Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sketch kay Angel Locsin bilang "real-life Darna," umani ng papuri mula sa netizens

by PEP Troika
Jun 24, 2020
Graphic designer na si Klayton Ramos (left), ibinahagi ang kuwento sa likod ng kanyang viral "real-life" Darna sketch.
PHOTO/S: Klayton Ramos Facebook

JERRY OLEA

“Lapad, Darna, Lapad!”

Patutsada iyan ng isang impaktitang netizen nang masilayan ang Facebook post ng graphic designer na si Klayton Ramos noong Hunyo 20, Sabado ng gabi, sa Facebook.

In-sketch ni Klayton si Angel Locsin bilang matabang Darna, kaakibat ang paglalarawan sa aktres bilang “real-life Darna.”

Kasama sa caption ang heart emoji at hashtags na "#sigawdarna" at "#speedpainting."

Habang isinusulat ang artikulong ito, mayroon nang 50,000 reactions, 1,300 comments, at 26,000 shares ang Facebook post ni Klayton.

Karamihan sa komento ay papuri kay Angel bilang "true Darna" at "modern-day Pinay superhero" na bukas-palad sa pagtulong sa kapwa.

Lalo na nitong panahon ng pandemya kunsaan iba't ibang fundraising campaign ang pinangunahan ng Kapamilya actress para mapunan ang hospital tents at mass testing kits ng mga nangangailangan.

Inurirat namin ang 29-anyos na freelance artist mula sa San Jose del Monte, Bulacan, kung ano ang inspirasyon niya sa nasabing sketch.

“Darna is just an ordinary girl. She aims to help no matter what other people would think of her as long as she can be a catalyst to this world,” lahad ni Klayton nang maka-chat namin nitong Hunyo 24, Miyerkules ng gabi, via Facebook Messenger.

Continue reading below ↓

“She is careless about her body as long as she can help other people.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Like Angel Locsin, the real-life Darna, hindi niya kailangan ng papuri dahil ang importante sa kanya ay ang makatulong sa kapwa.”

Blockbuster ang trilogy movie na Lipad, Darna, Lipad, na pinagbidahan ni Vilma Santos noong 1973.

Mga kontrabida rito sina Gloria Romero bilang Impakta, Celia Rodriguez bilang Babaeng Ahas, at Liza Lorena bilang Babaeng Lawin.

Samantala, bali-balitang ikakasal na si Angel sa liyag niyang si Neil Arce sa Disyembre.

Antabayanan natin kung gagawa si Klayton ng art work na naka-wedding gown ang minamahal nating Angel!

GORGY RULA

Napag-usapan kamakailan na baka ma-move ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce.

Pero hindi sigurado kung mamu-move nga ba talaga, dahil hindi natin alam kung kailan ang original date ng kasalan.

May ilan akong kakilalang pinadalhan na ng "save the date," pero hindi sinabi sa akin kung anong petsa.

Continue reading below ↓

Ang latest na narinig ko, nakatakda na raw sa December ang kasalan na gaganapin dito sa Pilipinas.

Isang malapit daw kay Angel ang pumili ng wedding gown para sa Kapamilya actress.

Gusto raw ng aktres ay "off the rack."

Ayaw raw ni Angel na magpatahi ng mamahaling traje de boda sa mga kilalang designers.

Unang pinapili raw sa kanya ang collections ni Vera Wang, pero wala raw napili si Angel.

Nagustuhan daw niya ang gown na gawa ng Spanish designer na si Rosa Clara.

At ang tantiya raw nila, hindi pa aabot sa PHP200,000 ang halaga ng wedding gown.

Ang gusto raw talaga ni Angel ay simple lang.

At kung puwedeng tipirin, titipirin nila basta mairaos ang kasalan.

NOEL FERRER

Hinahangaan natin si Angel Locsin sa kanyang pagka-grounded sa katotohanan sa lipunan.

Naniniwala akong magiging consistent sila ni Neil sa kanilang pagtulong sa hikahos at nangangailangang kapwa.

While she can afford it, may lifestyle change kasing hamon sa mga taong direktang nakakakita sa inequality sa lipunan.

Continue reading below ↓

At diyan ko ipinagkakapuri si Angel Locsin.

Kung saan siya tumataya, lagi siyang nasa tama at sa mabuti.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Graphic designer na si Klayton Ramos (left), ibinahagi ang kuwento sa likod ng kanyang viral "real-life" Darna sketch.
PHOTO/S: Klayton Ramos Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results