Mga artista sa Kapamilya teleseryes, kinaltasan ng talent fee dala ng cost-cutting?

by PEP Troika
Jun 22, 2020
FPJ's Ang Probinsyano (left), tinipid ang accommodation ng stars at staff dahil sa budget considerations, ayon sa isang source ng PEP Troika. Lumobo naman ang production costs ng taping dahil sa health protocols para makaiwas sa COVID-19.
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / Love Thy Woman poster

JERRY OLEA

Lumampas na sa 30,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Sabi-sabi, aabot pa iyan sa 50,000.

Kaya bumilib ako sa ABS-CBN stars na pumayag magbalik-trabaho at lumabas sa kani-kanyang tahanan alang-alang sa mga programang palabas sa Kapamilya Channel.

Wala pa ring franchise ang ABS-CBN at pakiwari ko’y matatagalan pa bago ma-renew ito—kung mare-renew nga ito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Hindi ko batid kung marami nang patalastas ang Kapamilya Channel mula nang mag-umpisa ito noong Hunyo 13, Sabado.

Ang mga palabas lang nito na napanood ko ay It’s Showtime sa Jeepney TV at FPJ’s Ang Probinsyano sa Cinemo.

Noong Hunyo 16, Huwebes, nagsimula nang mag-taping muli ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nakarating sa ating kaalaman na tinipid ang accommodation dito ng mga artista at staff.

Lumaki kasi ang production budget sa taping bilang sa pagsunod sa guidelines at safety protocols, kaya wala sa budget ang bonggang accommodation.

Continue reading below ↓

FPJ's Ang Probinsyano cast starring Coco Martin

Inaasahan nating magte-taping na rin in due time ang mga teleseryeng Love Thy Woman at A Soldier’s Heart na umeere na sa Kapamilya Channel, ganoon din ang mga upcoming teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin at Burado.

Continue reading below ↓

Love Thy Woman cast starring Kim Chiu

Tipid-tipiran din kaya ang accomodation ng mga artista sa mga teleseryeng ito? If so, lalo tayong bibilib sa kanilang loyalty, pagsasakripisyo, at pagmamalasakit sa ABS-CBN.

Biruin mo, nag-take na sila ng risk lumabas ng bahay, nagtiis sila sa accommodation na swak sa budget ng production, and then, 50 percent lang ang kanilang talent fee?!!

Continue reading below ↓

Ayon sa source ng PEP Troika, "Nagpaalam ang ABS-CBN sa Professional Artist Managers, Inc. [PAMI)] na babawasan ng up to 50 percent off ang TF ng mga artista sa teleserye, at naunawaan iyon ng karamihan sa managers. Ang wala lang bawas ay ang mga artistang P15K below ang talent fee."

Continue reading below ↓

A Soldier's Heart cast starring Gerald Anderson

NOEL FERRER

In fairness, socialized at across the board ang pay cut.

Meaning, naka-bracket ang salary range at may 50/40/30/20/10 percent paycut depende sa salary range.

Para sa akin, upon consultation with my talents, na-appreciate namin ang ganitong pagiging open at transparent ng network, lalo pa’t malaki ang nawala sa kanila nang mawala sila sa free TV.

Pero at least, may lakas sila ng loob mag-taping para makapagbigay ng bagong panoorin, at may malasakit na kahit papaano ay may kitain na ang kanilang mga talents at workers kahit wala silang prangkisa.

GORGY RULA

Sa totoo lang, nakakatuwa itong mga taga-Kapamilya Channel na naglakas-loob, ginawan ng paraan, kinarir, at talagang nag-effort makapag-taping ng teleserye para may bago tayong napapanood sa TV at hindi lang puro replay.

Maintindihan din natin kung magtipid dahil madugo ang budget.

Mauunawan din natin kung tumawad sa talent fee o merong kaltas sa talent fee, dahil nahihirapan ang production maitawid ang isang drama series.

Continue reading below ↓

Pero sana, napag-usapan nang maayos, at alam ng mga kinauukulan ang mga nababago, lalo na sa talent fee.

Kaya abangan natin ang pasabog ng isang talent manager na magsasalita sa bagong sistemang ito.

Narinig kong napag-uusapan nang magtatalak siya isa sa mga araw na ito kung hindi maayos ang talent fee ng mga artista niya.

Ayon sa ilang nakausap ko, inaasahan daw kasi ng mga taga-production na nasabihan na si manager dahil napagkasunduan na ito sa ilang kapwa managers. Pero hindi raw dapat iasa sa ibang managers na iparating ito kay talent manager, lalo na’t wala siya noong pinag-usapan ito.

Di ba, dapat na nilinaw ito kay talent manager bago nagsimulang mag-taping ang mga artista niya?

Sana, maayos na ito dahil nakakapagod kung pawang away at kanegahan ang pag-uusapan.

Ang mahalaga ay maipagpatuloy ang trabaho, at may bago pa ring napapanood ang televiewers.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FPJ's Ang Probinsyano (left), tinipid ang accommodation ng stars at staff dahil sa budget considerations, ayon sa isang source ng PEP Troika. Lumobo naman ang production costs ng taping dahil sa health protocols para makaiwas sa COVID-19.
PHOTO/S: FPJ's Ang Probinsyano / Love Thy Woman poster
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results