Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pag-ere ng ABS-CBN shows sa Kapamilya Channel, nanganganib mapatigil

by PEP Troika
4 days ago
Kasabay ng pagkuwestiyon sa legalidad ng Kapamilya Channel, ang kakabalik sa ere na mga programa ng ABS-CBN, tulad ng FPJ's Ang Probinsyano, na bida si Coco Martin (left), at Love Thy Woman, na bida si Kim Chiu, (right) ay nanganganib mapahinto muli.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram / Screengrab from Love Thy Woman

JERRY OLEA

Hunyo 4, Huwebes, ibinalita sa TV Patrol ang pagbabalik ng ilang ABS-CBN shows umpisa Hunyo 13, Sabado, sa Kapamilya Channel, na nasa cable and satellite TV.

Babalik na si Cardo Dalisay (Coco Martin) ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Meron ding “return of the comeback” ng mga teleseryeng A Soldier’s Heart at Love Thy Woman, pati ang It’s Showtime, Magandang Buhay, at The Voice Teens.

May kani-kanyang bagong weekly show na iho-host sina Angel Locsin at Judy Ann Santos—Iba ‘Yan at Paano Kita Mapasasalamatan, respectively.

Kaabang-abang din sa Kapamilya Channel ang Tagalized version ng highest-rating cable Koreanovela na The World of A Married Couple.

Nang gabi ring iyon, nakikipag-negotiate ang ABS-CBN sa Cignal TV para ipalabas doon ang mga programang ito.

Pagsapit ng Hunyo 13, Sabado ng tanghali, napanood natin ang pagbabalik ng It’s Showtime sa Jeepney TV. Happy days are here again?!

Hunyo 14, Linggo ng tanghali, hindi natin mahanap sa TV Plus (mahiwagang black box) ang resurrection ng ASAP Natin ‘To.

Continue reading below ↓

Hunyo 15, Lunes ng gabi, natunghayan natin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Cinemo.

Ten-day recap ng teleserye ni Coco ang ipapalabas muna. Hunyo 16 pa kasi ang resume ng taping nito sa Quezon City.

Aba! Unti-unti, pinapasok ng isang patalastas ang It’s Showtime.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hunyo 27, Sabado, ang huling tweet ng Cignal TV: “We are still in discussions with ABS-CBN, we will keep you posted. Stay tuned on our website or social media accounts for updates.”

At this writing ay wala pa tayong update sa nasabing negosasyon.

Nitong Hunyo 28, Linggo, nasa Jeepney TV na rin ang ASAP Natin ‘To.

Napabalita kapagkuwan na ang 30-anyos na si Jake Ejercito ay pumirma na sa ABS-CBN Star Magic. Wow!

Hunyo 29, Lunes, ikawalong hearing ng Congress kaugnay sa renewal of franchise ng ABS-CBN. Nanganganib ang KBO at TV Plus!

Ngayong Lunes ng gabi pa naman, inaabangan natin ang bagong episode ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Post ni Jay Sonza sa Facebook nitong Lunes ng hapon: "GOODBYE abs cbn !!!!!!!!!"

Sabay banggit niya sa channels na umeere sa ABS-CBN TV Plus at cable channel ng Dos, "goodbye jeepney channel, yey channel, cinemo channel, metro channel, kapamilya channel, dzmm teleradyo channel, myxx channel, knowledge channel, O shopping channel, etc. etc."

May mga shoutout pa si Jay sa Facebook na kinokondena niya ang Kapamilya network.

"Bukod tanging pinagpala ng KARMA ang ABS CBN at mga Lopez...

"After 67 years... Tapos na ang maliligaya araw at naghaharing uri ng Pamilya Lopez...

“Philippines No. 1 Oligarch is down. Long live Law & Order. Mabuhay ang Pilipinas!!!"

Dalangin ni Jay Sonza na pagpalain at protektahan ng Diyos sina Atty. Rodante Marcoleta, Atty. Jesus Remulla, at Mr. Mike Defensor—na pawang mga pabor sa pagpapasara sa ABS-CBN.

HOT STORIES

NOEL FERRER

Nakaka-tense nga kanina sa hearing.

Kasi, parang sinasabihan na ng Kongreso ang NTC na mag-serve ng cease and desist order sa ABS-CBN para ipatigil ang kanilang cable operations sa Kapamilya Channel platforms.

Continue reading below ↓

Ngayon pa na ang FPJ’s Ang Probinsyano at Love Thy Woman ay nagte-taping na, at ang second wave ng ASAP Natin ‘To taping ay this weekend na rin.

Naka-wait-and-see mode ang mga taong involved.

Laking pasakit ang pinagdaraanan ng mga Pinoy at kaindustriya natin ngayon.

Una, nandiyan na ang nakabinbing posibleng pagpapatigil ng natitirang operations ng ABS-CBN.

Ikalawa, isyu rin ang pagtutol ng mga taga-industriya sa broad powers ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na dagdag sa bureaucracy at red tape.

Ikatlo, tuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 kaya patuloy ang paghihintay kung magkakaroon ba ng pagbabago sa ating quarantine status.

Mga kababayan, kaya pa ba? Kapit lang!!!

GORGY RULA

Pilit kong inuunawa ang trabaho ng mga kongresista sa pag-iimbestiga ng franchise ng ABS-CBN.

Naniniwala akong sumusunod sila sa ipinatutupad na batas.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan, kung bakit may mga taong natutuwa sa nangyayari ngayon sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Kung ano ang dami ng nakikisimpatiya sa pinagdadaanan ngayon ng ABS-CBN, may mangilan-ngilang natutuwa at gusto nilang matuluyan na ang pagsasara ng kumpanya.

Kagaya nitong mga hanash ni Jay Sonza.

Gaano man katindi ang galit niya sa Dos, sana, kahit paano ay maisip niyang nakilala ang pangalan niya bilang broadcaster dahil sa matagal din niyang paninilbihan sa Kapamilya network noon.

Kung meron mang maling nagawa sa kanya, sana ay may natirang pagpapatawad sa puso niya, na isipin pa rin niya ang magagandang nagawa sa kanya ng network.

Mula kaninang hapon hanggang sa kasalukuyan ay may nagtatanong pa rin sa akin kung pati ba ang Kapamilya Channel ay magsasara na.

Curious sila kung ano ang bagong episode ng Ang Probinsyano na kinunan sa gitna ng pandemya, at ang iba ay sinimulan na ang pagsubaybay sa Tagalized version ng Koreanovelang The World of A Married Couple.

Kung ano man ang kahihinatnan ng prangkisa ng ABS-CBN, sana ay naaayon sa batas, hindi dahil sa pinag-initan lang talaga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasabay ng pagkuwestiyon sa legalidad ng Kapamilya Channel, ang kakabalik sa ere na mga programa ng ABS-CBN, tulad ng FPJ's Ang Probinsyano, na bida si Coco Martin (left), at Love Thy Woman, na bida si Kim Chiu, (right) ay nanganganib mapahinto muli.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram / Screengrab from Love Thy Woman
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results