Pabango ni Erich Gonzales, mas mabenta kumpara sa kina John Lloyd Cruz at Vice Ganda

by PEP Troika
Jul 4, 2020
Aminado ang negosyante si Joel Cruz (kaliwa) na mahina ang mga produktong ibinebenta nila ngayon. Sa mga pabango nila, ang ini-endorse daw ng Kapamilya actress na si Erich Gonales (kanan) ang pinakamalakas.
PHOTO/S: Ocs Alvarez / Instagram

GORGY RULA

“Suportahan sana natin ang mga gawang Pinoy.”

Iyan ang pakiusap ng tinaguriang "Lord of Scents" na si Joel Cruz.

Aminado ang negosyante na talagang mahina ang mga produktong ibinebenta nila ngayon, kagaya ng mga scents ng kanyang Aficionado Germany Perfume.

Pero kahit paano, hindi raw bagsak na bagsak ang sales ng mga produkto niya.

Mula raw nang muling nagbukas ang mga tindahan niya sa malls, okay pa rin daw ang benta at hindi luging-lugi.

Malaking bagay raw ang endorsement ng mga Kapamilya talents kaya siguro may mga bumibili pa rin ng kanyang mga pabango.

So far, sa endorsers niya, ang pabangong ini-endorse ni Erich Gonzales daw ang pinakamalakas, kahit hindi na ito kagaya noong bago mag-pandemic.

“I have to admit, itong mga products nila, hindi gaanong nakabenta, e.

“Pero Erich Gonzales is very effective. Kahit si John Lloyd Cruz, okay pa rin naman.

“Bumebenta pa rin naman yung kay Vice [Ganda].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko lang talaga ma-compare dun sa bago mag-pandemic. Pero kahit papa'no, bumebenta pa rin talaga.

“Lahat naman talaga ngayon, apektado, e,” pahayag ni Joel nang nakapanayam namin sa DZRH noong Miyerkules, July 1.

Naiintindihan daw niyang hindi pabango ang pinakaimportante sa ngayon kaya naglabas siya ng gawa nilang alcohol, hand sanitizer, at liquid soap na mura lang ang halaga.

Awa ng Diyos, maganda ang sales kaya nag-donate daw siya ng mga essential products na ito para sa frontliners sa iba’t ibang lungsod.

Pero ang pakiusap ni Joel, ngayong mahirap talaga ang buhay, sana ay magtipid tayo.

Malaking bagay rin daw na mga produktong gawa sa atin ang tangkilikin para tuluy-tuloy ang trabaho ng ating mga manggagawa.

“Unang-una talaga, kailangan ang pagdarasal. Kailangan pa rin talaga ang pagtitipid.

“Dapat, very practical tayo, maging matalino sa mga bibilhin natin. Kung ano lang talaga ang kailangan bilhin, yun lang talaga.

“Saka sana, suportahan talaga ang mga gawang Pilipino. Bago natin tangkilikin ang mga imported na products, sana, ito munang sa atin. Maganda naman ang produkto ng Pilipino, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Para mabigyan naman natin ng employment ang kapwa nating Pilipino,” pahayag ni Joel.

NOEL FERRER

BUYanihan.

Suportado natin ang ating mga kasamahan sa industriya na naglalako ng sarili nilang produkto.

Si Pokwang at ang kanyang laing, suka, chili garlic sauce, at marami pang iba.

Si Direk Cris Aquino at ang kanyang Biko ni Cris.

Si Jay Gonzaga, merong Nanay Nene Special Biko.

Kasama na rin diyan ang Kerot at Black and White plus Banana Loaf ni Marvin Agustin, at Special Menudo ni Sef Cadayona.

Sabi ng ng isang slogan: Tayo muna. Atin muna. Pilipino muna. Buy local. Support our MSMEs.

I’m sure, marami pa niyan sa ating industriya na nagsimula ng business bilang pantawid ngayong tayo ay may krisis.

JERRY OLEA

Sa aking obserbasyon ngayong panahon ng pandemya at community quarantine, matumal ang benta ng mga damit, bag, sapatos, accessories, pabango, at kung anu-ano pa na hindi kailangan sa pang-araw-araw na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Boom na boom ang mga pagkain, na panay-panay ang online promo.

Ang mga grocery, pila-pila ang namimili.

Siyempre, mabenta pa rin ang alcohol at mga disinfectant. Ang mga face mask at face shield, iba-iba ang disenyo.

Ang toilet paper, nagkakaubusan minsan.

Pasasaan ba’t mananaig ang Law of Supply and Demand sa mga produktong ito.

Pakiwari ko rin ay ratsada sa virtual mercado ang karneng hilaw.

Nagpapasasa ang mga marupork at marupokpok kahit sarado ang mga bar, club, at spakol.

Curious tuloy ako kung mabenta ba ang condom.

Kani-kanyang diskarte tayo upang magkalaman ang bulsa at tiyan.

Hindi pwedeng tumunganga lamang at umasa sa ayuda na ewan kung mahahagilap mo pa. Dapat lang na magtipid tayo.

Andiyan pa rin ang banta ng COVID-19.

Lampas na sa 40K-mark ang mga kaso sa ating bansa.

Tantiya ng mga eksperto, aabot iyan ng 60K sooner or later.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aminado ang negosyante si Joel Cruz (kaliwa) na mahina ang mga produktong ibinebenta nila ngayon. Sa mga pabango nila, ang ini-endorse daw ng Kapamilya actress na si Erich Gonales (kanan) ang pinakamalakas.
PHOTO/S: Ocs Alvarez / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results