Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pinoy BL series Gameboys at Hello Stranger: online chikahan, virtual harutan

by PEP Troika
Jun 26, 2020
Parehong nasa kani-kanilang bahay ang main characters sa Pinoy Boys Love series na Gameboys (top) at Hello Stranger (bottom). Pero ang tanong, kanino kayo mas kinikilig: kina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ng Gameboys o kina Tony Labrusca at JC Alcantara sa Hello Strangers?

JERRY OLEA

Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin.

Title iyan ng 1978 movie na pinagbidahan nina Christopher de Leon at Marlene Dauden, maging ng 1996 film na tinampukan nina Maricel Soriano at Cesar Montano.

Kung kaya ng The IdeaFirst Company na gumawa ng Pinoy BL series na Gameboys sa panahon ng community quarantine, kaya rin ng Black Sheep (isa sa film arms ng ABS-CBN).

Kagaya ng mga tauhan sa Gameboys, ang mga karakter sa BL series ng Black Sheep na Hello Stranger ay nasa kani-kanyang bahay.

Online ang chikahan. Virtual ang harutan.

Indie actors ang mga bida ng Gameboys na sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos. Parehong walang kyeme.

Ibinuyangyang ni Kokoy ang kanyang kahubdan sa Cinemalaya 2019 sensation na Fuccbois.

Sa intimate presscon ng pelikulang Kalel, 15 ay sinabi ni Elijah na kaya niyang mag-frontal basta kailangan sa story.

Iyon din ang sabi ni Elijah nang maka-chat namin kamakailan via Messenger.

Continue reading below ↓

Malaking bentahe sa Hello Stranger si Tony Labrusca.

Nagbida siya sa Cinemalaya 2018 film na ML opposite Eddie Garcia.

Kontroberisyal ang 2018 digital film niyang Glorious with Angel Aquino.

Last March ay ipinalabas sa mga sinehan ang Viva movie niya with Lovi Poe and Marco Gumabao, ang Hindi Tayo Pwede.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nasa diwa ng mainstream audience si Tony.

Idagdag pang todo-support ang puwersa ng ABS-CBN machinery sa Hello Stranger.

Kaya swerte ang ka-partner niya sa Hello Stranger na si JC Alcantara.

Matitikman kaya ni Mico (JC) ang glorious kiss ni Xavier (Tony)?

“Enemy!” ang title ng first episode ng Hello Stranger.

Don’t tell me na inspired ng FLAMES iyan!

Magkakaroon ba ng episode na Friend, Lover, Angry, Marriage, at Sweetheart, or something to that effect? That we have to see.

Naka-760K views na ang Hello Stranger sa loob ng 36 hours—484K sa YouTube, at 276K sa Facebook.

No. 5 Trending na sa YouTube ang love story ng XavMi.

Continue reading below ↓

Kung kaya ng Black Sheep/ABS-CBN na gumawa ng BL series sa kabila ng COVID-19... kaya rin ba ng GMA Network?

NOEL FERRER

Patapos na ang Pride Month, pero puwede pang humabol... puwede pa!!!

Hanga pa rin ako sa nasimulan ng Gameboys at ang estilong ipinakita nito.

Kailangan pang mag-init ang kuwento ng Hello Stranger, pero it seems like they have a captured audience with the Kapamilya machinery.

Kung sa Kapuso network gagawin ito, sinu-sino sa tingin ninyo ang bagay sa ganitong BL (Boys Love) series. Any suggestions?

GORGY RULA

Mas gusto ko pa rin ang Gameboys.

Bukod sa ito ang naunang gumawa ng ganitong set-up, magagaling ang mga bidang artistang sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Nakikita mong kumportable sila sa isa’t isa, at nandiyan na ang kilig-kiligan sa kanilang tandem.

Napanood ko rin ang Hello Stranger, at malaking bagay ang presence doon ni Tony Labrusca.

Pero mas magaling pa rin talaga ang dalawang bida sa Gameboys.

Continue reading below ↓

Magaling mag-promote ang mga taga-ABS-CBN kaya nagagawa nilang ipa-trending ito.

Ewan ko, Sir Noel, kung interesado ang taga-GMA 7 na gumawa ng BL series.

Mas nakatutok sila sa comedy sa online shows nila.

Bukod pa riyan, unti-unti na silang nagbabalik ng shows nila sa ere.

Ang latest na narinig ko, sa July 12 na babalik ang All-Out Sundays, pero hindi ko lang sure kung nasa studio o naka-Zoom sila.

Sana may kasunod pang ibang shows na magbabalik na sa ere.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parehong nasa kani-kanilang bahay ang main characters sa Pinoy Boys Love series na Gameboys (top) at Hello Stranger (bottom). Pero ang tanong, kanino kayo mas kinikilig: kina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ng Gameboys o kina Tony Labrusca at JC Alcantara sa Hello Strangers?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results