Piolo Pascual, bakit nasa Sagada kahit may quarantine pa?; hilaw nga ba ang pagsuporta sa ABS-CBN franchise?

by PEP Troika
Jul 9, 2020
Piolo Pascual, hilaw nga ba ang suporta sa gitna ng krisis na hinaharap ng ABS-CBN?
PHOTO/S: Cove Manila via @piolo_pascual Instagram

JERRY OLEA

Sleeper hit ang pelikulang Kita Kita (2017) na pinagtambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Iprinodyus ito ng Spring Films, kung saan investors sina Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal.

Spring Films din ang producer ng pelikulang Fuffy and Fream, na bida sina Piolo at Alessandra. Si Alessandra ang nagsulat at nagdirek nito.

Maganda ang teaser ng movie. Mukhang may chemistry ang dalawang bida.

Si Bb. Joyce ang magdidirek muli ng SONA ni Pangulong Duterte sa Hulyo 27.

Nagtungo si Bb. Joyce sa Sagada noong nakaraang weekend para kumuha roon ng footage para sa SONA.

Sinamahan ni Piolo si Bb. Joyce. Na-bash si Piolo ng Kapamilya supporters.

Kung kailan nasa bingit ng kamatayan ang TV network na nagpasikat sa kanya, saka raw ito nakasuporta sa Pangulo?

Ipinagtanggol ni Alessandra si Piolo. May iba pang nagdepensa sa aktor, at ipinaalala ang kabaitan at pagmamalasakit nito sa mga kapwa Pilipino all these years.

Continue reading below ↓

Dapat bang litisin si Piolo dahil sinamahan niya ang close friend na si Bb. Joyce, habang nagbi-vigil ang Kapamilya supporters sa labas ng ABS-CBN compound?

Isa pang tanong: sabik na ba kayong mapanood ang pelikulang Fuffy and Fream nina Piolo at Alessandra?

NOEL FERRER

Paglabas ng isyu ng hindi pagpayag ng Sagada para mag-shoot si Bb. Joyce Bernal —na kasama si Piolo sa advance party—marami nang reaksiyon ang publiko.

At heto at inipon ko ang paulit-ulit na itinatanong ng followers, at ang iba pa ay tagahanga ni Piolo bilang public figure at citizen ng ating bansa.

Aminin nating hinihintay nating magsalita si Piolo at linawin ang kanyang stand sa issues dahil hindi uubra ang pananahimik.

Muli, ito ang mga tanong ng mga sumusubaybay at ang iba’y mga kaibigan ni Piolo:

1. Bakit siya nasa Sagada? Kung para sa SONA man ito (or whatever), bakit?

At bakit siya nandoon ngayong panahon ng quarantine? Habang tayo ay nananatili sa ating mga tahanan hanggang sa maging bukas na ang lahat para mag-travel with the needed protocols.

Continue reading below ↓

Maihahalintulad siya sa isang government official na humingi ng paumanhin pagkatapos makunan ng larawan kasama ng dolphins kahit may health at security restrictions pa. The good thing is that the locals, tulad ng mga taga-Sagada, have been strict sa kanilang community guidelines.

Sabi ng ibang mga Kapamilya, mas kailangan sana si Piolo rito para mag-lead ng caravan sa Kongreso bilang top Star Magic Artist, pero gagawin niya kaya yun?

2. Ano ba ang stand niya sa ABS-CBN franchise issue? Bakit siya diumano nag-back out sa isang forum (nang last minute) na dapat kasali siya para ipagtanggol ang prangkisa ng network na nag-aruga at nagpayaman sa kanya?

Naitatanong ito dahil hawak niya ang bandila ng network sa ABS-CBN Station ID. Pero sa franchise hearing, parang hilaw ang suporta niya compared sa ibang Kapamilya artists, na hanggang sa huli ay nasa frontline para sa network na naging tahanan nila.

Oo, nakita ko naman ang posts niya, in fairness. Pero sabi nga, to whom much is given, much is expected...

Continue reading below ↓

Anyare raw, PJ? Bakit bilang top artist ng Kapamilya network, hindi siya tumodo sa pagsuporta sa mga Kapamilya?

3. Ang tanong pa ng mga taga-pelikula ay ito: DDS ba siya o kapanalig ng mga ito? (Maganda lang na maklaro raw ito ngayon.)

Kasi, minsan na niyang nasabi na nawalan siya ng gana sa Tatay Digong natin noong murahin ng Presidente si God.

Kasagsagan noon ng paggawa niya ng pelikula with Lav Diaz. Kaya naman natuloy ang collaboration niya sa progresibong direktor.

Ano ang nangyari sa pelikulang Marawi? Hindi ba doon nagkaiba ang pananaw nila ng nag-back out na direktor at line producer ng di natuloy na pelikula dahil sa pagkakaiba ng kanilang pulitika?

Sana, linawin at masagot ni Piolo ang mga ito, tulad ng isang bida na hindi nananahimik kapag nahaharap sa pagsubok.

Hindi na ito pagandahan ng press release kundi pagpapalaya ng tunay na paninindigan.

Ipinapanaklong natin ang ating paghuhusga! Bigyan natin ng pagkakataon si Piolo na linawin ang kanyang sarili at manindigan!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ayon sa ilang napagtanungan ko, hindi raw talaga kasali si Piolo sa SONA shoot ni Direk Joyce.

Isinama lang daw siya dahil magkaibigan silang dalawa, at may property raw sa Sagada ang Kapamilya actor.

Pero pakinggan muna natin ang kanyang pahayag kaugnay rito. Hindi natin masisisi ang karamihan na mag-react at magbigay ng kanilang opinyon. Sensitibo na ang mga tao sa panahon ngayon.

Pero sana, huwag husgahan kaagad si Piolo. Bawal judgmental, sabi ng Eat Bulaga.

Kung ano man ang saloobin niya sa lahat na nangyayari, igalang na lang natin. Siya lang ang magdadala ng kargo niyang yun kung sakali.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual, hilaw nga ba ang suporta sa gitna ng krisis na hinaharap ng ABS-CBN?
PHOTO/S: Cove Manila via @piolo_pascual Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results