Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sharon Cuneta, naiyak sa pagsasabong ng bashers kina Frankie at KC

by PEP Troika
3 days ago
Sharon Cuneta, may apela sa bashers na ipinagkukumpara ang physical looks ng magkapatid na Frankie Pangilinan at KC Concepcion: "It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another. Why are you so bad? Wag niyo silang siraan."
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram Live

NOEL FERRER

Isang umiiyak na Sharon Cuneta ang bumungad sa kanyang Instagram Live, dahil upset at stressed siya sa mga nagaganap ngayon sa ating lipunan.

"Ewan ko ba, bakit may mga taong ang sasama. Ito na ba ang panahon ngayon?" sentimyento ng Megastar nitong Hunyo 29, Lunes ng gabi.

Bukod sa nangyayari sa ating bansa, nag-comment si Sharon sa negatrons sa panahon ngayon.

Hindi raw niya lubos maisip kung bakit pati ang mga anak niyang sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan ay pinagsasabong ng bashers.

Si KC ay anak ni Sharon sa ex-husband na si Gabby Concepcion, habang si Frankie ay anak ng aktres sa second husband niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Madalas atakehin ng bashers si Frankie dahil sa kanyang matatapang na opinyon tungkol sa iba't ibang relevant issues sa bansa.

Naluluhang pahayag ni Sharon: "It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another.

Continue reading below ↓

"Why are you so bad? Why are you doing that to my children?

"Wag niyo silang pag-awayin. Wag niyo silang siraan.

"Gumagawa kayo ng istorya. Nao-offend ako for Frankie.

"Hindi man siya kasingganda ng Ate KC niya, natural, hindi naman matinee idol ang tatay niya, pero iba naman ang ganda niya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Disente ang tatay niya at hindi ako sinaktan tulad ng mga guwapo nga diyan.

"Hindi ako nagpapaawa at nagpapapansin.

"Sana, ibalik natin ang pagka-disente natin sa lipunan."

Sa puntong ito, kinausap ni Sharon ang anak na si Frankie, na tiyempong kakapasok noon ng kuwarto.

"I'm so sorry. You don't deserve.

"And in the end, that's not what matters, you know," ani Sharon kay Frankie.

Mahinahong sumagot si Frankie na hindi siya apektado dahil iba-iba naman ang standard of beauty ng tao.

Sabi ulit ni Sharon, "That's right. You're very pretty, honey.

"Each of you has your own kind of beauty... Yeah, you're different from each other."

Continue reading below ↓

Tumagal ng higit 45 minuto ang Instagram Live ng Megastar.

May isang puntong nabanggit ni Sharon na ang ibinoto niya noong 2016 national elections ay ang presidential candidate na si Grace Poe at vice president candidate na si Leni Robredo.

Tahasan niyang sinabi na sana tumakbong Presidente si VP Leni sa 2022 elections. It must be her mother’s heart talking and crying.

Sa mga patuloy na naninira at nagpapaka-nega, ipagdarasal at ipagpapasa-Diyos na lang daw ni Sharon lahat.

HOT STORIES

GORGY RULA

Sana, hindi na natin mapanood si Sharon Cuneta na umiiyak para ipagtanggol ang kanyang mga anak.

Ang inaasahan ko sana sa susunod niyang pagla-live sa kanyang Instagram account ay nasa NBI siya at ituloy ang pagdemanda sa nag-cyberbully sa anak na si Frankie.

Sobrang foul ang pananakot kay Frankie ng isang basher na nagsabing, “Kung dose anyos lang ako ay ginahasa na kita.”

Dagdagan pa ng iba, na sa halip na bigyan ng simpatiya, panlalait pa ang inabot ng pobreng dalaga.

Continue reading below ↓

Dapat ipakita ni Sharon ang kanyang pagiging matapang at palaban na ina. Na kahit saan maghaharap ay nandiyan siya para sanggahin ang pambabato sa kanyang mga anak.

Huwag na siguro siyang magsalita sa social media. Ituloy na niya ang demanda!

JERRY OLEA

Bilang Sharonian, nabagbag tayo sa Crying Mega sa tunay na buhay.

Nauunawaan natin ang sentiments ni Sharon bilang ina, at idinadalangin natin kung ano ang makakabuti para sa kanya at sa mga mahal niya sa buhay.

Masalimuot ang usapang pulitika at walang hanggan ang balitaktakan dito.

Nawa’y manaig ang katotohanan at katarungan, at makamit ng ating bansa ang kapayapaan at kaunlaran.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta, may apela sa bashers na ipinagkukumpara ang physical looks ng magkapatid na Frankie Pangilinan at KC Concepcion: "It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another. Why are you so bad? Wag niyo silang siraan."
PHOTO/S: Sharon Cuneta Instagram Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results