Hulyo 10, 2020: Ang makasaysayang Biyernes na pinakahihintay ng mga Kapamilya

by PEP Troika
Jul 10, 2020
Malalaman ngayong araw, Hulyo 10, 2020 ang hatol ng mga kongresista tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN. Magbubunyi ba ang mga Kapamilya o sila ay tuluyang magluluksa?

JERRY OLEA

“Ikaw na po bahala samin Lord.” Tweet iyan ni Vice Ganda nitong Hulyo 9, Huwebes.

Nag-tweet ng quotation si Julius Babao nang araw ring iyon: “In the end, we will remember not the words of our enemies, but the silence of our friends.”

Continue reading below ↓

Andaming nag-post at nag-share ng art work kung saan may nakasinding kandila sa gabi, at mapusyaw ang liwanag na kulay bughaw, dilaw, at pula.

Pagluluksa ba iyon?

Hulyo 10, 2020—ang makasaysayang Biyernes na pinakahihintay ng mga Kapamilya.

Ngayong araw inaasahang magbobotohan ang mga kongresista kung bibigyan nila o hindi ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Trending sa Twitter ang hashtag na #CongYES.


Post ni Martin Nievera sa Facebook ngayong Friday morning: “We have no idea what will happen today. Make it or break it I am proud to be kapamilya!

“I have been with them since the day they restarted. I’ll be with them again when they re-start again. Sooner or later I am with them.

Continue reading below ↓

“One truly can not deny how abs cbn served and helped and inspired the Filipinos all over the world. Especially those who needed it most when they needed it most.

“What makes my heart smile through all this uncertainty is when I see how Carlo, Cory, Mark and the rest of the Team from abs handle themselves with respect and honor no matter what disrespect or accusations are thrown their way.

“Even crap that happened way before they sat in the seats they sit in today. If there is one thing I know about Filipinos it’s that we are forgiving people and if it’s broken we fix it.

“And when we do sometimes it works better than ever. If given the chance anyway.

“I pray for that chance to do it better with a new franchise.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

NOEL FERRER

Una, I am forever grateful to ABS-CBN dahil dito nagsisimula ang aking 30-year media history.

Ngayon din natin ginugunita ang 8th death anniversary ng mahal nating Comedy King na si Tito Dolphy, na siyang naging cover ng coffee table book on Pinoy TV at ang history ng ABS-CBN.

Sana, kasihan tayo ng mga nauna sa atin sa history ng broadcasting at turuan ng leksyon na, sa susunod, boboto talaga tayo ng mga lider na kakatigan ang malaya at progresibong pamamahayag.

Maganda ang nasabi ng katoto at tukayong Noel Cabangon—a call for delicadeza.

Ang sabi niya: “Kung may delicadeza pa kayong natitira, kayong mga DDs na nagtatrabaho sa ABS-CBN at di nyo man lang maipagtanggol ang kumpanyang inyong pinapasukan. Di niyo man lang mapanindigang ipaglaban ng lantaran, at di niyo mabatikos ang mga humaharang sa pagrerenew ng prangkisa.. magsipag-RESIGN kayo, wala kayong karapatan na manatili riyan.”

May nakita pa akong post na: “Kung sana, kasindami ng mga dumadalo ng ABS-CBN Ball ang mga nagfofrontline para sa prangkisa nito, kung sana lang talaga!”

Continue reading below ↓

Oh well, tututok tayo at magbabantay.

Balita ko, may caravan ulit ngayon papuntang Congress at sasama raw sina Angel Locsin, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

Sana meron pa at marami pang iba.

JERRY OLEA

Dalangin ni Pokwang ngayong Friday morning na YES ang boto ng mga Congressman para sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Dasal ni Pokwang: “Please po nawa’y haplusin ni God ang puso ng mga mambabatas at muling bigyan ng pagkakataon ang network.

“Wala pong perpektong kumpanya, wala ding perpektong pamilya at mas lalong walang perpektong gobyerno, pero may perpektong Dios na handa tayong patawarin sana gano’n din tayo sa mga kapwa natin.”

Continue reading below ↓

Sa Facebook din inilahad ni Direk Adolf Alix Jr. ang kanyang pananalig: “ABS-CBN rightfully deserves its place in the broadcast space. A free and independent media sector that can keep the population informed is as crucial for a strong and sustainable democracy as free and fair elections.

“Without it, citizens cannot make informed decisions. This check and balance is the heart of democracy.

“Curtailment is not the answer. Continuous reforms to help better the system should be encouraged for in the end this is all for the benefit of the people.

“In the service of the Filipino.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kanya-kanyang post ang karamihang taga-Kapamilya network.

Ang iba naman ay hinahanap ang ibang big stars ng ABS-CBN, kung bakit wala sila at hindi ganun ka-visible sa iba’t ibang activities para maipahayag ang suporta sa renewal ng franchise ng kanilang istasyon.

Nasaan daw si Piolo Pascual? Nasaan daw si Sarah Geronimo?

May ilan namang ni-repost ang tulang "Lord, Puwede Pong Magsumbong?" na gawa ni Maloi Malibiran Salumbides.

Napansin ni Elizabeth Oropesa ang tulang iyon na ni-repost ni Lorna Tolentino.

Continue reading below ↓

Kaagad gumawa si La Oropesa ng sarili niyang tula na sagot sa tula ni Salumbides.

Bahagi ng tulang ginawa ng premyadong aktres:

Ang ganda ng mensahe sa ginawang tula, pero tingin ko hindi pakikinggan kahit makata ang may katha.

Alam mo ba kung bakit? Karamihan sa atin ay ubod na ng lupit.

Makalupa, makamundo at sa Diyos hindi na lumalapit.

Kanya-kanyang relihiyon, kanya-kanyang poon, pati Bibliya ay may kanya-kanya ng interpretasyon.

Tayong mga nilikha, karamihan ay makamundo at makalupa.

Akala ng iba ang karmang sumpa sa tao lang tumatalab hindi sa bansa. ‘We will always get what we deserved’ ito ay tandaan

Hindi tayo makakaahon hangga’t tayo ay nagpapatayan.

Ang Diyos Ama ay mapagmahal, tiyak ko ay iniiyakan Niya tayong mga anak Niyang mga hangal.

Ang mensahe raw ni La Oro sa ginawa niyang tula ay, sana, magkakaisa ang lahat para sa ating ipinaglalaban.

Huwag na raw sanang mag-away at magbalitaktakan sa social media para mapatunayang sila ang tama.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya kaugnay sa hinihinging prangkisa ng ABS-CBN, “Pinagdadasal ko na sana, na kung ano ang dapat mangyari ay yun ang dapat mangyari.

“Sana, huwag na mag-away-away. Nakakalimutan ng kapwa ko artista, ke meron mang ABS-CBN, merong Channel 7, kahit wala ang dalawang 'yan, kami, pare-pareho pa ring artista.

“Dapat kami magkakampi-kampi. Lahat 'yan dapat magtulungan na lang. Huwag nang mag-away, huwag na magsiraan.

“Walang mangyayari kung hanapan ng butas na mas magaling si ganito, mas magaling si ganyan. Tapos yabangan nang yabangan, hindi naman kailangan, e.”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malalaman ngayong araw, Hulyo 10, 2020 ang hatol ng mga kongresista tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN. Magbubunyi ba ang mga Kapamilya o sila ay tuluyang magluluksa?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results