Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Devon Seron, umalis ng GMA Artist Center; sinundan ang BF na si Kiko Estrada

by PEP Troika
Jun 24, 2020
Devon Seron (right) is accompanied by boyfriend Kiko Estrada (left) as she inks a deal with talent manager Arnold Vegafria (center).
PHOTO/S: @alvtalents Instagram

JERRY OLEA

Hindi hadlang ang network war sa mga pusong wagas ang pagmamahalan.

Kapuso si Gabbi Garcia at Kapamilya ang boyfriend niyang si Kahlil Ramos. Nagtambal sila sa pelikulang LSS: Last Song Syndrome.

Kapuso si Janine Gutierrez at Kapamilya ang boyfriend niyang si Rayver Cruz, pero nagkamabutihan sila hanggang tumawid si Rayver sa mother studio ng kanyang giliw.

Nag-umpisa si Sophie Albert sa ABS-CBN. Nagkatagpo sila ng nobyo na si Vin Abrenica sa Artista Academy ng TV5.

Napunta si Vin sa ABS-CBN, samantalang napadpad kapagkuwan si Sophie sa GMA-7.

Si Kiko Estrada, mula sa GMA-7, nag-over da bakod sa ABS-CBN. Bumalik sa GMA-7, at nang matapos ang kontrata ay lumipat muli sa ABS-CBN.

Ang Cebuanang kasintahan ni Kiko na si Devon Seron, fourth placer sa Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 ng ABS-CBN. Taong 2018 nang lumipat si Devon sa GMA-7 at nanatili siya roon.

Kapuso si Devon, at Kapamilya si Kiko, pero iisa na ang kanilang manager—si Arnold L. Vegafria (ALV).

Continue reading below ↓

Sinamahan ni Kiko si Devon nang dumalaw kay ALV noong Hunyo 16, Martes.

Pumirma si Devon ng managerial contract noong Hunyo 18, Huwebes, sa office ni ALV sa Ortigas Center.


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Matapos gumawa ng feel-good stories at light drama roles, inaasam ni Devon na sumabak sa action drama.

Continue reading below ↓

Bet niyang sundan ang mga yapak ng Hollywood actresses na sina Angelina Jolie, Jennifer Garner, at Scarlett Johansson.

Plano rin niyang magseryoso sa kanyang music career. Kahit sandali lang si Devon sa all-female group na Girl Trends, pakiwari niya ay more than ready na siya para maging serious sa pagkanta.

Paboritong singers ni Devon sina Celine Dion, Beyonce, at Mariah Carey.

Ngayong wala na sa free TV ang ABS-CBN, harinawang huwag mag-ala A Star Is Born ang love story ng DevKi.

Nasibak man ang Kapamilya teleserye ni Kiko na Pamilya Ko, may nagawa pa siyang movie with Sunshine Cruz, ang My Stepmother’s Lover, kung saan mapangahas ang kanyang role.


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Tingnan na lang natin kung paano magkakatulungan ang magkasintahang ito sa kanilang mga career despite them being in different networks.

At this point na matumal pa ang trabaho, ano na ba ang ginagawa nina Devon at Kiko?

As they always say, this pandemic has given us time to hone a skill and be productive.

GORGY RULA

Sa panahon ngayon, parang wrong timing kung may mga babaguhin sa iyong movie career.

Kasi, wala pa rin talagang nangyayari sa showbiz. Nakatutok pa rin tayo sa hearing ng ABS-CBN franchise, at sa tumataas na numero ng COVID cases.

Curious lang ako kung ano ang nangyari kay Devon sa GMA Artist Center, bakit hindi siya tumagal doon.

JERRY OLEA

Nakita ko ang magkasintahang Kiko at Devon noong Marso sa Trinoma, Quezon City, ilang araw bago nag-umpisa ang community quarantine sa NCR.

Iilan lang kami noon na bumibili ng tiket sa takilya. Manonood sila noon ng South Korean film na Parasite, na ibinalik sa mga piling sinehan ng Ayala malls matapos umariba sa Academy Awards.

Continue reading below ↓

Most memorable performance ni Devon para sa akin ang role niya sa Bakwit Boys (2018), na entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kasama si Devon sa cast ng upcoming Viva movie na Penduko, na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Devon Seron (right) is accompanied by boyfriend Kiko Estrada (left) as she inks a deal with talent manager Arnold Vegafria (center).
PHOTO/S: @alvtalents Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results