Louise delos Reyes, nakaharap sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga

by PEP Troika
Jul 8, 2020
May tibok ba sa puso nang magkita sina Louise delos Reyes at Alden Richards? Dati silang magka-love team sa GMA-7.
PHOTO/S: Screengrab from Bawal Judgmental

JERRY OLEA

Halatang nag-enjoy si Louise de los Reyes nang maglaro sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga ngayong Hulyo 8, Miyerkules, sa GMA-7.

Tatlong beses nagkamali si Louise, kaya PHP35,000 ang paghahatian nila ng kanyang home partner.

Tamis-tamisan ang ngiti ni Louise, na sumayaw-sayaw, at sumalampak sa sahig.

Nakipag-interact kay Louise sina Alden Richards at Maine Mendoza sa guesting niya sa Eat Bulaga.

Ayan! Nag-trending topic sa Twitter ang pangalang "Louise"!

Si Alden ang nag-announce kay Louise bilang celebrity guest sa noontime show.

Masiglang pagbati ni Alden, "Kumusta ka na?! Huling kita ko sa iyo video call, ha! Nung sa mga tweens sa Facebook."

Pati si Maine ay masayang nagsabi, "Hello, Louise!"


Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Tuwang-tuwa naman si Louise dahil first time daw niya sa bagong studio ng Eat Bulaga!

Kinumusta rin siya ni Vic Sotto kung anong pinagkakaabalahan niya ngayon.

Sagot ni Louise, nasa bahay lang siya nag-aasikaso ng kanyang business.


Dating Kapuso si Louise. Nagtambal sila ni Alden Richards sa mga Kapuso series na Alakdana (2011), My Beloved (2012), One True Love (2012), at Mundo Mo’y Akin (2013).

Continue reading below ↓

Noong early 2017, umalis si Louise sa pangangalaga ng GMA Artist Center, at pumirma ng limang taong kontrata sa Viva Artists Agency.

Lumabas kapagkuwan si Louise sa mga Kapamilya teleserye na FPJ’s Ang Probinsyano at Asintado.

NOEL FERRER

Sayang, hindi ko napanood ang episode.

May tibok ba ng puso o lundag ng dugo kina Alden o Louise, na alam ng publiko na may pinagsamahan noon?

Continue reading below ↓

Bakit nga ba ito naudlot, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Nasa tamang panahon na puwede silang magkita, mag-usap o magsama sa isang programa. Hindi na maba-bash ang aktres.

Sabi naman ni Louise noon na na-maintain pa rin ang friendship nila ni Alden.

Nag-iingat lang sila noon dahil kailangang umiwas sa matinding bashing.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May tibok ba sa puso nang magkita sina Louise delos Reyes at Alden Richards? Dati silang magka-love team sa GMA-7.
PHOTO/S: Screengrab from Bawal Judgmental
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results