JERRY OLEA
“Happy Friday.” Tweet iyan ni Bela Padilla nitong Hulyo 10, Biyernes ng umaga.
Para sa maraming Kapamilya, ang araw na ito ay nalalambungan ng pangamba. Black Friday.
Walang post si Bela sa Instagram ngayong Friday morning.
Sa Facebook, nag-promote ang aktres ng pelikula nila ni JC Santos.
“Namiss mo ba ang kilig feels sa tambalang JC at Bela? Watch them again sa On Vodka, Beers, and Regrets, now streaming sa Netflix!”
Nag-share siya ng post ng Viva Artists Agency at ang kanyang kuda, “Everything’s Blue.”
At least, hindi nang-eklay si Bela.
Kasama si Bela sa 14 na awtorisadong Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacañang na maglakbay pa-Sagada, Kalinga, at Baguio City upang mag-shoot ng video materials na gagamiting playbacks sa ikalimang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 27.
Ikapito sa listahan si Bela.
Ang mga nauna sa kanyang nakalista ay sina Joyce Bernal, Piolo Pascual, Illac Diaz, Liam Bernal, Deanne Bernal, at Laydee Gasalao.
Tiningnan ko ang posts ni Bela sa Twitter, IG, at FB matapos kong mabasa ang post ng multi-awarded writer na si Ricky Lee nitong Biyernes ng umaga:
“Sa araw na ito ng pagbababa ng desisyon ng Kongreso tungkol sa usapin ng franchise ng ABS-CBN, gusto kong ipahayag ang aking paghanga at papuri sa lahat ng mga artista at celebrities ng kompanya na walang takot na nagpakita ng kanilang suporta para sa kanilang home company.
“Marami sa kanila ay nakatrabaho ko sa mga pelikula at TV shows ko at naging mga kaibigan ko na rin.
“Sa gitna ng napakarami nating problemang pinagdadaanan sa mga panahong itong napakadilim, they make me feel really proud.”
Nawa’y maging lubos na maligaya ang Biyernes na ito para kina Piolo at Bela!
NOEL FERRER
Nanguna na si Angel Locsin sa Caravan papuntang Kongreso.
Namataan din sina Nikki Valdez at Bianca Gonzalez.
Ang grupo nina Iza Calzado at Jodi Sta. Maria ay mag-i-FB Live bilang pangunguna ng Virtual Mobilization.
Ngayon makikita ang pakikiisa ng mga Kapamilya sa pagtatanggol ng kanilang tahanan.
Sabi nga, sana yung mga nasa ABS-CBN Ball, nandoon din para ipagtanggol ang ABS-CBN ngayon... ang laking puwersa sana.
Lilipas din ito. Pero tatandaan natin ang mga taong tumaya at yung mga nanahimik lamang.
GORGY RULA
Anong malay natin, magdilang-anghel si Bela at maging masaya ang Biyernes na ito para sa mga Kapamilya?! Think positive!
Last week ay nag-post si Bela sa IG, “Forever Kapamilya!”
At nitong Friday afternoon, July 10, ay may Instagram post si Bela bilang pagsuporta sa ABS-CBN.
Kasama ang larawan ng ABS-CBN building ay ang hashtags na #kapamilyaforever at #istandwithabscbn.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika