Rep. Alfred Vargas, tinawag na "fake news" ang report tungkol sa boto ng mga kongresista sa ABS-CBN franchise

by PEP Troika
Jul 9, 2020
(Kaliwa)) Tinawag na "fake news" ni Quezon City Representative Alfred Vargas ang lumabas na report tungkol sa pagboto ng mga kongresista sa ABS-CBN franchise. (Kanan) Kapansin-pansin ang tatlong kulay ng ballpen na nakasukbit sa polo ni JC Alcantara sa isang eksena ng BL series na Hello Stranger. Ang mga kulay na red, blue, at green ay kulay rin ng ABS-CBN logo.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

JERRY OLEA

Takaw-pansin sa akin ang tatlong ballpen ni Mico (JC Alcantara) habang nakikipag-chat kay Xavier (Tony Labrusca) sa second episode (“Feelings”) ng Pinoy BL series na Hello Stranger.

In-upload ito noong Hulyo 1, Miyerkules, sa YouTube channel at Facebook page ng Black Sheep.

RGB (Red, Green, and Blue) ang mga kulay ng ballpen, na siya ring mga kulay ng ABS-CBN logo.


Continue reading below ↓

Ang Black Sheep ay isa sa mga film outfit ng Kapamilya Network.

Sa third episode (“Heartbeat”) ng XavMi series na in-upload nitong Hulyo 8, Miyerkules ng gabi, may RGB ballpens muli si Mico habang ka-chat si Xavier, bukod pa sa blue ballpen na hawak nito.

Nanood pa ang XavMi ng pelikulang One More Chance, na pakiwari ko ay hindi angkop sa karakter ni Xavier matapos silang magkalabuan ng girlfriend na si Crystal (Gillian Vicencio).

Ang bigkas ng XavMi ay “Save Me.”

Ang One More Chance, panawagan ng mga Kapamilya sa mga congressman kaugnay sa renewal ng franchise ng ABS-CBN na ipinapahiwatig ng RBG ballpens.

Subliminal message ba ang tawag doon? Subliminal stimuli?

Ngayong Hulyo 9, Huwebes ng umaga, mula sa ABS-CBN Compound ay may caravan ang ABS-CBN supporters patungo sa Kongreso.

Panay-panay ang dalangin ng mga Kapamilya na, sana, YES ang iboto ng karamihan sa nakapuwesto sa Kongreso.

Save ABS-CBN! One more chance!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Active ngayon ang ating mga manggagawa ng ABS CBN na may caravan pa papuntang Congress ngayon. My heart goes out to them!

Nasaan ang mga artista na malaki ang kinita sa network? Buti na lang, ang iba sa kanila ay active sa pagpo-post sa social media!

Lagi ko ngang sinasabi, CHARACTER COMES OUT—not just in good times, but moreso, during these challenging moments.

And we admire those people who make their stands known. Because this is NOT A TIME TO BE SILENT, this is a time to be COUNTED!!!

Buti pa ang iba ay TUMATAYA, NASAAN ang ibang SIKAT na KAPAMILYA (na FLAG CARRIERS kung tawagin)?

NASAAN YUNG MGA KASAMAHAN AT LEADERS NG ATING INDUSTRIYA na maingay sa ibang isyu pero bigla na lang tikom ang bibig?

Mananatili bang SAFE at TAHIMIK na lang ang iba, habang ang iba riyan ay nariringgan pa namin ng pagdududa?

COME ON, LEVEL UP!!! This is not just about YOU! Not just about ABS-CBN. It’s about our state of affairs as FILIPINOS!

Continue reading below ↓

We would like to hear from EVERYONE!!! Ang PANANAHIMIK ay ituturing na STAND din.

Hindi ko lubos maisip yung mga kasamahan nating nakinabang o sinasabing lider-lideran ng ating industriya ay BIGLANG NAWAWALAN NG BOSES NGAYON. (Mas may respeto pa ako sa hayagang nagpapahayag ng saloobin -- PRO or ANTI man -- at least, TUMATAYA, hindi NAGPAPAKA-SAFE LANG.

MARKADO po ngayon ang TUMATAHIMIK LAMANG!!! LEVEL UP!!! MAKE YOUR STANDS KNOWN!!!

#FenceSittersNotAllowed #Manindigan #LabanKapamilya

GORGY RULA

Nagtataka ang ilang kongresista kung saan nanggaling ang lumabas na report tungkol sa initial tally diumano ng mga boto ng kongresista tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa kabuuan, mas marami raw ang boboto ng No kaya Yes, kaya hindi umano mare-renew ang legislative franchise ng Kapamilya network.

Isa sa nag-react sa report na ito si Congressman Alfred Vargas ng District 5 ng Quezon City.

Ayon sa lumabas na report sa isang broadsheet, kabilang siya sa boboto ng No.

Continue reading below ↓

“That’s not true! That’s fake news.

"I don’t know saan nila nakuha iyang listahan na iyan. I will release my statement soon,” text sa akin ni Congressman Alfred.

Sabi naman ni Congressman Dan Fernandez ng First District ng Laguna, sa panayam namin sa DZRH noong Miyerkules, July 8, “Pakiramdam lang nila yun.

"Siyempre, kanya-kanyang point of view. Kanya-kanyang parang perception nila sa members ng committee, na siguro yun ang feeling nila na yun ang boto nila.

“At the end of the day… iyang vote na iyan, puwedeng magbago ‘yan, e.

“Puwedeng mag-yes, puwedeng mag-no.

"Depende doon sa nararamdaman at base sa imbestigasyon na nagawa natin at sa walong issues na na-present sa committee hearing."

Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin daw ni Congressman Dan ang lahat ng napag-usapan sa hearing sa bawat allegation na kinasangkutan ng ABS-CBN.

“Siyempre, bawat issue, pag-aaralan mo, e.

"Katulad ko, binabasa ko lahat, e, tapos tinitingnan mo yung mga naging interpellation at siyempre, mababalanse mo na dun, e.

Continue reading below ↓

“Ang pagboto mo, hindi lang pagbabasehan sa ibibigay ng bagong prangkisa kundi ibi-base mo doon sa mga alleged violations that were committed on the franchise, which is the proper way to do it, ‘no?” dagdag niyang pahayag.

Kaya abangan natin bukas, July 10, kung magaganap na ang botohan pagkatapos ng summation nila ng mga kongresista ngayong hapon, July 9.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa)) Tinawag na "fake news" ni Quezon City Representative Alfred Vargas ang lumabas na report tungkol sa pagboto ng mga kongresista sa ABS-CBN franchise. (Kanan) Kapansin-pansin ang tatlong kulay ng ballpen na nakasukbit sa polo ni JC Alcantara sa isang eksena ng BL series na Hello Stranger. Ang mga kulay na red, blue, at green ay kulay rin ng ABS-CBN logo.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results