Hunk starletik, nagpaliwanag tungkol sa pool party kasama si bortalicious commercial model

by PEP Troika
Jul 6, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Nabasa ni hunk starletik ang kuwento ng PEP Troika na naki-party siya kasama ang bortalicious commercial model.

Ipinaliwanag ni hunk starletik na hindi niya kilala si bortalicious commercial model, na na-link before sa isang dakilang aktor.

Isinama lang daw siya ng dalawang kaibigang babae sa party, na buong akala raw niya ay sila-sila lang.

Aware daw siya na pool party iyon, kaya naki-swimming na rin siya.

Pero ilang sandali lang, padami na raw nang padami sila.

Hindi na raw siya kumportable dahil hindi niya kilala ang karamihan, lalo na si bortalicious commercial model.

Halos lahat ng nandun ay nagpa-picture daw sa kanya, pati si bortalicious commercial model.

Humihiwalay na raw siya dahil nahihiya siyang makipagtsikahan sa mga naki-party na hindi niya kilala, pero tinatawag daw siyang sumali sa mga selfies.

Wala raw siyang ideya kung ano pa ang nangyari sa party dahil siya raw ang unang umahon sa swimming pool, nagbanlaw, nagpalit ng damit, at umuwi.

Continue reading below ↓

Kaya kung mapapansin daw sa mga kuha nila, may araw pa noon, dahil hindi na siya nagpaabot ng gabi.

Siya raw ang pinakaunang umalis sa pool party.

Pero pinagsabihan na rin si hunk starletik na mag-ingat, lalo na ngayong nasa GCQ pa rin tayo at hindi pa rin puwede ang mga ganoong party-party.

NOEL FERRER

Naging issue yung naganap na pool party dahil sa mga health protocols, tama naman yun.

E, yung pagiging close sa bortalicious commercial model o kung sino pa mang beki o babae tulad ng ginawa niya noon, issue pa ba yun o hadlang sa pagpapasikat ngayon?

Hindi ba’t ang dapat pagtutuunan ng pansin ng hunk starletik na ito ay ang makilala bilang mahusay na aktor, at hindi Mr. Congeniality lang, tulad ng dati niyang sinasalihang mga kumpetisyon?

Kung hindi siya mag-level up, mananatili siyang starletik.

JERRY OLEA

May aral na natutunan ang hunk starletik sa nasabing party-party.

Continue reading below ↓

Huwag na niya iyong ulitin kung pinapahalagahan niya ang kanyang career at kinabukasan.

Inaasam nating mahinog ang kanyang pagiging artista, at dumating ang panahong lubusang magningning ang kanyang bituin.

Ang sabi nga ng British Orthodox rabbi, philosopher, theologian, author, at politician na si Jonathan Sacks: “God's forgiveness allows us to be honest with ourselves. We recognize our imperfections, admit our failures, and plead to God for clemency.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results