Kapuso stars, may online fundraising concert para sa baby ni Super Tekla

by PEP Troika
Jul 7, 2020
Magsasama-sama ang ilang Kapuso artists para sa isang online fundraising concert ngayong Martes ng gabi, July 7. Ang malilikom na halaga ay gagamitin para sa pagpapaospital at pagpapaoera ng bagong silang na anak ni Super Tekla.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network

GORGY RULA

Mamayang alas-otso ng gabi, Juy 7, na ang fundraising online concert ng mga Kapuso stars para sa hospitalization ng anak ni Super Tekla na si Baby Angelo.

Pinamagatan itong One Heart for Baby Angelo.

Magpi-perform sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Ken Chan, Rita Daniela, Kyline Alcantara, Kristoffer Martin, Edgar Allan Guzman, Betong Sumaya, at Myrtle Sarrosa.

Maikikiisa rin ang mga taga-Starstruck na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales; mga stand-up comedians na sina Boobsie at Kim Idol; at mga singers na sina Golden Cañedo, Garret Bolden, Anthony Rosaldo, Hannah Precillas, at Jennifer Marvilla.

Sina Boobay at Glaiza de Castro ang maghu-host ng buong show.

Mapapanood ito sa YouTube at Facebook account ng GMA Network, GMA Artist Center, at YouLOL.

Hindi pa kayang mag-perform ni Super Tekla dahil sa pinagdadaanan ng kanyang anak.

Hindi lang idinetalye sa akin, pero ooperahan daw dapat ngayong araw si Baby Angelo. Pero hindi raw itinuloy dahil sa nagkalagnat ang baby, kaya inoobserbahan pa muna nila ang anak ni Super Tekla.

Continue reading below ↓

Paulit-ulit nagpapasalamat si Super Tekla sa mga nagbigay na ng tulong kagaya nina Willie Revillame, Senator Bong Revilla, Senator Bong Go, lalo na ang mga executives ng Entertainment group ng GMA-7 na nag-ambag ambag para malaki-laki ang maibigay sa kanya.

May mga ilan ding programang kinukuha siyang mag-guest, pero hindi pa raw niya kayang magpatawa sa ngayon.

Sabi ni Super Tekla, kapag natapos na ito at nalagpasan ng kanyang anak ang pinagdaanan, saka siya babalik sa trabaho para magpatawa. Kailangan na raw talaga niyang kumita.

Sabi nga ni Willie Revillame sa kanya, “Welcome back sa Wowowin."

Pero hindi pa masabi ni Super Tekla kung kailan siya magsisimula dahil sa ngayon ay nakatutok muna siya sa kanyang anak.

Sa mga gustong magbigay ng donasyon para kay Baby Angelo ni Super Tekla, puwedeng magdeposito sa BDO:

Account name: Romeo C. Librada

Account number: 007920062986 na ang bank swift code ay BNORPHMM

O kaya ay sa G Cash ni Romeo C. Librada, number 09771355040.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Iba rin talaga kapag dumating ang mga pagsubok, sabay-sabay kung minsan.

Habang may ganitong sinapit ang anak ni Super Tekla ay nasabay sa pandemya na tigil lahat sa trabaho kasabay ng pagsasara ng mga comedy bars kung saan mabili ang talent ni Super Tekla.

Pero tulad ng lagi nating paniniwala, malalagpasan din natin ito.

At tunay na maganda ang ginagawang bayanihan ng Kapuso stars para kay Super Tekla.

JERRY OLEA

May dahilan ang lahat.

Sa panahon ng pagsubok, natanto ni Super Tekla kung sinu-sino ang tutulong at dadamay sa kanya, ang lubos na nagmamalasakit.

May mga aral na dapat matutunan sa ganitong pagsubok.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsasama-sama ang ilang Kapuso artists para sa isang online fundraising concert ngayong Martes ng gabi, July 7. Ang malilikom na halaga ay gagamitin para sa pagpapaospital at pagpapaoera ng bagong silang na anak ni Super Tekla.
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results