Jane de Leon, tuloy ang paglipad bilang bagong Darna

by PEP Troika
Jul 2, 2020
Mula noong 2014 ay pinag-uusapan na ang muling pagsasapelikula ng Darna. Nagpasa-pasa na rin ang "bato ni Darna" mula kina Angel Locsin (kaliwa), Liza Soberano (gitna), hanggang sa mapunta ito sa baguhang si Jane de Leon (kanan).
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Lilipad pa bang muli si Darna sa pelikula?

Hunyo 2014 nang ibalita ng Star Cinema na isasapelikula nila ang Darna, na pagbibidahan ni Angel Locsin, with Erik Matti as director.

Hulyo 4, 2014 in-upload ng Star Cinema sa YouTube ang storycon kung saan sinabi ni Angel na nasa kanya muli ang bato ni Darna.

Oktober 2015, nag-back out si Angel sa project dahil sa kanyang spine injury.

Mayo 2017, ipinasa kay Liza Soberano ang mahiwagang bato.

Kapagkuwan ay nag-back out si Erik Matti bilang direktor, ganoon din si Liza dahil sa injury sa daliri.

Oktubre 2018, pumalit si Jerrold Tarog kay Erik Matti bilang direktor.

Hulyo 2019, inihayag na si Jane de Leon ang bagong Darna.

Bago pa lumaganap ang COVID-19 pandemic, ilang beses ipinagbunyi si Angel bilang Darna sa tunay na buhay dahil sa pagtulong niya sa mga nangangailangan.

Maging si Liza ay may relief operations, at nakipagsanib-puwersa pa kina Angel, Anne Curtis, at Dimples Romana sa online subasta.

Continue reading below ↓

Sapaw na sapaw ang baguhang si Jane.

Sa pagsasara ng ABS-CBN, TV Plus at SKYdirect, itutuloy pa ba ng Star Cinema ang pagsasapelikula ng Darna, o tuluyan na itong mauudlot?

GORGY RULA

Sa totoo lang, bukod kay Jane de Leon, may ilan pang Kapamilya stars na maganda na sana ang pag-alagwa ng career.

Kaso, dahil sa COVID-19, naudlot at wala pang sagot kung matutuloy ang kanilang launching project.

Matitikman pa ba ng televiewers ang tamis ng pag-ibig ni Ivana Alawi sa teleseryeng Ang Lihim ni Ligaya?

Mapupusuan pa ba natin ang Heart to Heart nina Maymay Entrata at Edward Barber?

Ang latest na nasagap namin, pursigido pa rin ang Star Cinema na ituloy ang Darna.

So far, wala rin silang sagot sa After Forever movie ng KathNiel, pero itong Darna ni Jane ay itutuloy raw talaga.

Kung kailan sila magre-resume ng shooting, iyan ang ating aabangan.

Kahit may ipinapatupad na guidelines at safety protocols, kakayanin iyan ng Star Cinema kung gustuhin talaga nito.

Continue reading below ↓

Teka... Dapat pa bang idaan iyan sa FDCP? May ganoon na bang patakaran, Sir Noel?

NOEL FERRER

Hanggang ngayon ay iba’t iba ang nasasagap nating mga patakaran at kung sino ang susundin.

May Film Workers Unite na forum every night, starting July 1, Wednesday, with the members of the Inter Guild Alliance.

July 2, Thursday, tampok ang mga direktor na sina Laurice Guillen, Carlitos Siguion-Reyna, at Joey Reyes.

At sa pangatlong gabi, magandang mapag-usapan ang courses of action.

Sa FB Page iyan ng grupong Film Workers Unite.

Tungkol sa Darna, kinausap na individually ang members ng team at mag-a-adjust ang lahat sa general na galaw ng industriya.

I’m not at liberty para i-divulge ang napag-usapan, pero alam nating delayed na ito sa naunang timetable.

Rest assured, tuloy ang project.

Kung kailan, ang sagot diyan ay kasintaimtim ng panalangin kung kailan magkakaroon ng COVID vaccine.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula noong 2014 ay pinag-uusapan na ang muling pagsasapelikula ng Darna. Nagpasa-pasa na rin ang "bato ni Darna" mula kina Angel Locsin (kaliwa), Liza Soberano (gitna), hanggang sa mapunta ito sa baguhang si Jane de Leon (kanan).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results