Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Miss World Philippines 2020, mapapaaga ang coronation night sa November

by PEP Troika
Jun 23, 2020
Si Michelle Dee (fifth from left) ang reigning Miss World Philippines. Ayon sa MWP national director na si Arnold Vegafria, mahigpit na ipatutupad ang social distancing measures sa isasagawang MMP 2020 sa Nobyembre.
PHOTO/S: @msworldphil Instagram

GORGY RULA

In-announce kamakailan ni Arnold L. Vegafria na sa December 6 nila gagawin ang coronation night ng Miss World Philippines.

Si Arnold ang national director ng Miss World Philippines.

Pero nang nakausap namin si Arnold sa programa namin sa DZRH kagabi, June 22, sinabi niyang aagahan na nila ito.

Wala pa silang nakuhang eksaktong date, pero baka gawin nila ito bandang third week of November.

Napag-alaman nilang sa December na gaganapin ang Miss Eco-Teen at ang Miss Multinational, kaya kailangan daw nilang agahan ang kanilang competition para makakuha ng kandidata para ilaban sa international beauty competitions.

Kukuha rin sila ng kandidata na ilalaban sa Miss World, Miss Eco International, Reina Hispanoamericana, at Miss Tourism.

Mayroon pang dalawang international titles na ia-announce nila isa sa mga araw na ito.

Aware silang nasa pandemya pa rin tayo, kaya kailangan nilang sundin ang safety guidelines na ipinatutupad ng Department of Health.

“If there is no vaccine pa on that month, we have to maintain pa the safety measures,” lahad ni Arnold.

Continue reading below ↓

“I think 50 percent lang ang audience. May live audience, the same I think with basketball sa NBA, e.

“May live television pa rin siyempre, pero lahat sila, dapat ay dumaan sa rapid o swab test.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Hindi lang ang mga kandidata na kasali kundi pati ang mga staff na involved sa naturang patimpalak.

“All the candidates, we have to test them. We have to follow the rules of DOH, iyung social distancing.

“Kung lahat sila ma-test na negative, we’re all safe naman, e.

At saka bawasan na yung mga activities.”

May teenagers daw silang kandidata, edad 17, 18, at 19 kaya ina-allow nilang kasama ang magulang ng mga ito sa buong duration ng competition.

Aware silang mahirap itong gagawin nila, pero commitment nila ito sa mga international franchise na kailangan meron silang mga kandidatang magri-represent ng ating bansa.

“Saka, gusto ko na rin ipakita na normal na ang business natin.

Continue reading below ↓

"Yung normal, pero new system, at kailangan pa rin nating mag-ingat.

“Kasi kung hindi natin gagawin ito, yung normal na dati natin ginagawa, ano na ang mangyayari sa buhay natin?

“Pero siyempre, nandiyan pa rin yung nag-iingat pa rin tayo."

NOEL FERRER

Nakatakda sa Disyembre ang 70th edition ng Miss World.

Matapang ang magsagawa ng ganitong mga timpalak, to think na yung sports counterpart nila na Olympics ay na-postpone na talaga for next year.

Ang challenge dito ay kung paano gagawing relevant ang beauty pageants sa panahon ngayon, kasabay ang paniniguro na hindi ito pagmumulan ng sakit na siyang primary concern ngayon!

JERRY OLEA

Malamang sa alamang na sa GMA-7 ite-telecast ang 10th Miss World Philippines.

Nasa Kapuso Network na rin ba ang 20th Miss Philippines Earth, 57th Binibining Pilipinas, at 1st Miss Universe Philippines?

Naku! Kung ang beautiful events na ganito ay pawang matutunghayan natin sa Siyete, gusto ko nang maniwala na sa Enero 2021 pa magre-resume ng taping ang TV dramas ng mga Kapuso.

Continue reading below ↓

Namamayagpag sa ratings ang GMA-7, at bonggang-bongga ang commercial load kahit replays ang karamihan ng kanilang mga palabas.

Hindi sila kailangang magmadali, lalo pa’t parami pa rin nang parami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Abangan na lang natin kung anu-ano ang mga payanig at pasiklab ng GMA kaugnay sa pagdiriwang nila ng ika-70 anibersaryo ngayong 2020.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Michelle Dee (fifth from left) ang reigning Miss World Philippines. Ayon sa MWP national director na si Arnold Vegafria, mahigpit na ipatutupad ang social distancing measures sa isasagawang MMP 2020 sa Nobyembre.
PHOTO/S: @msworldphil Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results