Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Summer filmfest movies, OK bang pang-Christmas MMFF na lang?

by PEP Troika
6 days ago
Mungkahi ni Quezon City District 5 Congressman Alfred Vargas, ipalabas na lang sa December ang mga kalahok na pelikula sa nabitin na Summer Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial

GORGY RULA

Matatapos na ang buwan ng Hunyo, wala pa tayong balita kung magkakaroon ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na December.

Ano po ba ang latest, sir?

Wala pang linaw kung kailan magbubukas ang mga sinehan, pero inaasahang maging okey na ito sa darating na Pasko.

Nang nakausap namin noong Biyernes, June 26, sa DZRH ang representative ng District 5 ng Quezon City na si Congressman Alfred Vargas, napag-isipan daw nilang mga producer na i-suggest sa executive committee ng MMFF na ang walong entries ng Summer Metro Manila Film Festival na ang isasali sa MMFF sa December.

Kasali sa Summer MMFF ang pelikulang Tagpuan ni Congressman Alfred, kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao, at nanghihinayang sila kung hindi na ito mapapanood.

Wala namang in-announce pa ang MMFF at nahihirapan pang mag-shoot ng pelikula sa sitwasyon natin ngayon, bakit hindi raw gamitin itong walong entries ng Summer MMFF?

Continue reading below ↓

“For convenience, for safety, at saka ano… kasi, pinangakuan na tayo ng Metro Manila Film Festival na ipapalabas na tayo nung April pero hindi naman natuloy.

“Pero nagsigawaan na tayo ng pelikula, umaksyon na yung mga producers, 'tapos, natapos naman lahat na requirements, inabutan lang tayo ng covid.

“Di ba, mas maganda kung itong naka-line up na pelikula, kasama na ang Tagpuan, lahat na mga entries…for the safety of everyone, and for practical reasons para meron pa ring Metro Manila Film Festival?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"E, ito na lang ang buong line up para meron nang pang-Christmas na MMFF,” saad ni Congressman Alfred.

Nabigyan ako ng chance na mapanood ang isa pang entry dapat sa Summer MMFF na Coming Home nina dating Senator Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez.

OK rin kung pang-December na ito.

Hindi nga ako masagot ni Jinggoy kung ano ang gagawin nila sa pelikulang ito dahil wala pang bukas na mga sinehan.

Continue reading below ↓

Isa rin siya sa umaasang ito na ang isasali sa MMFF sa Pasko.

JERRY OLEA

Ipinagdiriwang natin ang Centennial ng pelikulang Pinoy, na pinasimulan ng Sine Sandaan event noong Setyembre 12, 2019, Huwebes sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Setyembre 13, Biyernes, ay rumatsada na sa local theaters ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Dahil sa COVID-19 at community quarantine, ipinagpaliban ang Sinag Maynila na Marso 17-24 sana.

May domino effect, at kinansela ang 1st Summer MMFF (Abril 11-21), 16th Cinemalaya (Agosto 7-16), at 16th Cinema One Originals.

Ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino ay gaganapin sana sa Setyembre 11-17, 2020, bilang pagtatapos ng Centennial celebration.

Wala pang napipiling entries dito. Wala pang pelikulang nag-umpisang mag-shooting.

Anong petsa na? Tatlo sanang filmfest ang iho-host ng Quezon City ngayong 2020, sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte—ang 1st Summer MMFF sa Abril, ang 8th QCinema International Film Festival sa Oktubre, at ang 46th Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Continue reading below ↓

Uunahin pa ba ni Mayor Joy ang mga filmfest na iyan, gayong nagpipiyesta ang corona virus sa City of Stars?

NOEL FERRER

Malalaman nating lahat ang kasagutan diyan kapag nag-convene na ulit ang MMFF execom na hinihintay lang namin.

Sa katunayan, bilang respeto rin lang sa MMDA (Metro Manila Development Authority), na isa sa lead organizations sa paglaban sa epidemya, at sa mga kasamahan natin na theater operators na hindi pa rin operational ngayon, ang mga boses nila ang hinihintay natin sa magiging desisyon tungkol sa MMFF sa December.

At kung ano na ang kahihinatnan ng entries sa kauna-unahan sanang Summer MMFF.

For now, what is certain is that bago ng lockdown, napagdesisyunan na ng execom na i-grant ang pag-pull out ng Viva at Tin Can ng pelikula nilang Love The Way U Lie sa MMFF.

Bida sa nasabing movie sina Xian Lim, Alex Gonzaga, at Kylie Versoza.

Naka-890K views na ang official trailer nito mula nang in-upload noong Marso 6 sa YouTube channel ng Viva Films.

Continue reading below ↓

Abangan natin ang mga susunod na mga hakbang.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mungkahi ni Quezon City District 5 Congressman Alfred Vargas, ipalabas na lang sa December ang mga kalahok na pelikula sa nabitin na Summer Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: @alfredvargasofficial
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results