Show ni Kris Aquino "deferred," hindi cancelled?; Kapamilya stars, gagawa ng shows sa TV5

by PEP Troika
Jul 9, 2020
Nagkaproblema man ang pag-uumpisa ng show ni Kris Aquino dahil sa “pulitika,” baka blessing in disguise ito at sa tamang panahon ay babalik siya sa paghu-host ng TV show.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Matipid ang sagot ng isang producer na pinagtanungan ng PEP Troika tungkol sa planong TV show na ihu-host sana ni Kris Aquino.

Nilinaw niyang hindi kinansela ang show. Ang term na ginamit niya ay “deferred” o ipu-postpone muna.

Nagtataka raw sila kung bakit sinasabing hindi na ito matutuloy. Tuloy pa rin daw ang programa ni Kris, pero "deferred" lang muna ngayon.

Hindi station-produced ang gagawing show ni Kris, kaya posible itong ipalabas sa ibang TV stations na tumatanggap ng blocktimers.

Ito ba ang dahilan kaya dineactivate muli ni Kris ang kanyang social media accounts?

Samantala, nagsisimula nang mag-taping ang ilang programang pinu-produce ng ilang production outfits na blocktimers sa TV5.

May tini-tape na game show at malapit na rin daw simulan ang isang talk show.

Karamihan daw na kinuha ay mga Kapamilya artists, pero meron ding taga-GMA 7.

Sobrang confidential pa raw, kaya wala muna silang ibinibigay na detalye.

Continue reading below ↓

Narinig din naming nakikipag-usap na raw sa ilang executives ng GMA-7 ang isang Kapamilya artist.

Gusto raw nitong bumalik sa Kapuso network dahil doon siya nanggaling noong nagsimula pa lang siya sa pag-aartista.

May ideya na po ba kayo kung sino ito?

NOEL FERRER

Bukod sa fitness show ni Jessy Mendiola, balitang may shows na gagawin sa TV5 ang ating tatay na si Mr. T (Tony Tuviera) with his APT.

Kasama raw rito ang show with our dear Pokwang.

May nabalitaan din akong blocktime arrangement with TV5 sa group ni Sir Albee Benitez at iba pang programang ating aabangan.

Pero for now, tutok pa rin tayo sa ABS-CBN.

Maganda na may ganitong dagdag na programa at trabaho, pero ayaw nating may mawawalan at magsasara!

JERRY OLEA

Dahil love love love ko si Kris, excited ako nang ihayag niyang nalalapit na ang pakikipag-Saturdate sa kanya.

Nagkaproblema man ang pag-uumpisa nito dahil sa “pulitika,” itinuring kong blessing in disguise ito, at sa tamang panahon ay babalik siya sa paghu-host ng TV show.

Continue reading below ↓

Iyon ngang Pinoy BL series na My Extraordinary na nakatakdang ipalabas sa TV5, dapat ay ngayong buwan mapapanood ang pilot episode.

Pero dahil sa mga pangyayaring hindi inaasahan, sa Hulyo 20 pa lang magsisimula ang taping nito sa Antipolo City.

Nabalitaan nating magkakaroon ng show sa TV5 ang isang Kapuso comedian.

Hopefully, makakuha tayo ng mga karagdagang detalye sa mga susunod na araw.

Iyong Bangon Talentadong Pinoy na ihu-host ni Ryan Agoncillo, sa Agosto pa ang target na pag-uumpisa sa TV5.

Ninong ni Ogie Alcasid sa dalawa niyang kasal si MVP (Manny V. Pangilinan), ang may-ari ng TV5.

Kaya umalis noon si Ogie sa GMA-7 para tulungan ang kanyang ninong.

Natitiyak ko na very much welcome sa TV5 si Ogie at ang misis niyang si Regine Velasquez.

Pinapalakas ng TV5 ang signal nito. Dahil sa pagdi-digital ng TV-Plus at GMA Affordabox, mas marami ang nakakasagap ng free channel na ito.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkaproblema man ang pag-uumpisa ng show ni Kris Aquino dahil sa “pulitika,” baka blessing in disguise ito at sa tamang panahon ay babalik siya sa paghu-host ng TV show.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results