Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Edu Manzano, proud sa paninindigan ng New York-based anak na si Enzo

by PEP Troika
Jun 24, 2020
Edu Manzano (left) on son Enzo (right) staging a solo protest in New York (center): “Lahat ng anak ko, alam ko, mataas ang kanilang natutunan... Responsable naman sila pagdating sa paggawa ng kanilang mga desisyon."
PHOTO/S: @realedumanzano Instagram / Enzo Manzano Facebook

GORGY RULA

Walang kaalam-alam si Edu Manzano sa solo protest na ginawa ng anak niyang si Enzo Manzano kamakailan sa harap ng UN headquarters at Philippine Consulate sa New York.

Si Enzo ay anak ni Edu sa dating model na si Rissa Samson.

Sa Philippine Consulate, makikita sa Facebook ni Enzo na may bitbit siyang placard na may hand-written message.

Sabi rito (bold text provided): "THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY'S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT'S TOO LATE)."

Tinanong namin ito kay Edu nang nakapanayam siya sa aming radio program sa DZRH noong Martes ng gabi, June 23.

Sabi niya, “Aaminin ko po at titingnan ko kayo sa mata, wala akong kaalam-alam diyan.

“Pero sisihin ko rin ang sarili ko, because nung bata pa sila at nung lagi kaming magkasama, lagi kong sinasabi, ‘Kung meron kayong gustong sabihin, sabihin ninyo.’

“Napaka-liberal ko sa aking mga anak na wala akong itinatago sa kanila at ayokong may itinatago sila sa akin.”

Continue reading below ↓

Proud si Edu sa lahat nang na-achieve ni Enzo, at hindi raw niya saklaw kung ano ang nasa isip nito at kung ano ang gusto nitong gawin.

At hindi na siya nagulat nang nakita ang Instagram post ng anak at nabalitaan ang solo protest na ginawa nito for three days.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ipinagmamalaki ni Edu ang exclusive schools kunsaan nag-aral si Enzo—mula sa Xavier School at La Salle Greenhills para sa elementary education, hanggang sa De La Salle University noong kolehiyo, at University of California, Los Angeles (UCLA) para sa post-graduate studies nito.

Dean's lister daw si Enzo noong nasa kolehiyo at sumali ng NCAA Juniors Basketball noong high school.

Likas na "achiever" daw ang anak.

Patuloy ni Edu, “Kung susundan mo siya... hindi ko sinasabing sundan niyo ang kanyang Facebook. Meron na siyang mga ginagawang videos tungkol sa history ng EDSA revolution, meron pa siyang kay Magsaysay.

"Talagang mahilig siya sa pulitika… yeah, political science and journalism ang anak ko.

Continue reading below ↓

“So, hindi ako napagsabihan, pero hindi ako nagulat nang maisip niya ‘yan.

“Lahat ng anak ko, alam ko, mataas ang kanilang natutunan. Lahat nakapag-graduate, at doon ako proud sa kanila.

“Responsable naman sila pagdating sa paggawa ng kanilang mga desisyon,” dagdag niyang pahayag.

NOEL FERRER

Maaaring maihanay si Enzo sa mga liberal na mga kabataan ngayon na may sariling opinyon sa mga isyung panlipunan, tulad nina Frankie Pangilinan at Janine Gutierrez.

Mula sa showbiz royalty (somehow), nakakatuwa na habang ang kanilang mga kapanabayang kabataan ay haling na haling sa pagti-Tiktok, heto sila at naninindigan para mga bagay na may social relevance.

Agree si Edu sa pagiging liberal ng mga kabataan ngayon.

Sabi nga ni Edu sa panayam sa kanya, “Pagdating dun sa sinasabi nilang pagiging opinionated, okay lang sa akin yun.

"Lahat ng mga bata ay very vocal tungkol sa kanilang mga nararamdaman.

“Actually, kung tutuusin, ang yaman ng Pilipinas, hindi lang sa natural resources kundi ang ating human capital.

Continue reading below ↓

"Ang Pilipino ang totoong kayamanan sa ating bansa. Ang boses nila ang importante.

“Pero sana, kapag tayo ay nagki-critique at gusto nating punahin ang isang tao, gawin ho nating issue-based. Tungkol lang ho talaga sa issue.

“Hindi yung bastusan. Napakatindi natin magsulat ngayon, pero hindi issue.

“Kung sinu-sino ang iniinsulto.

"Kapag nakita mo ang pinag-uusapan, meron tayong sinasabing political discourse. Pag-usapan ang isang bagay. Importante ‘yan, e.

“Hindi puwede yung porke’t hindi sang-ayon sa iniisip mo, na ang paniniwala mo sa tao ay bigla ka na lang at kung anong klaseng paninira ang gagawin mo.

“I do believe that ang boses ay importante.

"Pero kapag tayo ay mag-disagree ay kailangan binabase doon sa sinasabing pag-uusap o discourse.”

JERRY OLEA

Attributed sa Greek philosopher na si Socrates (470-399 BC) ang kasabihang, “When the debate is lost, slander becomes the tool of the loser.”

Totoong-totoo pa rin iyan, lalo na sa mga troll na nagpapalaganap ng fake news sa social media.

Continue reading below ↓

Inuunggoy nila ang usapan. Binababoy ang balitaktakan. Sinasalaula.

Pero sumisingaw pa rin ang totoo. Mabagal man ang wifi sa lupang hinirang, digital na ang karma.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Edu Manzano (left) on son Enzo (right) staging a solo protest in New York (center): “Lahat ng anak ko, alam ko, mataas ang kanilang natutunan... Responsable naman sila pagdating sa paggawa ng kanilang mga desisyon."
PHOTO/S: @realedumanzano Instagram / Enzo Manzano Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results