Other Woman pinapasok din pero sinabihang "lumugar" sa burol ng prominenteng tao

by PEP Troika
Jun 25, 2020
Legal Wife, pumayag na dumalaw sa burol ng pumanaw na mister ang Other Woman.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

"Know your place."

Iyan ang moral ng istorya sa burol kamakailan ng isang prominenteng tao.

In fairness, napag-alaman nating binigyan daw ng pagkakataon ang "other woman," kasama ng mga anak nito, to pay respects to their loved one who passed away.

Pero sinabihan lang ang mga ito na "lumugar."

Iyan ang kalakaran ng mundo.

Tahimik lang dapat at walang eskandalo.

Hindi yung kung sino pa ang bagong salta ay siya pang eeksena.

Nakakaawa, pero sana nga nag-seminar sila kay Tita Julie Yap-Daza ng Etiquette for Mistresses, dahil isa iyan sa una niyang sasabihin.

"Know Your Place" at "Don’t Act As If You Are The Wife" ang ipapayong tiyak ni Tita Julie.

Diyan palagi dumadausdos ang mga babae sa dilim.

GORGY RULA

Sang-ayon ako sa sinasabi nilang lumugar. Pero mabuti na yung nalinaw kung pinaalis nga ba sila.

Siguro, ang isipin na lang nila, naging masaya naman ang taong pumanaw sa piling ni Pretty Woman.

Continue reading below ↓

Bahagi na rin ng pag-move on ang magpatawaran.

Pero sa mga babaeng pumapasok sa ganitong sitwasyon, tamang tanggapin nila kung hanggang saan lang sila.

Sabi ng isang kilalang showbiz figure, kung ikaw ay babae sa dilim, mananatili kang nasa dilim.

Pero sana, bigyan ng pantay na karapatan ang mga anak dahil wala silang choice sa buhay na ibinigay sa kanila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JERRY OLEA

Kung hindi nabasa ng mga escabeche ang aklat ni Julie Yap-Daza, nandiyan naman ang film version ng Etiquette For Mistresses (2015), na pinagbidahan nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, Kim Chiu, at Cheena Crab.

Si Chito S. Roño ang direktor.

Maraming insights ang mapupulot doon ng mga kabit, kerida, kulasisi.

"Ang lamay ay para sa tunay at legal na pamilya," pagdidiin ng insider na source ng PEP Troika.

"Kung ikaw ay number 2, number 3, number 4, or whatever, huwag kang magpaawa. Huwag mong palabasing inaapi-api ka ng pamilya ng number 1.

Continue reading below ↓

"Mag-behave ka. Alam mo dapat ang limitasyon mo, kung hanggang saan lang ang karapatan mo. Kumilos ka ayon sa iyong estado."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Legal Wife, pumayag na dumalaw sa burol ng pumanaw na mister ang Other Woman.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results