Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, safe na bang magbalik sa trabaho?

by PEP Troika
Jul 9, 2020
Nagbigay ng kanilang opinyon sina Direk Joey Reyes (kaliwa) at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas at ang epekto nito sa mga nagtatrabaho sa TV and film industry.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

As of July 8, Wednesday, 9:00 P.M., lumampas na sa 50K ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.


Shout out tuloy ng multi-awarded director-scriptwriter na si Jose Javier Reyes nitong Hulyo 9, Huwebes ng umaga, sa Facebook:

“Is it really safe to go back to work even with the well thought out protocols?

Continue reading below ↓

“BUHAY O KABUHAYAN?”

Komento ni Ormoc City Mayor Richard Gomez, “There are risks involved at the workplace. Best is to really wear a mask, physical distancing and no physical contact.

“But again it depends on the work that we do. If artista acting infront of the camera they will have to take off their masks. Yun ang risky.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Direk Joey, may unconfirmed na balita ng contamination ng COVID+ crew member sa isang set.

“AFRAID!” sey pa ni Direk Joey.

GORGY RULA

Napag usapan na nga natin iyan kahapon.

Ang daming production ang natatakot pang magsimula dahil sa mga kasong ito.

Ang latest, bukod sa nagpositibong staff ng isang teleserye, may dalawang (2) staff daw sa isa pang telesreye na nag-positive na rin sa COVID-19. Dahil dito, pinatigil na rin daw ang taping nila.

May ilang programang nagsisimula na ulit mag-taping sa studio, pero sobrang limitado ang kilos ng mga artista at staff.

Continue reading below ↓

Kailangan talagang maghigpit pa nang bonggang-bongga.

NOEL FERRER

Kausap ko si Direk Joey Reyes kanina.

Ang sabi niya, ito talaga ang kinatatakutan niya.

Nakakaawa raw ang crew na most vulnerable because they commute.

Isang estudyante raw niya ang nag-test ng positive sa COVID-19 just with colds and cough, no fever, and he most likely got it riding a van from Alabang to Cavite.

Nakakalungkot talaga—to think that we have been under strict lockdown for mga four months now.

And it is bound to fail talaga nang walang effective na mass testing at contact tracing.

Hinihintay pa ang official na resulta ng swab test ng artistang kilala ko, pero OK naman siya at walang symptoms, although tigil-trabaho na muna sila.

Iyan din ang hesitation ng iba na hindi isasabak ang sarili sa trabaho kung hindi maayos ang health protocols, tulad ng pagsu-shoot sa mga pelikula at teleserye, pati na sa advertising at live events.

Continue reading below ↓

I’m sure their respective industries have safeguards.

Pero more than the guidelines, it’s still the general feeling that we still don’t feel safe leaving the confines of our home.

Paano na nga ba ito?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng kanilang opinyon sina Direk Joey Reyes (kaliwa) at Ormoc City Mayor Richard Gomez sa patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas at ang epekto nito sa mga nagtatrabaho sa TV and film industry.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results