Pagbisita ni Coco Martin kay Senator Lapid, may kinalaman sa pananahimik ng Ang Probinsyano star?

by PEP Troika
Jul 5, 2020
Limang araw pagkatapos mag-deactivate ng Instagram account niya si Coco Martin (kanan), bumisita ang Ang Probinsyano star sa tanggapan ni Senator Lito Lapid (kaliwa). Mula noon ay naging tahimik na si Coco tungkol sa kinahaharap na isyu ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: Henzberg Austria/Senate PRIB

JERRY OLEA

Mayo 22, 2019, Miyerkules, ipinahiwatig ni Jimmy Bondoc sa Facebook ang napipintong pagpanaw ng isang higanteng network, na aniya’y lungga ng mga ahas.

Pebrero 14, 2020, Biyernes, Valentine’s Day, nag-prayer rally ang mga Kapamilya sa labas ng ABS-CBN Compound.

Itinakda ang lingguhang pagtitipon tuwing Biyernes.

Marso 12, Huwebes, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-uumpisa ang community quarantine sa NCR sa Marso 15, Linggo, dahil sa COVID-19 pandemic.

Bawal na ang mga mass gathering.

Mayo 5, Martes, tumigil ang pag-ere ng Kapamilya Network sa free TV.

Mayo 8, Biyernes, nagkaroon ng #LabanKapamilya forum sa Facebook page ni Kim Chiu, with Boy Abunda and Bianca Gonzalez-Intal as moderators.

Nagsalita at naninidigan si Coco Martin sa diumano’y pambabarubal at panggagago ng gobyerno sa kanila.

Partikular na tinuligsa ng tinaguriang Primetime King at Hari ng Telebisyon si SolGen Jose Calida.

Sa forum na ito lumabas ang “Law ng Classroom” ni Kim.

Continue reading below ↓

Mayo 12, Martes, nagkaroon ng isa pang forum ang #LabanKapamilya, sa Facebook page ni Angel Locsin.

Sina Kuya Boy at Bianca pa rin ang moderators.

Madamdamin ang pagpapahayag ng saloobin nina Angelica Panganiban at Jaime Fabregas.

Hunyo 1, Lunes, nagsalita si SolGen Calida sa Congressional hearing kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Aniya, kung hindi siya Solicitor General ay ipinalamon sana niya kay Coco ang pinagsasabi nito laban sa kanya at sa National Telecommunications Commission (NTC).

Hunyo 4, Huwebes, deactivated ang Instagram account ni Coco, kung saan mahigit 3.5M ang kanyang tagasubaybay.

Hunyo 9, Martes, bumisita si Coco kay Senador Lito Lapid sa opisina nito sa Senado.

Hunyo 13, Sabado, nag-umpisa ang Kapamilya Channel sa iba’t ibang platform.

Fiestang-fiesta ang pagbabalik ng noontime show na It’s Showtime.

Happy days are here again?!

Nagsimulang ipalabas muli ang Kapamilya programs sa Jeepney TV at Cinemo na nasa ABS-CBN TV-Plus (mahiwagang black box), SKYdirect, iWant TV, at kung saan-saan pa.

Continue reading below ↓

Hunyo 15, Lunes, nag-umpisa ang 10-day recap ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco.

Hunyo 30, Martes, tigil-operation ang ABS-CBN TV Plus sa Metro Manila (at sumunod kapagkuwan ang mga probinsya) at ang SKYdirect habang palabas ang ikalawang bagong episode ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Hulyo 5, Linggo, ikalawang monthsary ng ABS-CBN Shutdown.

Wala pang nagpapasimuno ng bagong #LabanKapamilya forum.

Panay-panay ang online prayers ng Kapamilya artists na sana’y ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Merong naninikluhod. Nagmamakaawa.

Tahimik lang si Coco.

NOEL FERRER

Hayag ang posisyon ko ng pagsuporta sa pagbibigay ng bagong franchise sa ABS-CBN.

Kailangan ng mas marami pang media establishments upang maghayag ng katotohanan at magbigay impormasyon, aliw, at edukasyon sa mga tao, lalo na sa panahon ng pandemya.

Kung napapansin ninyo, naiiba na ang tono ng posts.

From “Wala kaming nilabag na batas” to “Hindi kaming perpektong organisasyon,” to “Give us a chance to better ourselves and correct our mistakes.”

Continue reading below ↓

Maganda ang sinabi ng Concert King Martin Nievera, na nagdiriwang ng 38th anniversary sa music industry:

“Please give us the chance to be better, to correct our mistakes. Let us work together in harmony... and make this a better Philippines by keeping us on air.”

Ano sa tingin ninyo, papasa ba sa kasalukuyang Kongreso ang bagong franchise ng ABS-CBN? We want to hear from you, too!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Hindi ko lubos-maisip sakaling hindi bigyan ng franchise ang ABS-CBN at tuluyan na itong isara.

Ang dami nang nawalan ng trabaho, kaya dagdag na itong sinasabing 11,000 workers ng network na maghahanap ng panibagong trabaho.

Pero kahit isang tao lang ang nawalan ng trabaho, isipin din sana na may pamilyang umaasa sa taong ito.

Kaya malaking dagok ito sa lipunan natin kapag hindi binigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Kahit paano, mapagaan sana ang bigat na dinadala natin sa pandemyang ito kung may entertainment tayong napapanood sa TV.

Ito ang sinasabi nilang cheapest entertainment.

At maganda ring marami tayong pinagpipiliang pinapanood sa TV.

Sana, makalusot ang franchise renewal ng ABS-CBN para, kahit paano, may magandang balita naman sa gitna ng pandemyang ito.

Kung makabalik sila, malaking leksyon ito sa pinakamalaking TV network, at sana ay matuto na ang ilang Kapamilya na umabuso sa kanilang kapangyarihan.

Magkakaroon kaya ng reshuffling para maayos at hindi na maulit ang mga di magagandang kuwentong nababalitaan natin?

Continue reading below ↓

Ang dalangin ng karamihan na, sana, makapasa ito sa committee para diretso sa botohan ng plenary.

Pagkatapos nito, sa Senado, at ang huling pirma ay mula sa ating Pangulong Rodrigo Duterte.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Limang araw pagkatapos mag-deactivate ng Instagram account niya si Coco Martin (kanan), bumisita ang Ang Probinsyano star sa tanggapan ni Senator Lito Lapid (kaliwa). Mula noon ay naging tahimik na si Coco tungkol sa kinahaharap na isyu ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Courtesy: Henzberg Austria/Senate PRIB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results