dahilan kung bakit inililihim ang mga bagay na ganyan.

Laging may kunsiderasyon ang personal at propesyunal na buhay. Timing is everything.

Di ba, may kilala tayo na nakapagpabinyag na pero hindi pa rin umaamin?

Meron ding noong una ay inilihim, pero nang umamin ay pilit pa ring pinagdududahan.

Meron ngang ibang napag-uusapang nagpalaglag.

Sabi nga nila, lalabas at lalabas din ang katotohanan—sa tamang panahon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results