Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

All-Out Sundays at ibang Kapuso shows, magbabalik-taping na

by PEP Troika
Jun 30, 2020
Balik-rehearsal na ang mainstays ng Kapuso musical variety show na All-Out Sundays. Kabilang dito sina Alden Richards, Glaiza de Castro, Ken Chan, Rayver Cruz, Christian Bautista, at Kyline Alcantara.
PHOTO/S: @alloutsundays7 Instagram

GORGY RULA

Magsisimula nang mag-rehearse ngayong linggo ang grupo ng All-Out Sundays, dahil nakatakda na raw ang pagbabalik nila sa July 12.

Hindi ko lang alam kung paano nila gagawin ang live sa studio at meron ding magsu-Zoom.

Pero maingat talaga ang GMA-7 sa mga programang ibabalik na sa ere dahil tumataas pa rin ang kaso ng COVID-19.

Ang latest na nabalitaan ng PEP Troika, by batch ang pagbabalik ng mga drama shows.

Baka simulan daw muna nila sa Magpakailanman, na merong bagong kuwento, merong replay.

So far, wala pa tayong nasagap kung alin sa mga drama series ang unang magsisimula.

Magsisimula na rin daw ang Mars nina Camille Prats at Iya Villania, pero hindi pa lang sigurado kung kailan sila magsisimula.

Pinaghahandaan pa lang nila, kaya nagmi-meeting na raw ngayon ang production staff.

Samantala, ang isa pa sa nabalitaan ng PEP Troika, hindi na raw ibabalik ang bagong programang Ilaban Natin ‘Yan ni Vicky Morales, na kung hindi ako nagkakamali ay hindi pa yata umabot sa sampung episodes.

Continue reading below ↓

Ang dinig namin, ibabalik ang Wish Ko Lang na nababagay ngayong pandemya.

Ang isa pang nagtatanong ay kung matutuloy pa raw ba ang Centerstage ni Alden Richards?

Wala pa kaming balita sa programa ni Alden, dahil bukod sa mga bata ang kasali, mahirap ang mechanics ng singing competition na ito, kung saan involved ang audience sa pagpili ng mananalo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kaya mukhang mas may pag-asa ang The Clash na nagpasimula na sila ng online audition. Posible kayang itong The Clash na ang ipapalit sa Centerstage?

NOEL FERRER

Baka ang matuloy ay ang The Clash dahil bukod sa nag-o-online auditions na ay mukhang mananatili muna dito sa Pinas ang kaibigan nating si Lani Misalucha.

Matatandaan natin na naabutan ng lockdown ang Asia’s Nightingale pagkatapos ng post-Valentine concert nila nina Basil Valdez at Maestro Ryan Cayabyab.

Mukhang babalik na lang sila ng asawa niyang si Papa Noli after ng bagong season ng The Clash.

Continue reading below ↓

Mukhang dapat magbagong episodes na ng All-Out Sundays dahil ang ASAP Natin ‘To ay nasa second wave na ng kanilang taping this weekend.

With everyone observing the proper protocols, these entertainment shows ought to inspire people na napako na sa mga bahay nila for more than three months now.

Dahil live at active ang franchise ng GMA-7, there should be no reason para hindi sila mag-operate as a market leader.

Let us see how they shall lead the free-to-air broadcast at ano ang bagong output na ilalabas nila.

JERRY OLEA

Ang daming kuwentong-quarantine na kaabang-abang sa Magpakailanman.

Lubhang makabuluhan ang Wish Ko Lang sa panahon na sandamukal na kababayan natin ang nagdarahop at nangangailangan.

Kagaya ng Magpakailanman, laksa-laksang istorya na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang maaaring itampok dito.

Inaabangan ng magkukumare ang Mars nina Camille Prats at Iya Villania, lalo pa’t sikat ngayon ang paandar ni Aling Nena (Rico Bautista ng GMA, Cavite)... “Walang ganun, mars!”

Continue reading below ↓

Higit sa ano pa man, kailangang isaalang-alang ang kaligtasan ng Kapuso artists and staff.

Kaya okey na mag-Zoom-Zoom na muna ang ibang taga-All Out Sundays. Basta ba, may makabago silang equipment na maganda ang ilaw at tunog.

Sa pagdiriwang ng GMA Network ng ika-70 anibersaryo, inaasahan nating raratsada ang GMA Affordabox, at magiging mas mataas ang kalidad ng kanilang mga programa.

Makabuo sana sila ng iba pang mga palabas na sumasalamin sa mga kaganapan ngayon.

Kung nagawa ng The IdeaFirst at Black Sheep ang BL series sa panahon ng COVID-19, nawa’y maging hamon ito sa Kapuso writers and think tanks upang lumikha ng mga drama o comedy show, na incorporated ang social distancing.

Paganahin ang creativity, kung kinakailangan ang mga tauhan ay naka-face mask o face shield, o kung anumang paandar na hanash at harutan na panay virtual scenes.

Mabibili na ang GMA Affordabox online at sa mga lugar kung saan available na ang digital signal ng GMA—Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bohol, Cebu, Leyte, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao del Norte.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Balik-rehearsal na ang mainstays ng Kapuso musical variety show na All-Out Sundays. Kabilang dito sina Alden Richards, Glaiza de Castro, Ken Chan, Rayver Cruz, Christian Bautista, at Kyline Alcantara.
PHOTO/S: @alloutsundays7 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results