Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Nico Bolzico, pinagtripan ang unboxing video ni Matteo Guidicelli

by PEP Troika
Jun 24, 2020
Sa latest Instagram video ni Nico Bolzico (kaliwa), ginawan niya ng spoof ang epic fail na unboxing video ng kaibigan niyang si Matteo Guidicelli (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from Instagram / YouTube

JERRY OLEA

Halos magdilim ang paningin ko sa pagtawa kay Nico Bolzico (pogilicious husband ni Solenn Heussaff) sa Instagram video niya ng pagbubukas ng regalo sa kanya nitong Father’s Day.

At this writing, naka-231K views na ang IG video na 51 segundo ang running time.

Ang deskripsyon ni Nico: “Nothing to see here, just a short clip of Normal People Unboxing Gifts vs @MatteoG Unboxing Gifts

“No hard feeling Mat! #Bolzicelli”

Continue reading below ↓

Sapul na sapul ang UNBOXING PLAYSTATION PRO 1TB video ni Matteo Guidicelli.

Nang isulat natin sa PEP Troika ang tungkol sa nasabing video noong Hunyo 21, Linggo ng gabi, naka-326.7K views na ang video mula nang in-upload noong Hunyo 2 sa eponymous YouTube channel ni Matteo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

As of Sunday night, humamig na iyon ng 2.5K thumbs up (likes), 22K thumbs down (dislikes), at 4K comments.

Ngayong Hunyo 24, Miyerkules ng hapon, ang unboxing video ni Matteo ay naka-1.54M views na!

Ang likes, 11K! Ang dislikes, 61K! At ang comments, 41K! Parami pa nang parami!

Take note na iyong video na “Matteo and Sarah at the ABS-CBN Ball” na in-upload noong Setyembre 30, 2018 sa YT channel ni Matteo ay naka-1.58M views.

Magtu-two years na ang nakakakilig na AshMatt video.

Ilang kandirit na lang with the support of Nico Bolzico’s Instagram pasiklab, kakabugin na ang views niyon ng unboxing video ni Matteo!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ginawa iyon ni Nico dahil magkaibigan sila ni Matteo. Kaya walang pikunan diyan!

Pero sa totoo lang, lumalabas talaga ang pagka-komedyante ni Nico na swak din kay Solenn.

NOEL FERRER

Nakakatuwang mag-alaskahan ang magkaibigang Nico at Matteo.

Mula sa unboxing ng regalong video games (na kailangang ingatan ang warranty), maganda ring kantiyawan ni Nico si Matteo kung kailan ito magiging daddy.

Marami na kasi ang nag-e-expect sa magiging baby nina Matteo at Sarah Geronimo.

Napakasaya siguro ng mga AshMatt fans kung mangyari iyon!

At malay mo, madalas naman na ang isang supling ang nagtutulay at nag-aayos ng lahat. Sana!

At mula roon, puwede nang mag-Daddy Challenge ang magkaibigang Matteo at Nico!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa latest Instagram video ni Nico Bolzico (kaliwa), ginawan niya ng spoof ang epic fail na unboxing video ng kaibigan niyang si Matteo Guidicelli (kanan).
PHOTO/S: Screen grab from Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results