Comedian-writer Alex Calleja, may open letter para sa bashers ng ABS-CBN

by PEP Troika
Jul 8, 2020
An excerpt from writer and stand-up comedian Alex Calleja's open letter: "Hindi ko na rin pipilitin na umayon kayo sa paniniwala ko tulad ng pagpilit niyo na baguhin ang paniniwala ko (pinapalipat niyo pa ako sa GMA 7)... Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba?"
PHOTO/S: Alex Calleja Facebook

JERRY OLEA

Matalim ang open letter ng Kapamilya writer-comedian na si Alex Calleja, na ipinost niya sa Facebook nitong Abril 7, Martes.

Si Alex ay isang stand-up comedian at writer ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Isa rin siyang director, writer, at actor sa Reality Entertainment Inc., ang film company na pag-aari nina Dondon Monteverde at Erik Matti.

Ani Alex, "Dear Trolls and Bashers... Maaring tuwang-tuwa kayo sa pagsasara ng ABS-CBN at karapatan niyo yan.

"Hindi ko na rin pipilitin na umayon kayo sa paniniwala ko tulad ng pagpilit niyo na baguhin ang paniniwala ko (pinapalipat niyo pa ako sa GMA 7).

"Pero ito lang masasabi ko, ano mang mangyari, tutuloy ang buhay natin lahat, pati ikaw (yes, pati ikaw troll and bashers).

"Sana may maidulot na magandang bunga ang pagsasara ng ABS CBN sa buhay niyo dahil sigurado ako, sampung libong tao ang maghihirap.

"Binawasan ko ng isang libo kasi kaya naman ng mga artista, executives at may mga negosyong taga ABS CBN ang mabuhay ng maayos."

Continue reading below ↓

Pagdidiin ni Alex, huwag siyang problemahin ng trolls at bashers dahil may mga trabaho siya outside ABS-CBN.

"May sarili akong bahay at lupa, 2 kotse, napagradute ang isang anak sa tulong ng ABS-CBN," pagmamalaki ni Alex.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kayang pag-aralin ang anak sa DLSU at Colegio de San Agustin. Aircon ang bahay namin.

"At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng ayuda at relief goods mula sa gobyerno. Nagbabayad ako ng malaking tax.

"Walang halong yabang, hindi ako mayaman pero kaya ko mabuhay ng dalawang taon na walang alisan sa bahay."

Sana raw ay makapag-isip-isip ang trolls at bashers na hindi ikauunlad ng mga ito ang manira ng kapwa.

"Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba? Direkta ka bang makikinabang sa pagsasara ng ABS-CBN.

"Habang binabasa mo ito at nakahanda na ang pangbash mong memes o script o walang sense na comment, pagkatapos mo gawin yan, tingnan mo buhay mo, may pagkain ka ba sa harapan ng mesa, pambayad sa ilaw at kuryente.

Continue reading below ↓

"Pag nagsara ang ABS-CBN, tapos na ba ang personal na problema mo. Life goes on di'ba? Kaya hinay-hinay sa pambabash at pag comment ng walang saysay.

"Masaya lang kayo panandalian, pero pagkatapos mo magcomment, back to reality tayo pareho. Kumusta ang buhay mo sa labas ng social media world."

Naniniwala si Alex na hindi pagpapasara sa ABS-CBN ang sagot sa kung anumang pagkukulang ng network.

"Marami pong mawawalan ng trabaho. Kung may problema sa ABS-CBN, ayusin.

"Kapag may problema sa cellphone, minsan pinapagawa kasi mas magastos kapag bumili ng bago. Wag maghangad ng masama sa kapwa.

"Madami po ang mawawalan ng trabaho habang nasa pandemya. Masamang tao lang ang naghahangad ng masama sa kapwa. O magcomment ka na.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Noted, Mr. Calleja.

NOEL FERRER

Nakakapanghina at nakakagalit man ang nangyayari, nakakababa ito ng immune system.

I’d turn to the good side of things. At least, a lot of GMA artists have expressed solidarity sa panawagang mabigyan muli ng franchise ang ABS-CBN.

Kapuri-puri sina Dingdong Dantes, Mikoy Morales, Jasmine Curtis-Smith, Janine Gutierrez, Glaiza de Castro, Atom Araullo, Ivan Mayrina, Eugene Domingo, Sandra Aguinaldo, Raffy Tima, at iba pa.

Ako, hinihintay ko ang pahayag ng Kapamilya star na si Piolo Pascual kung may involvement siya sa nalalapit na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil una, hindi ito alam ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na namamahala ng career niya.

Isa pa, isinaalang-alang kaya niya ang pakiramdam ng mga taong hindi basta-basta makaalis sa bahay dahil sa paggalang sa protocols?

At mas mahalaga, ano na lang ang pakiramdam ng mga Kapamilya niya na habang nakikipaglaban sila sa franchise ng tahanan nila ay heto siya na tila nakiki-connive sa kapangyarihang may angal sa istasyon niya?

Continue reading below ↓

Hindi panahon ngayon ng pananahimik.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from writer and stand-up comedian Alex Calleja's open letter: "Hindi ko na rin pipilitin na umayon kayo sa paniniwala ko tulad ng pagpilit niyo na baguhin ang paniniwala ko (pinapalipat niyo pa ako sa GMA 7)... Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba?"
PHOTO/S: Alex Calleja Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results