Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pretty Woman, dalawang beses hinarang sa burol ng prominenteng tao; Beautiful Girl, chopper ang sakay pagpunta sa burol

by PEP Troika
Jun 24, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Ilang beses na nating napanood sa mga madadramang pelikula at teleserye ang mga makabagbag-damdaming eksena na nagaganap sa isang burol.

Napakabihira lang mangyari nito sa tunay na buhay.

Pero nangyari ito sa burol ng isang prominenteng taong pumanaw kamakailan, at nasaksihan ng mga nakiramay.

Hindi ko tiyak kung alin ang naunang nangyari.

Ang isa sa pinag-uusapang eksena sa burol ay ang pagdating ni Beautiful Girl, kasama ang dalawang malapit na lalaki sa buhay niya, sakay ng isang chopper.

Una raw bumaba sa chopper ang yayamaning dyowa ni Beautiful Girl.

Kasunod niya si Beautiful Girl, at huling bumaba ang makisig na "close friend" ni beautiful girl.

Ang isa pang mala-pelikulang eksena sa burol ay ang dalawang beses na pagtatangka ni Pretty Woman na magbigay-pugay sa pumanaw na prominenteng tao.

Sa aming pagkakaalam, maganda ang pagsasama ni Pretty Woman at ng yumaong prominenteng tao. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan.

Pero sa ganitong pagkakataon, ang legal na pamilya ang masusunod at sa teritoryo nila ang burol.

Continue reading below ↓

Kaya sa first attempt pa lang daw ni Pretty Woman, hindi na siya pinayagang makapasok.

Kahit ang anak na lang sana nila, pero ayaw pa rin daw ng legal na pamilya.

Ang anak umano ng legal na pamilya ang tumanggi, at hindi raw ito nakapagpigil sa sarili nang mag-attempt muli si Pretty Woman na pumunta sa burol.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Napasigaw na raw ang anak ng "Out!" nang nakita nilang papasok na ang Pretty Woman sa funeral parlor.

Ang pagkaganda-gandang bulaklak na ipinadala ni Pretty Woman ay ipinatapon daw ng anak ng legal wife.

Masakit lang isipin dahil masaya ang pagsasama ni Pretty Woman at ng pumanaw na prominenteng tao, pero walang magawa si Pretty Woman dahil ang legal ay legal.

At, kung tutuusin, malaking hinagpis ang dinulot ni Pretty Woman sa legal wife nang pumasok siya sa buhay ng prominenteng tao. Ito siguro ang hindi mapatawad ng anak ng legal wife.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Ibang klase maglaro ang tadhana.

Hayag sa mga alta na hiwalay ang prominenteng tao sa legal wife nito, at nariyan si Pretty Woman na never naging legal.

Ito ang masakit na katotohanang kailangang tanggapin ng mga dagdag sa pamilya.

Ano kaya ang masasabi ng bagong lipat na artista na kamag-anak ni Pretty Woman?

Maipagtanggol kaya niya ang kanyang pinsan sa kinasadlakan nitong sitwasyon?

JERRY OLEA

Naalala ko ang pelikulang Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (1983), na isinulat at idinirek ni Danny Zialcita.

Sa pagpanaw ni Miguel Almeda (Dindo Fernando), ang may karapatan sa kanyang bangkay ay ang tunay na asawa, si Mercedes Almeda (Susan Valdez).

Kabit lang pala si Delza Almeda (Laurice Guillen), kaya nagmakaawa ito kay Mercedes.

Latin ang origin ng pangalang Mercedes na ang ibig sabihin sa English ay “mercies” (plural ng mercy).

Sa Tagalog... awa, habag.

Naalala ko rin ang pelikulang Relasyon (1982), na idinirek ni Ishmael Bernal.

Continue reading below ↓

Nang pumanaw si Emil (Christopher de Leon), ang bangkay nito ay ipinakuha ng tunay na asawa mula sa bahay ng kabit na si Maria Lourdes o Marilou (Vilma Santos).

Ipinahihiwatig ng pangalang Marilou ay “may relasyon.”

Naka-grand slam si Vilma bilang best actress para sa Relasyon.

Kabog ang akting ni Nora Aunor sa Himala, na si Ishmael Bernal din ang nagdirek.

Naalala ko rin ang pelikulang Ded Na Si Lolo (2009), na idinirek ni Soxie Topacio.

Sa pagpanaw ng kanilang ama, saka lang ipinagtapat ni Syano (Dick Israel) sa mga kapatid na sila’y mga anak sa labas, at ang legal wife ng kanilang ama ay si Pilar (Perla Bautista).

At ang isa pang pelikulang naalala ko ay ang Pang-MMK (2018) na idinirek ni John Lapus.

Isa ito sa mga kalahok sa Cinema One Originals filmfest noong Oktubre 2018, at pinagbidahan ni Neil Coleta.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results