TV5, di tuloy ang rebranding; GMA-7, puwede nang manghiram ng Kapamilya stars?

by PEP Troika
Jul 4, 2020

JERRY OLEA

Kung may nagsasarang pinto, may nagbubukas na bintana.

Kung may bituing nalalaos, may bagong artistang sumusulpot.

Tuloy ang ikot at ikit ng mundo.

Nasa bingit ang prangkisa ng ABS-CBN, nagbabadyang bumongga ang TV5.

May mga nagpakalat na kesyo gagawa ng teleserye sa TV5 ang Kapamilya A-listers na sina Bea Alonzo, Piolo Pascual, at Jericho Rosales.

Fake news po ito.


Continue reading below ↓

Noon pa sinabi ni Piolo na huling teleserye na niya ang Since I Found You (2018) katambal si Arci Muñoz.

Sa finale presscon ng Halik noong Abril 2019, inihayag naman ni Jericho na ito na ang huli niyang teleserye.

Bali-balita na magre-rebranding ang TV5 simula Hulyo 20, at gagawing One TV ang pangalan nito.

Kuwento ng source ng PEP Troika nitong Hulyo 3, Biyernes ng gabi, “Originally, April 13 ang launch ng One TV.

"Dahil sa ECQ, ipinagpaliban ang launch at ginawang July 20.

“Ang latest, hindi na magpapalit ng pangalan ang TV5. Hindi na gagamitin ang One TV.

“Napagpasyahan ng kinauukulan na confusing kung One TV, tapos nasa Channel 5.”


Continue reading below ↓

Dagdag ng source namin, blocktimers ang karamihan sa entertainment shows ng TV5.

Kabilang ba riyan ang weekly talk show ni Kris Aquino?

Noon pa rin natin naibalita na ang BL series na My Extra Ordinary na tinatampukan ng mga baguhang sina Darwin Yu at Enzo Santiago, ay sa One TV, este, TV5 ipapalabas this month.

Noong Hunyo 4 pa namin naulinigan na nakikipag-negotiate ang ABS-CBN sa Cignal TV para maipalabas ang Kapamilya shows.

“We are still in discussions with ABS CBN, we will keep you posted. Stay tuned on our website or social media accounts for updates,” tweet ng Cignal TV isang linggo na ang lumipas.

Ang TV5 at Cignal TV ay parehong pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

NOEL FERRER

Sa puntong ito, umaasa pa rin akong mare-renew ang ABS-CBN franchise, at bibigyan sila ng pagkakataong itama ang mga sistemang kailangang baguhin—na dapat lamang mangyari sa buong industriya rin ng telelebisyon.

Continue reading below ↓

Hindi ko lubos maisip na maaatim ng pamahalaang mawalan ng trabaho ang maraming nagtatrabaho sa network, lalo ngayong panahon ng pandemya, gayong nahihirapan na silang magbigay ng ayuda.

Tungkol sa TV5, hangad ko ang higit nilang pagtatagumpay—dahil it will create new jobs.

Lagi ko namang sinasabi, na sa pagtatagumpay ng mga bagong produksiyon, ang panalo riyan ay ang audience na siyang makakapamili ng gusto at maganda niyang panoorin.

Offhand, alam natin ang pagbabalik ng Talentadong Pinoy, ang talent show na naging hudyat ng pagbabago ng TV landscape.

Dahil dito, gumawa rin ng primetime talent shows ang ibang network, at ang iba’y bumili pa ng mga talent show franchises.

Isa pang nabalitaang ko na magkakaroon ng show sa Channel 5 ay si Jessy Mendiola sa isang fitness program.

Ok ‘yan kung magkataon.

GORGY RULA

Ayon sa mga napagtanungan kong taga-ABS-CBN, hindi raw haharangin ang guesting ng Kapamilya stars sa ibang istasyon, lalo na siguro sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Basta magpaalam lang daw, at titingnan muna kung anong programa at depende sa kung ano ang gagawin.

Kagaya ng guesting ni Pokwang sa Eat Bulaga, nagpaalam pa rin daw ang komedyana kahit tapos na ang kontrata niya sa Star Magic at wala na rin siyang kontrata sa ABS-CBN.


Continue reading below ↓

Kaya kung interesado halimbawa ang GMA-7 na humiram ng ilang artista ng Kapamilya network, ipaalam lang nang maayos.

Pero sa tingin ninyo, kukuha pa ba ang GMA-7 sa stars ng ABS-CBN?

Magsisimula pa lang ang GMA-7 sa pagbabalik ng ilang programa nila, at kailangan nilang mag-focus sa kanilang mga artista.

Nakikita namang binibigyan ng chance ng Kapuso network mag-shine ang ilang artista nila sa online shows na kanilang sinimulan.

Kaya hindi na siguro nila kailangang manghiram ng artista ng iba.

Pagdating sa franchise ng ABS-CBN, crucial itong mga susunod na araw dahil dito na magbobotohan ang mga nasa House committee on legislative franchises.

Kung ano man ang pagdesisyunan nila ay idadaan ito sa plenary para mapagbotohan ng lahat.

Sana, positibo ang resulta nito sa Kongreso, dahil tingin ko riyan ay hindi sila mahihirapan sa Senado.

Itodo na lang ang panalangin na hindi na rin matatagalan at mahihirapan pagdating kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

Ang iba raw ABS-CBN bosses, desperado na at inaasahan na nilang hindi sila mabibigyan ng prangkisa.

Pero marami na akong naririnig na mga komento ng ilang sumusubaybay sa kuwentong ito.

Napatango ako sa sinabi ng ilan na tiyak na sasakyan ng ilang pulitiko itong franchise issue ng ABS-CBN—kahit nakikita nating marami na ang nakikisakay.

Sabi ng ibang naririnig ko, next year ay poporma na ang mga pulitiko kung ano ang plano nila sa 2022 elections.

Kaya malamang na gamitin nila ang isyu ng ABS-CBN para makuha ang approval ng mga botante.

Posibleng ibigay nila ang prangkisa ng Kapamilya network para masaya ang mas nakararami, kahit mainis ang iilang natutuwa sa shutdown ng ABS-CBN.

Tingnan na lang natin.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results