Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Online burol para kay Ramon Revilla Sr., pinag-iisipan

by PEP Troika
5 days ago
Natuligsa man ng ilang netizens, patuloy sa pag-e-Facebook Live si Senator Bong Revilla Jr. (kaliwang photo, naka-white polo) para sa mga hindi makapunta sa lamay ng kanyang amang si Ramon Revilla, Sr. (kanang litrato)
PHOTO/S: Left: Jerry Olea / Revilla Family

JERRY OLEA

As expected, tinuligsa ng ilang netizens si Senator Bong Revilla Jr. dahil sa Facebook Live niya nang pumanaw ang ama na si dating Senador Ramon Revilla St.

Nalagutan ng hininga ang 93-year-old legendary action star na tinaguriang "Agimat ng Masa" noong Hunyo 26, Biyernes, 5:20 PM.

5:24 PM ay nag-FB Live (1 minute, 31 seconds) na si Sen. Bong at luhaang ini-announce, “Wala na po ang tatay ko...,” habang humahagulgol o ngumunguyngoy ang mga kapamilya, at pumalahaw nang wagas ang isang kapatid, “DADDDDYYYY!”

As of this writing, 166K na ang nag-react sa nasabing video, mostly ay nag-click ng crying emoji.

88.7K ang nag-comment, na karamihan ay pakikiramay ng netizens.

Biyernes ng 10:11 PM, ipinost ni Sen. Bong sa FB na ang lamay ay magsisimula kinabukasan, Hunyo 27, Sabado ng 1:00 PM sa Revilla Cmpd., 305 Aguinaldo Hi-way, Bacoor City, Cavite.

Kapagkuwan ay ginawa niyang 2:00 PM ang umpisa ng lamay.

Continue reading below ↓

Pakiusap ng Pamilya Revilla sa publiko, ipaubaya muna sa kanila at malalapit na kaibigan ang pagluluksa nang pribado until further notice.

Hunyo 27, Sabado ng 4:30 PM, nag-Facebook Live (4 minutes, 26 seconds) muli si Sen. Bong para ipakita ang sitwasyon sa lamay, at ipinagmalaki pa niyang napakapogi ng amang nakahiga sa kabaong.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

5:05 PM ay ibinahagi naman ni Senator Bong sa FB Live (28 minutes, 21 seconds) ang Misa.

Nang mga oras na iyon ay nagbibiyahe na kami ni ka-Troikang Gorgy patungo sa Bacoor.

Gaya ng maraming nakikiramay, ipinark ni Gorgy ang kanyang sasakyan sa labas, sa highway, at naglakad kami papunta sa Revilla Compound.

Maski yung sasakyan ng DSWD (Department of Social Welfare and Development) ay sa labas naka-park.

6:25 PM, habang nasa loob kami ng kuwarto kung saan nakaburol si Mang Ramon, nag-FB Live (10 minutes, 42 seconds) si Senator Bong at ipinakita muli ang kakisigan ng ama.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kung maari lang, gustong pumunta at makiramay ng buong Cavite pero hindi kakayanin dahil pinagsumikapan nilang masunod ang safety measures.

Kaya laging nag-e-FB Live si Senator Bong para kahit paano ay makita man lang nila ito online.

Marami ang hindi mapapagbigyang makapasok at ang iba naman ay hindi pa puwedeng lumabas ng kani-kanyang tahanan.

Kagaya ng senior stars na kasabayan ni Mang Ramon, hindi na inaasahan ng pamilya na pumunta sila para makiramay dahil hindi pa talaga puwede ang mga may edad na.

Kaya pinag-iisipan nilang mag-set up ng online burol at baka kayaning mag-Zoom para magkaroon ng online necrological service sa Martes, Hunyo 30.

Inaasahan nilang magbigay ng eulogy o mensahe ang mga dating leading lady o katrabaho ni Mang Ramon.

Kagaya nina Gloria Romero, Boots Anson-Rodrigo, Liza Lorena, Marissa Delgado, Marissa del Mar, Pilar Pilapil, Celia Rodriguez, Julie Ann Fortich, Rosemarie Gil, Rosemarie de Vera, Gina Pareño, Elizabeth Oropesa, Helen Gamboa, Tanya Gomez, Maria Isabel Lopez, Aurora Pijuan, Aurora Salve, Deborah Sun, Rosanna Ortiz, at iba pa.

Continue reading below ↓

As of today, hindi pa napagdesisyunan ng mga anak ni Mang Ramon kung sa July 2 o 3 ang kanyang libing.

Balak sana nilang dalhin ang daddy nila sa Imus Cathedral para masilayan ng mga taga-Cavite, pero kung nasa GCQ (General Community Quarantine) pa tayo sa susunod na buwan, baka hindi na nila ito gagawin.

Hindi pa rin madesisyunan kung idadaan pa siya sa Senate building dahil naka-lockdown pa roon ang naturang gusali.

Naka-half-mast ang ating watawat sa harap ng gusali ng Senado bilang pagluluksa sa pagyao ng legendary action star turned politician.


Continue reading below ↓

Marami pa ang gustong masilayan sa huling sandali ang itinuturing nilang Agimat ng Masa, pero mahirap sa sitwasyon nating ito.

NOEL FERRER

Katulad ng nangyari sa ina at kapatid ni Senator Joel Villanueva, tuloy ang last rites —burol at libing—pero strict ang implementation ng health protocols, ng face masks at social distancing kahit nasa karatig-probinsiya ito at malapit sa Metro Manila.

Pero hindi lang sa pulitika ang larangan ni Senator Ramon Revilla Sr. Isa siyang film legend kaya may fans na gusto ring masilayan ang yumaong aktor at political leader.

Matatandaang ilang kasamahan natin sa industriya ang pumanaw ngayong panahon ng pandemic.

Nauna na si Tito Menggie Cobarrubias na nagkaroon ng COVID-19, nakapag-message pa sa FB bago pumanaw, at cremated agad.

Si Direk Peque Gallaga, hindi Covid, pero cremated din agad. Nagkaroon na lang ng necrological testimonial later.

Nandyan din si Sonny Parsons ng Hagibis na namatay sa isang aksidente, libing agad.

Continue reading below ↓

Si Tita Anita Linda ay na-cremate din agad, and then one day lamay. Nagkaroon ng Pasiyam online sa Actors’ Cue (Extend The Love) ni Direk Adolf Alix Jr.

Nagpugay kay Tita Anita sina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, at Alessandra de Rossi.

Pagkatapos, sumunod si Tita Lilia Dizon sa U.S. noong Hunyo 15. Mabilis din ang final rites kay Tita Lilia.

May messages ang ilang veteran stars before Tita Lilia's death, na na-post ng anak niyang si Toni Abad sa FB.

Kabilang sa nag-send ng video messages sina Nova Villa, Marita Zobel, Gloria Sevilla, Pilita Corrales, Gloria Romero, Imelda Ilanan, Dulce, Bibeth Orteza, Baby O’Brien, Luz Valdez, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Edgar Mortiz, Boots Anson-Rodrigo, Evangeline Pascual, Ronaldo Valdez, Elizabeth Oropesa, Vilma Santos, at Delia Razon.

Inaasam ni Mayor Lani Mercado na ang senior stars na gustong makipag-online lamay kay Mang Ramon ay mag-send ng video para mai-post sa Facebook ni Senator Ramon Revilla, o maipalabas sa necrological service temporarily scheduled for Tuesday, June 30.

Continue reading below ↓

Paalam po, Mang Ramon. Muli, ang aming patuloy na dasal at pakikiramay sa kanyang pamilya!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Natuligsa man ng ilang netizens, patuloy sa pag-e-Facebook Live si Senator Bong Revilla Jr. (kaliwang photo, naka-white polo) para sa mga hindi makapunta sa lamay ng kanyang amang si Ramon Revilla, Sr. (kanang litrato)
PHOTO/S: Left: Jerry Olea / Revilla Family
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results