Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Promo ng GMA Affordabox, nasabay sa pahirap sa ABS-CBN TV Plus?

by PEP Troika
Jun 30, 2020

JERRY OLEA

As of June 29, Monday, 4 P.M., ayon sa Department of Health ay mahigit 36K na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Tweet ni Senadora Nancy Binay kapagkuwan: “Bakit parang iisa ang guhit ng palad ng #ABSCBN at ng mga traditional #jeepney? Kunyari sinasama, pero di sinasali. Naririnig pero di pinakikinggan. Nakikita pero di tinitingnan.”

Continue reading below ↓

Nangangalahati na ang taon ngayong Martes, katapusan ng Hunyo.

Nag-shout out si John “Sweet” Lapus sa Facebook: “Magsasara na ang karamihan ng mga Comedy Bars. Lord kayo na po ang bahala sa mga anak ko.”

Nagba-bye si Sweet sa Klownz at Zirkoh, comedy bars na pag-aari ni Allan K.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagbabadya ang pagbabalik-TV ni Kris Aquino.

Sa ilalim ng New Normal, applicable pa ba sa kanya ang taguring Queen of All Media?

Continue reading below ↓

Sa pagdiriwang ng GMA Network ng ika-70 taon, inilunsad nito ang high-quality and affordable Digital Terrestrial Television (DTT) receiver na GMA Affordabox, na nagkakahalaga ng P888.

Habang ang TV Plus ng ABS-CBN—o ang mahiwagang black box—ay pilit itinutulak sa kankungan ng mga makapangyarihan.

Nagbaba ng TF (talent fee) ang mga artista na balik-taping sa mga teleserye ng Kapamilya Channel.

Continue reading below ↓

Inusisa ko si Senador Bong Revilla kung payag siyang magbaba din ng TF sa Kapuso weekly show niyang Alamat ng Agila.

“Wala namang problema ‘yon,” tugon ni Senador Bong noong Linggo, Hunyo 28, nang makausap ko sa lamay ng ama niyang si dating Senador Ramon Revilla Sr. sa Revilla Compound, Bacoor, Cavite.

Payag din kaya ang ibang Kapuso stars magbawas ng kani-kanyang TF bilang suporta sa kanilang mother studio?

Siyanga pala, bukas, Hulyo 1, Miyerkules ng 11 A.M. ang necrological service in honor of Mang Ramon sa Session Hall ng Senado.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Lalong lumalakas ngayon ang dasal ng Kapamilya talents and supporters dahil sa pangambang pati ang TV Plus at Kapamilya Channel ay mawawala na rin.

Pero bakit maingay din ang mga galit sa ABS-CBN at natutuwa sa nangyayari rito?

Tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig sa Kongreso, pero habang tumatagal ay tila lumalabo ang pag-asang inaasam ng Kapamilya network.

May ilan pa raw kakausapin sa franchise renewal hearing ng ABS-CBN kaugnay sa labor issue, at ang susunod ay sa tax issue naman.

Inaasahang matapos na ito at maging patas ang kung anuman ang desisyon ng ating mga mambabatas.

Samantala, bukas ng umaga ay ihahatid ang mga labi ng dating Senator Ramon Revilla Sr. sa Senate building at bibigyan siya roon ng necrological service.

Mahigpit na ipinapatupad ang social distancing kaya limitado ang papapasukin sa Senado.

Pagkatapos nito ay ibabalik ang remains ni Mang Ramon sa Bacoor, Cavite, para sa isa pang necrological service na karamihan ay nasa showbiz naman.

Continue reading below ↓

Sa Huwebes ng umaga ang libing at mukhang para na lang ito sa pamilya.

Sa dami nila, hindi mapagbibigyan ang ibang gustong makipaglibing.

Ilalagak si Don Ramon sa kanilang mausuleo sa Angelus Eternal Garden sa Bacoor, na malapit lang sa kanyang rancho, kung saan siya namalagi hanggang sa kanyang pagpanaw.

HOT STORIES

NOEL FERRER

Habang sa mga oras na ito ay hinihintay pa natin ang estado ng bansa natin mula sa ating leaders—na dapat kagabi pa naganap—nagtataka ang ating mga kapatid sa industriya kung bakit may mga dagdag pang bureacracy sa kanilang pagbalik-trabaho.

Hindi lang sa pelikula kundi sa iba pang larangan, kumapal pa lalo ang guidelines.

May kinalaman ito sa inilabas na safety protocols and requirements ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza Diño-Seguerra.

Sabi nga ng kaibigan nating si Bianca Balbuena-Liew ng Epic Media:

“Please enlighten me if I am wrong on these matters.

"But what has been released by the Film Development Council of the Philippines as our safety protocols and requirements is quite alarming and definitely not a welcome addition to this industry that’s barely surviving due to this pandemic.

Continue reading below ↓

“Clarification 1: As long as we’re compliant with DOLE, DOH and DTI, we have the prerogative to choose between the FDCP or Inter-Guild Alliance (IGA) safety protocols to guide us, am I right?

“Clarification 2: In that zoom meeting with IGA and FDCP, if I remember correctly, reporting is not mandatory, it’s up to the production companies. RA 11058 re Occupation Safety and Health (OSH) — your OSH Officer will report any non-compliance of health and safety standards, and incidents/accidents to DOLE. All reportorial requirements that FDCP is claiming under this Advisory, you’ll do with your OSH Officer already. Am I right? But this FDCP Advisory 06 says it’s required. This registration process is very dangerous as it can lead to control and censorship, especially with this Anti-Terror Bill being passed.

“Clarification 3: RA 11332 mandates you to report to DOH any cases concerning public health, which you can do directly. BUT.... the project registration forms require you to disclose information that are IRRELEVANT to public safety: budget, format, exhibition platform. Why should we be compelled to disclose these project details if the purpose is solely for health and safety. Also, DOH and/or DOLE do not require you to provide these information but the FDCP asked for this clause to be included. Am I right?

Continue reading below ↓

“To the FDCP, please open the floor for discussions, invite the filmmakers, film practitioners and guilds for inclusivity and listen to them, the film workers.

“Let’s come up with a solution amenable to everyone before having a press release. We are in survival mode.

“Let’s work towards surviving instead of adding more red tape, bureaucracy, authority and power. Please.”

Sinasang-ayunan ito ng maraming producers at kasamahan natin sa industriya.

Sala-salabid na mga ganap sa ating lipunan. Puno ng lungkot at walang kasiguraduhan.

Tapos na ang kalahati ng taon, kailan naman kaya tayo sasaya?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results