Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Bakit napikon si Ion Perez nang masabihang bading?

by PEP Troika
Jun 30, 2020
Si Ion Perez (kaliwa), na kilalang karelasyon ni Vice Ganda (kanan), umalma nang tawagin siyang "bakla" at "paminta."
PHOTO/S: CTTO / @praybeytbenjamin

GORGY RULA

Hindi ko ma-gets ang reaksiyon ni Ion Perez sa mga nagkomento sa ipinost niya sa Instagram nitong Lunes, June 29.

Kuha ang post pagkatapos niyang magpaayos at magpakulay ng buhok.

Nasa caption ni Ion na pinasasalamatan niya ang nagkulay ng kanyang buhok.

Pero marami ang nakapansin sa posisyon ng pagkaupo niya na kung titingnan daw mabuti, hindi siya upong-tunay na lalaki.

At this writing, mahigit 2,600 comments na sa post na iyon ni Ion. Ang iba ay pinuna na tila may pagkabading ang boyfriend ni Vice Ganda.

Ilan sa mga komento ang sinagot ni Ion, na mukhang napipikon kapag sinasabing nababading na ito.

Sabi ng isang netizen, "Soon to be Bibi Gandang Hari…hehe…"

Buwelta ni Ion, "kamuka mo aso mo!! Wag naman sana pati ugali sayang ang aso!"

May pasaring din ang commenter na, "Lutooo naaa ang adobo… wait! Konting paminta pa nga…"

Sagot ni Ion, "aba nakapag luto kanang adobo?? Ubos naba ang basura sa brgy nyo?? Hahaha."

Continue reading below ↓

Komento ulit ng isang netizen, "Sabi kona barbie e."

Talak ni Ion, "isa patong mukang tarapal ng motor Pero wag na ikaw alala ikaw may paki nabang kasi lagi ulan ngayon ok???"

Sabi pa niya, "upong Koreano" ang pagkakaupo niya, bading na agad ang tingin sa kanya?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Marami ang nagtanggol kay Kuya Escort ng It’s Showtime.

Pero talagang hindi pinapalagpas ni Ion ang ilang maaanghang na komento at sinasagot niya ang mga ito.

Bakit naiirita siyang mapagbintangang bading, e, alam naman ng lahat na bading ang karelasyon niyang si Vice Ganda?

Inaasahan ko sa kanya na hindi niya ikagalit kung bading ang tingin sa kanya.

Puwede niyang ikorek ang mga komentong iyon, pero hindi kailangang mapikon, dahil isang magandang bading ang minahal niya.

Nakaka-offend ba ang pagiging bading?

JERRY OLEA

Gay Pride Month ngayong Hunyo.

Tapos, nasaling ang pride ni Kuya Escort sa mga tudyo na pamintwilight ang kanyang "upong Koreano."

Continue reading below ↓

Upo na may bahid, patola sa paminta?! Okra ang okray!

Binuhay ni BB Gandanghari ang lumang isyu nila ni Vice Ganda.

Sa pagtataray ni Ion, tila justified ang hanash ni BB. Bonggacious kumuda si Vice ng “Vaklang twoooo!”

Umalingawngaw ito sa mga badiday, chichay pechay, at umiinday-inday, lalo na sa katapusan ng Hunyo na International Asteroid Day. Ahaaayy!!!

NOEL FERRER

Bilang huling araw ngayon ng Pride Month, mas ipagbunyi sana ni Ion ang reference sa kanya ng mga tao.

Mahirap talagang mapako sa conventions ng lipunan.

Hindi ko alam kung bakit nagsintir agad si Ion sa comments, at talagang pinatulan niya ito at very telling ang kanyang references sa aso at basura.

Uulitin ko iyung bukambibig ko: Why so much hate at init ng ulo? Ito ba talaga ang kalakaran ng lipunan natin ngayon?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Ion Perez (kaliwa), na kilalang karelasyon ni Vice Ganda (kanan), umalma nang tawagin siyang "bakla" at "paminta."
PHOTO/S: CTTO / @praybeytbenjamin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results