Kontrabida icons Gladys Reyes at Cherie Gil, pasiklaban sa inilunsad nilang acting workshops

by PEP Troika
Jul 8, 2020
Gladys Reyes (kaliwa) at Cherie Gil, bibigyan ng chance to shine ang aspiring actors sa pamamagitan ng kani-kanilang online acting workshops.
PHOTO/S: @iamgladysreyes / @macherieamour Instagram

GORGY RULA

Nagsimula na ang Online Acting Workshop ni Gladys Reyes noong Lunes, July 6.

Hanggang July 19 daw itong unang class niya, na hinati niya sa tatlong batch.

Natutuwa siyang ikinuwento sa amin na marami ang nagpa-enroll sa kanyang Online Acting Workshop.

Ayaw niyang pagsabayin lahat kaya hinati niya sa tatlong batch. Tig-sampung participants ang bawat batch para matutukan niya nang husto.

Continue reading below ↓

Pero natawa siya nang malakas nang tinanong ko kung ano ang masasabi niya sa pa-acting workshop din ni Cherie Gil.

“Mga kontrabida talaga ang nagpapa-acting workshop, Kuya. Ang bongga, di ba?” natatawang pahayag ni Gladys.

Lalo siyang natawa nang sinabi ko sa kanya na, at least, hindi siya puwedeng sabihan ni Cherie ng “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat!”

Continue reading below ↓

Si Gladys kasi ang naunang nag-announce ng acting workshop.

Sabi naman ni Gladys, magandang marami pa rin ang interesadong mag-artista at gustong matuto sa kanila ni Cherie.

Ang ikinagulat lang ni Gladys, bukod sa mga gusto pang matutong umarte at gustong subukan ang pag-aartista, marami rin daw mga nanay ang nag-inquire sa kanya kung puwedeng magpa-acting workshop din siya para sa mga bata.

Pinag-iisipan ni Gladys kung gagawin niya ito sa mga bagets, dahil itong mga tinuturuan niya ngayon ay nagsisimula sa edad 13 pataas.

Tingnan daw niya muna kung ano ang resulta nitong sinimulan niyang Online Acting Workshop.

Ipi-feature niya sa kanyang programang Moments sa Net 25 ang workshoppers na magmo-"moments ko ‘to."

JERRY OLEA

OA Workshop! As in, Online Acting Workshop.

Pasiklab mismo iyan ni Gladys sa Facebook post, na naka-hashtag pa ang paalala, “Aktingan lang, walang personalan.”

Patuloy siyang tumatanggap ng applicants para sa mga susunod na batch.

Continue reading below ↓

Siyempre pa, tinututukan din ni Gladys ang food business nila ng asawang chef na si Christopher Roxas.

Wish ko lang na huwag kaligtaan ni Gladys ang kanyang pa-dance exercise.

NOEL FERRER

Ang ganda lang na nakakahanap ang mga artista natin ng malikhaing pagkakaabalahan at mapakikinabangan ng ating mga kababayan.

Mahalagang may kredibilidad ang mga gagawa nito. Because you cannot teach what you don’t have, di ba?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gladys Reyes (kaliwa) at Cherie Gil, bibigyan ng chance to shine ang aspiring actors sa pamamagitan ng kani-kanilang online acting workshops.
PHOTO/S: @iamgladysreyes / @macherieamour Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results