Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Manila Film Festival Scam 1994: Mga katanungang hanggang ngayon ay wala pang kasagutan

by PEP Troika
Jun 24, 2020
Pagkalipas ng 26 taon, marami pa ring katanungang naiwan sa publiko tungkol sa 1994 Manila Film Festival scam. Mabubunyag pa kaya ang mga ito o tuluyan nang mababaon sa limot?

JERRY OLEA

Sa tanang buhay natin ay ngayon lang walang basaan sa San Juan City, kung saan ipinagdiriwang ang fiesta ni San Juan Bautista.

Siyempre, ngayong Hunyo 24, Miyerkules, ay ipinagdiriwang din ang ika-449 Araw ng Maynila.

At kapag Araw ng Maynila, bumabalik sa ating alaala ang 1994 Manila Film Festival Scam, bagamat ang awards night nito ay Hunyo 22 naganap.

Talent coordinator sa awards night si Manay Lolit Solis.

Presenters for best actor sina Ruffa Gutierrez at Nanette Medved.

Inihayag nila na ang best actor ay si Gabby Concepcion, na leading man ni Ruffa sa pelikulang Loretta.

Sina Gabby at Nanette ay mga alaga ni Manay Lolit.

Presenters for best actress sina Gretchen Barretto, Viveka Babajee (Miss Mauritius 1994), at ang halatang inaantok na si Rocky Gutierrez.


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isinigaw ni Viveka na ang best actress ay si Ruffa para sa Loretta.

Sinabihan ni Viveca si Rocky, “Take it! Take it!” na tinutukoy ang papel na naglalaman ng best-actress winner.

Mag-aartista sana sa local showbiz si Viveca with Annabelle Rama, ina nina Ruffa at Rocky, as her manager.

Bonggang-bongga ang reaksiyon ni Gretchen nang mga sandaling iyon.

Nanginginig si Ruffa sa kanyang acceptance speech.

Natapos na ang telecast, saka nagkagulo sa venue ng awards night.

Sinabihan ang kasalukuyang mayor noon ng Maynila na si Mayor Alfredo Lim na ang tunay na best actor ay si Edu Manzano para sa pelikulang Zacarias, at ang tunay na best actress ay si Aiko Melendez para sa Maalaala Mo Kaya: The Movie.


Continue reading below ↓

Ini-announce iyon ni Mayor Lim sa entablado, at naihabol ang istorya sa ilang pahayagan.

Paggunita ni Aiko nang maka-chat ko nitong Miyerkules ng umaga, “Naalala ko, di ko nakuha ang award ko, at nagkagulo.

"Napunit ang gown ko, tinatawag ako ni Mayor Lim to go back sa stage.

"Pero dahil sa hiya, di na ako bumalik."

Ang performance ni Aiko sa MMK: The Movie ay nagpanalo rin sa kanya ng best-actress trophy sa Film Academy Awards the next year.

Back-to-back ang pagiging best actress ni Aiko sa Manila Film Fest.

Sa MMF 1995, nagwagi siya para sa Regal movie nila ni Richard Gomez na Sa ‘Yo Lamang, na idinirek ni Maryo J. de los Reyes.

Inako ni Manay Lolit ang pagiging mastermind sa 1994 MFF scam.

Mula noon ay hindi na siya dumalo sa anumang awards night.

Ngayong Hunyo 24 ay kaarawan nina Ruffa Gutierrez, John Lloyd Cruz, at Juan Carlos Castro.

Continue reading below ↓

Nag-text ako kay Manay Lolit kung may birthday message siya para kay Ruffa.

Ano, ayaw ko birthday ni Ruffa, reminded ako ng filmfest scam,” text back ng 73-anyos na talent manager.

Bet ba niyang tumanggap ng ayuda from Gabby?

Umaasam ba siyang maalala siya ni Gabby sa panahon ng pandemya alang-alang sa pinagsamahan nila?

“Yes, sana, pero dahil alam ko na kuripot siya, hindi na ako umaasa pa, ‘noh?! Baka sa akin pa siya humingi,” sey ni Manay Lolit.

Kumusta na ang pakikitungo sa kanya ng mga yayamaning sina Nanette at Gretchen?

Naaalala ba siya ng mga ito kung Pasko, Valentine’s Day, birthday niya, Araw ng Kagitingan, Araw ng Maynila, o Halloween?

“Umiiyak ako sa love ni Nanette. Grabe, hindi siya nagbago.

"Birthday at Christmas, may padala, at ngayong lockdown, panay ang text asking kung ano ang lagay ko.

“Si Gretchen, naalala ko lang sa 150K hah hah!” pag-amin ni Manay Lolit.

(ED'S NOTE: Ang tinutukoy ni Lolit Solis ay iba pang eskandalo—tungkol naman sa pera—na nangyari nito lang 2019, na siya ang nagpaingay. Kahit pa naging mababaw ang fact-checking at makitid ang pananaliksik, umalagwa pa rin dahil may hinahabol na ratings at may kaaway na gustong tirahin. Ano pa nga ba't magkakaroon din ng pagkakataong isulat ito.)

Meron ba siyang diary, kasulatan, testamento o video recording na naglalaman ng mga bagay-bagay na hindi pa niya naisiwalat tungkol sa 1994 MFF Scam?

Continue reading below ↓

“Naku, basta, witness sa lahat si Gorgy. Ako, ang memory ko hanggang ngayon, malinaw pa rin ang mga nangyari sa gabing iyon.”

Ang ka-Troikang Gorgy ang tinutukoy ni Manay Lolit.

Witness si Gorgy sa investigation ng Manila City Hall sa Filmfest Scam.

Nagbanta si Gabby na idedemanda si Gorgy, na tinaguriang aide ni Manay Lolit.

“Hah hah ililigtas siya ni Tonton!” hirit pa ni Manay Lolit, na ang tinutukoy ay ang alaga niyang si Tonton Gutierrez.

NOEL FERRER

Bilang nasa pamantasan pa lang ako noon, marami akong mga tanong na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang linaw.

Oo nga’t inako ni Nanay Lolit ang kasalanan, pero sigurado ako na hindi niya magagawa ang malaking isyung iyon nang mag-isa lamang.

Una, bakit niya nagawa yun?

Para lang ba kay Gabby Concepcion? Bakit hindi lang ang kategorya ni Gabby ang pinalitan?

Magandang tanungin si Rocky Gutierrez kung paano siya napasama sa aktong iyon gayong minor pa lamang siya noon.

Continue reading below ↓

Wala bang ibang major stars na puwedeng mag-present ng best-actress award?

Ano pa kaya ang side stories sa filmfest fiasco na iyon, Gorgy?

Bilang witness ng lahat, nakatanggap ka ba ng pressure or pagbabanta?

Malungkot lang at kinamatayan na ni Viveka ang insidente.

Pero magandang balikan ang nangyari upang maintindihan kung bakit nakabalik si Nanay Lolit sa sirkulasyon, kahit labis siyang na-demonize noong panahong iyon.

Basta, ang naaalala ko, sa mga unang taon ko sa showbiz ay doon unang lumabas muli si Nanay Lolit.

Sa amin siya sa Martin After Dark nagtiwalang magpaunlak ng interview at nagbukas ng puso.

Tandang-tanda ko, doon kami naging malapit ni Nanay Lolit.

May malalim na kaming pinagsamahan dahil nandoon kami para sa isa’t isa sa mga panahong wala sa limelight.

Take it, take it, Tito Gorgy!

GORGY RULA

Sa totoo lang, nabanggit din kay Edu Manzano ang tungkol sa MFF 1994 scam nang nakapanayam namin siya sa DZRH noong Martes ng gabi, June 23.

Continue reading below ↓

Nagulat siyang naaalala ko pang June 22 ang makasaysayang MFF 1994 awards night na ginanap sa Ramada Hotel, sa Maynila.

Matagal nang nakalimutan iyon ni Edu.

Ang sabi nga niya, “Iyon ang klase ng bagay na kung ang kadiliman ang iyong haharapin ngayon, bigyan mo ng konting panahon at mawawala lahat ng iyan. Makikita mo rin ang sikat ng araw.

“Before, ang bilis natin maapektuhan. Pero sa totoo lang, ngayong nag-lockdown, natuto tayong maging more patient, more humble, and mas pinag-iisipan ko lahat ng bagay bago ako magsalita.”

Nakalimutan na nga ng karamihan ang MFF scam, at wala na ito sa kamalayan ng millennials.

Pero kung ako ang tatanungin ninyo, malinaw pa rin at hinding-hindi ko makakalimutan ang mga detalye ng mga pangyayaring nasaksihan ko.

Mula nang makipag-meeting si Manay Lolit sa production staff ng awards night, hanggang sa nairaos ang awarding ceremony na naglikha ng malaking gulo pagkatapos, hanggang pag-amin ni Manay Lolit, at hanggang sa weekly hearing sa Maynila.

Continue reading below ↓


Totoong gusto pa akong idamay noon ni Gabby Concepcion. Dapat daw kasuhan din ako dahil accessory to the crime.

Nakunan kasi ako ng testimony, at hindi niya matanggap ang mga nakasaad sa aking testimonya.

Isa rin ako sa nakuhang witness sa kasong obstruction of justice na ikinaso kay Manay Lolit.

Continue reading below ↓

Naabsuwelto siya sa kasong iyon.

Pero sa kasong estafa ay nakipag-plea bargain si Manay Lolit, at nasentensiyahan siya roon.

Humingi siya ng probation dahil first offense pa lang naman, at in-apply niya ito sa Parole and Probation kung saan kailangan niyang kumpletuhin ang pagseserbisyo sa gobyerno.

Ang daming pinagdaanan ni Manay Lolit bago naresolba ang kaso.

Pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang dumalo sa mga awards night.

May ilang taga-showbiz na nagtanong sa akin kung nakasuhan din ba ako, at naging accessory to the crime nga ba ako.

Hindi ko makalimutang tinawagan pa ako noon ni Senator Bong Revilla para tanungin kung kailangan ko ng abugado sakaling madamay ako sa kaso.

Willing siyang mag-provide sa akin ng abugado noong panahong iyon.

Tinanong ko uli ang sarili ko kung maituturing bang accessory ako sa ginawa ni Manay Lolit.

Ang ginawa ko lang noon ay samahan si Nanette Medved sa awards night at bantayan siyang huwag tumakas.

Continue reading below ↓

Gusto na sana niyang umalis noon dahil natatakot siyang gawin ang iniutos sa kanya ng kanyang manager.

Inako ni Manay Lolit ang lahat na ginawa sa naturang scam, pero naniniwala akong marami pang kasabwat.

Marami ang aware at in-allow nilang gawin iyon ni Manay Lolit.

Sinu-sino ba sila?

Hayaan na lang natin at ibaon na sa limot.

Masarap lang pag-usapan, pero huwag na nating painitin ang isa nang malamig na bangkay na iskandalong ito.

Karamihan sa kanila ay matagal bago nakabalik dahil hindi maalis-alis ang stigma ng iskandalong iyon.

Samantala, si Manay Lolit, na inako ang lahat at hinarap ang sentensiya, pagkalipas lang ng isang taon ay naging talk-show host sa pamamagitan ng Startalk sa GMA-7.

Ang unang segment niya roon ay “Take it, Take it!”

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkalipas ng 26 taon, marami pa ring katanungang naiwan sa publiko tungkol sa 1994 Manila Film Festival scam. Mabubunyag pa kaya ang mga ito o tuluyan nang mababaon sa limot?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results